Kabanata 14

15.5K 367 248
                                    

Bigla akong nataranta nang ibinaba ng lalaki ang hawak na telepono at akmang haharap sa direksyon ko pero mabuti nalang ay may pares ng kamay na humablot sa akin patago sa isang kwarto doon.

Nanlalaki ang mga matang binalingan ko ang isang pamilyar na lalaki. Nakasuot ito ng blue polo shirt at nakabukas ang butones. Mas 'di hamak na matangkad ito kaysa sa akin at nakasuot ng puting cargo shorts at beach sandals.

"Caleb?!" I exclaimed.

Ngumisi sa akin ang lalaki habang nakahawak sa bewang ko at sa braso. "Nice seeing you again, Summer!" Agad na napangiti ako pero napangiwi dahil parang ang awkward yata ng posisyon naming dalawa.

"Pwede mo na siguro akong bitawan 'no?" Natatawang sambit ko.

Agad na bumitaw ang kamay niya sa akin saka preskong namulsa sa harap ko. Nangunot ang noo ko dahil bakit siya andito? This was supposed to be exclusive right?

"Bakit ka nandito?"

He licked his lower lip and smiled at me. "Chaderron invited me. "

"Magkaibigan kayo?" Gulat na tanong ko sa kaniya.

"We're best friends actually."

Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya. Kahit kasi sikat itong si Chaderron ay ni hindi yata nito sinabi kung sino-sino ang malalapit niyang kaibigan. Kapag yata nasa showbiz ka, lahat kaibigan mo. I was so shock to know na close pala sila ni Caleb.

"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong nito sa akin nang makita na bubuksan ko na sana ang pinto.

"Edi sa labas! "

"Tara! Sama ako!" Nauna na niyang buksan ang pintuan at kinuha ang isang kamay ko para hawakan.

Napapailing na tiningnan ko nalang ang lalaki. Medyo alam ko kasi ang ugali nito dahil naging kaklase ko siya noong mga panahong nasa law school ako. Isa ito sa mga lalaki na sobrang kulit at tinyaga ang pagka- suplada ko para lang kaibiganin.

Sabay kaming naglakad papunta dalampasigan. Napatingin naman ang mga naroon sa amin lalo na si Olive na nakatingin sa kamay kong hawak ng lalaki.

Bigla akong kinabahan ng masulubong ko ang mga mata ni Zacharias. He was staring at us darkly. Bumaba ang mga mata nito sa nakahawak na kamay namin ni Caleb bago tiningnan ulit ako sa mata. I swear, I saw how his hand formed into a fist at nakita ko ang pag igting ng panga ng lalaki.

Agad kong iniwas ang tingin sa kaniya at umakto na masaya. "S-si Caleb pala nandito!" Napangisi naman agad si Chaderron na katabi ni Olive at pumunta sa direksyon ni Caleb.

"Thanks for coming, Bro! Akala ko ba busy ka?"

Lumingon naman si Caleb sa direksyon ko at bahagyang napailing. "May oras pa din naman ako."

Tinapik niya sa balikat si Chaderron. Nahuli ko naman ang mga mapanuring mga mata ni Dawn. Pinandilatan ko lang ang babae.

"Caleb, doon lang ako ha. Mag-usap muna kayo."

Agad na ngumiti ang lalaki at hinayaan na akong makalayo habang nag-uusap sila ni Chaderron. Malakas na napabuntong-hininga ako bago lumapit kay Olive na may nanunuyang tingin.

"'Yan 'di ba yung Caleb na kinukulit ka lagi after class noong nasa Law school ka pa? Anak ng?! Nagkita pala kayo ulit?"

Sinita ko siya. " Manahimik ka. Kaibigan ko lang 'yan."

Ngumisi ang babae sa akin. "Hindi ka sure!"

Magaang hinampas ko lang siya sa balikat at inismiran. "Maliligo na ako sa dagat. Bahala kayo diyan." Agad na tumalikod ako sa babae na tumawa lang sa akin habang ako ay banas na banas.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon