Chapter 20

7.5K 173 80
                                    

"Conhratulations Bella!" bati agad sa akin ni coach matapos ang 100m freestyle kung saan ay nagwagi akong muli sa unang pwesto. Hindi ko man nabeat ang dating record ko ay masaya pa rin ako at nanalo ako sa even na ito.

Pasimple kong ipinagpag ang braso ko pagkaahon ko pero agad namang napansin ni coach iyon.

"May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong nito.

"Wala coach ayos lang ako." sagot ko agad.

Pabalik na ako sa locker namin nang mapansin kong naroon na rin sa tabi nila Adam ang mga magulang ko at maging si LA at ang boyfriend nitong si Lucas.

Kumaway agad ang mga ito sa akin. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mukha ni mommy so I mouthed 'I'm fine' to them.

Tila nakahinga naman ng maluwag si mommy matapos iyon kaya nagtungo agad ako sa aming locker.

"Next event na ang 200m freestyle na dapat ay para kay Kourtney. Bella, are you sure kaya mo pa? Pangatlong sunod mo na ito kung sakali..." wika ni coach sa akin.

"Don't worry coach, kakayanin ko." sagot ko.

Hindi nagtagal ay ipinatawag na kaming mga swimmers para sa 200m freestyle.

Mukhang hindi naman na gulat at alam na rin siguro ng mga magulang ko na kalahok ako sa event na ito.

"Go Bella! Kaya mo yan!"

"Win or Lose, pinagmamalaki ka pa rin namin!" sigaw ng mga teammates ko.

I smiled at them bago magpunta sa pwesto ko. I took a deep breath and do some of my rituals before the race.

"Go ate Bella!"

"Go Bella!!"

Agad kong inayos ang goggles ko nang marinig ang senyas hanggang sa nagsimula na muli ang kompetisyon.

Nasa pangalawang balik na ako nang maramdaman ko na naman ang pagsakit ng balikat ko dahilan kung bakit ako biglang bumagal.

Alam kong napansin na ng lahat ito pero agad ko namang inalis sa isip iyon at muking nagfocus sa paglangoy hanggang sa ako'y matapos.

Nakakabinging hiyawan ang maririnig pagkaahon ko. Mabilis namang lumapit si coach sa akin at agad niya akong binati.

"You did it Bella, finally we grab the first place in 200m freestyle event!" tuwang-tywa nitong ibinalita sa akin.

Napatingin agad ako sa LED screen kung saan nakalagay ang resulta ng aming race. Nagulat ako nang malamang .02 secs lang ang pagitan namin ng nasa 2nd place.

What if hindi ako bumagal ng sandali kanina, mas malaki pa kaya ang lamang ko sa kanya?

"Okay pahinga ka muna Bella at mamaya pa ang 800m freestyle. Pero kaya mo pa ba?" Tumango na lang ako bilang sagot bago nagpunas sa katawan.

Nang magsimula ang 400m freestyle event ay nagpaiwan nalang ako sa locker dahil mas lalo ko ng nararamdaman ang sakit sa balikat ko.

Sinubukan kong iangat ang buong kamay ko at halos mapaiyak ako sa sobrang sakit.

Nasa ganun akong sitwasyon nang bumukas ang pinto sa aming locker room.

"Babe? Are you okay? Hindi ka lumabas kasama ang team mo sa I'm worried baka kung ano na ang nangyari sa'ýo." saad ni Adam sa akin pagkatapos ay lumapit ito at hinawakan ang braso ko.

"I'm okay." sagot ko pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.

Minasahe naman nito ang braso ko kaya natawa ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon