Kabanata 8

18.2K 419 75
                                    

"Oh? Ba't pang- biyernes santo 'yang mukha mo?" I hissed at Olive when she took a peek on my cellphone while I'm texting. Agad kong nilayo ito sa kaniya.

Kinaway ko ang kamay ko na parang pinapaalis siya. "Doon ka nga. Busy ako." pagtataboy ko.

I saw her grinning and I hate it. "Hmm...Hindi ka pa nirereplyan 'no?"

I just remained calm kahit deep inside gustong- gusto ko nang sumabog sa inis. Bakit hindi siya nagre-reply? Kanina ko pa tinatadtad ng texts si Zacharias para sana tanungin kung pupunta siya sa birthday ko ngayon. We are on my room right now dahil nagpresenta si Olive na ayusan ako.

Magkakaroon kasi ng party dito sa bahay namin kahit sinabihan ko na si Daddy na hindi naman na kailangan 'yon.

Malungkot na ngumiti ako dahil hanggang ngayon hindi pa bumabalik sa normal si Mama. Ilag na ilag na naman ito ulit sa akin at pinanlilisikan ako ng mata. Parang ngang wala itong pakialam sa akin ngayon.

Nadagdagan pa ang bigat na nararamdaman ko ng hindi pa nagrereply itong si Zacharias sa text messages ko. Napabuntong hininga nalang ako at umupo sa aking vanity table habang nakasuot pa ng bathrobe dahil kakatapos ko lang maligo.

"Ay girl! Aayusan na kita ha. Baka dumating na 'yong mga bisita mo tapos ikaw hindi ka pa nakaayos. " I simply nodded at her at pumikit nalang. Nagtataka lang ako kung bakit hindi nagrereply ang lalaki sa akin.

Did I have done something to offend him?

I just let Olive to put some makeup on my face at iminuwestra ako sa walk in closet ko para isuot sa akin ang kulay pulang long gown na susuotin ko. The gown has a deep neck line and it hugs my body on the right angles. My curves are visible at medyo naasiwa ako ng makitang masyadong mababa ang neckline no'n. My side boobs are showing and the string is very thin.

"Ay shet! Ang ganda! Bagay na bagay! " napapalakpak na puri niya sa akin.

With my brows furrowed, I looked at her. "H-hindi ba masyadong mababa ang neckline? Kitang-kita 'yong dibdib ko, Oli." reklamo ko sa kaniya. It was too... showy. Not my cup of tea unlike her and Dawn.

She grinned at me. "Excuse me? Twenty-six ka na girl! Ganda ng katawan mo, eh! Dapat diyan iflex mo. Hindi matatapos ang araw na 'to kung wala kang makalandian ha! Sinasabi ko sayo!" Sambit niya habang pinandidilatan ako.

I just rolled my eyes at her. "I don't need someone okay? I'm happy to be single. "

Naglakad naman ako agad pabalik sa vanity at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Naka soft curl sa dulo ang hanggang bewang ko na buhok. The red lipstick on my lips complimented the features of my face. Hinila ko ang maliit na cabinet sa vanity ko at napangiti ng makita ang regalo na ibinigay sa akin ni Daddy. It was a minimalist necklace. I wore it on my neck and I looked satisfied with my look for tonight kahit nga medyo mababa ang neckline ng suot kong dress.

Napansin ko naman na nakatingin si Olive sa akin sa salamin kaya tiningnan ko din siya pabalik.

" Bakit?"

"Hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Sa ganda mong 'yan? Walang pumatol?"

I rolled my eyes. "Gaga! May gustong pumatol pero ako mismo ang umayaw. Ganda ko 'no?"

"Ay wow! Yung confidence natin ang taas, ah!" Tumatawa na sabi niya sa akin. Kinuha naman niya agad ang isang box sa gilid at nakangiting inilagay sa harapan ko. Agad na kumunot nag noo ko habang nakatingin doon.

"What's this?"

"My gift." Nakangiting sagot niya. I opened the box and I was so shocked when I saw what was inside. My mouth hangs open because of it.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon