Chapter 8

5.8K 148 11
                                    

Matapos ang nakakagulantang na pangyayaring iyon ay maayos naman kaming nakapag-usap ng parents ni Adam. Siya halos ang sumagot lahat ng mga katanungan nila tungkol sa amin.

Kinakabahan pa ako nang sabihin ni Adam na estudyante niya ako. Pero inexplain naman namin na hindi kami dun unang nagkakilala.

Nastress pa nung una yung mommy nila pero kalaunan ay naintindihan naman niya ang lahat dahil sa explanations ni Adam.

Isa lang ang hindi sinabi ni Adam sa kanila, iyon ay ang pagpapanggap lang ang relasyon namin.

Akala ko okay na ang lahat pero bigla ulit nagsalita ang mommy niya na ikinagulat naming lahat dahil sa pasigaw nito.

"I told you huwag kang pumayag sa offer ng Tito mong magturo sa university na 'yon! Tignan mo naging estudyante mo pa ang girlfriend mo! Ano nalang ang sasabihin ng lolo at lola mo kapag nalaman nila ito?!" halos mabingi ako sa sigaw na iyon.

"Ma, for sure ipapakasal sila agad." simpleng sumbat ni Andrew.

"OMG! Magiging sister-in-law na agad kita ate Bella! Wait update ko na sila Lolo." tuwang-tuwa namang saad ni Andrea. Nilabas agad nito yung phone niya at parang may tatawagan ata pero agad siyang kinurot ng mommy nila.

"Halla joke lang ma! Yung boyfriend ko 'to!" depensa nito pero agad itong napatigil nang marealize kung ano ang nasabi.

"Anong sabi mo Andrea?! 16 ka palang bawal ka pang mag-boyfriend! Andrew! Bakit di mo binabantayan 'tong kambal mo!" halos maghisterya na si Adam.

"Don't worry kuya, it's her imaginary boyfriend. As if may magkakagusto diyan."

"Tss! Kaysa naman sa'yo palaging basted." umirap si Andrea rito bago binitawan ang kanyang phone at humarap sa akin. Bigla naman akong nauhaw kaya kinuha ko yung isang basong tubig na kinuha ni Adam para sa akin kanina.

"Ate where did you and my kuya first met?" di ko inaasahang itatanong niya iyon kaya bigla akong napaubo sa kalagitnaan ng pag-inom ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Adam sa akin habang mahinang tinatapik ang likuran ko. Tumango lang ako bago muling humarap kay Andrea para sagutin ang tanong niya.

"In a bar pero hindi ako pumunta dun to drink, susunduin ko kasi yung pinsan ko and then I met your kuya." sagot ko at muling napainom ng tubig.

"Kamusta ang kuya ko as a boyfriend?" tanong na naman nito.

"Well, he's always makulit but he's also super sweet and romantic." wala sa sarili kong sagot dahil naisip ko agad yung mga dates namin na kahit peke lang ay feeling ko parang totoo na rin.

"Kuya ang tamis mo pala patikim nga!." pang-aasar ni Andrew kay Adam pero inirapan lang siya nito.

Hindi naman nagtagal ay nagpasya na ang lahat na kumain. Matapos iyon ay muli na naman kaming nagkwentuhan.

Sa kwentuhang yun nalaman ko kung anong klaseng pamilya meron si Adam. Sobrang saya ng pamilya niya.
Akala ko magiging awkward ako sa kanila pero feeling ko tinuturing na agad nila akong pamilya dahil sobrang gaan nilang kausap.

"Ma, Pa, hindi pa ba kayo uuwi? Gabi na, may klase pa tong kambal bukas." sabi ni Adam nang tumingin ito sa suot niyang relo.

"Pangit kabonding ni kuya, nag-eenjoy pa kaming kausap si ate Bella eh." sumbat ng kapatid nito pero umayos na ito para maghanda sa pag-uwi.

"Tandaan mo yung sinabi ko, huwag mong ipagkakalat na girlfriend ko ang ate Bella mo maliwanag?"

"Yes Sir!" masiglang sagot ng kapatid nito.

Badass Swimmer (Sporty Princess #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon