chapter 6

3 2 0
                                    


Chapter 6

"Ziya," bulong ko at isinandal siya sa mismong pintuan ng room niya. Pilit siyang umiling, may dala pa siyang pera sa kamay, na  batid kong bibili siya ng gamot sa labas. Kaya gusto ko sanang mag salita pero hindi ko na nagawa, she needs to rest. Naririnig ko ang hininga niya.

"Okey lang ako," bulong niya. Pero hindi ko na 'yon inalintana, agad kong sinarado ang room niya, at mabilis na kinapa ang susi ko, kompleto ako sa gamot at vitamins para kahit malayo ako hindi ako basta basta mag kakasakit.

Binuksan ko ang room ko, at mabilis na itinapon ang mga gamit ko sa loob, nilapitan ko si Ziya, na ngayon ay alam kong halos matutulog na. Muli kong hinawakan ang noo niya. Sobrang init non, at namumula na siya. Agad kosyang binuhat at pinasok sa loob ng room ko. Marahan ko siyang inihiga sa higaan ko. Mabilis akong kumuha ng maligamgam na tubig pinunasan ang bahagi ng muka niya. Ewan ko, pero ayokong nakikita siyang ganito. She's just stupid and overworker. Napailing akong pinunasan ang kamay niya, at nilagyan ko na ng salonpass ang noo niya.

Matapos ko 'yong gawin, nag bihis na ko at nag luto ng makakain. Nilingon ko ang maamo niyang muka.

"Stupid," nguso ko at  nagpatuloy sa pag luluto. Hanggang sa natapos ko na ito, Hindi parin siya nagigising. Siguro na overwork ang katawan niya, or overpatique. Naupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ulit ang noo niya. Medyo bumababa narin ang init. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at dinala ko pa ang babaeng ito.

"Mama," natulala ako ng marinig ang bulong niya, pinag papawisan na siya, agad kong kinuha ang towel at pinunasan ang pawis sa leeg at muka niya.

"Why do i feel something on you," ewan kong paano lumabas ang mga katagang 'yon sa bibig ko.

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang laptop ko, i work and type some important matter. Hindi pako kumakain, and i forgot to call my mom. Pero nagulat ako ng mag ring ang phone ko, agad kong tiningnan kung sino ang tumawag. It's Bryan.

"What's up baby boy," tawa niya sa kabilang linya. Bumuntong hininga na lamang ako, at nanatiling nakatitig kay Ziya.

"Hoy! Pagod kaba?"

"Oo," malamig kong wika.

"Okey ka lang ba riyan?" Nag aalala niyang saad.

"What do you think?" Walang gana kong sagot at marahang inayos ang buhok ni Ziya, isinabit ko ito sa tainga niya. She's my student, i just need to take care of her, that's all no special.wika ko sa 'king isip.

"Umuwi ka muna dito sa manila, at nang makatikim ka ng masarap na inumin dito," tawa pa niya.

"I don't need that Bry,"

"Parang ibang Fahad na ang kausap ko ngayon ah," tawa pa niya. "Ah, before i forgot, Yung ka fling mo. Hinahanap ka." Tawa pa niya, nagitla ako doon at naramdaman ang paggalaw ng ulo ni Ziya. Lumapit pa 'ko at hinawakan ulit ang noo niya, medyo mababa na ang lagnat niya. Marahan akong napabuntong hininga.

"Sino?" Tanong ko at kinumutan na siya.

"It's Vanessa bro," sipol niya pa sa kabilang linya at natawa. "She's waiting for your call ulul, she wants to know where you are," dagdag pa niya.

"What?" inaalala ko pa kung sino sa mga babaeng nakasalamuha ko sa bar ba ang tinutukoy ni Bryan, and here i'm. Remembered something. And yes, she's Vanessa the last woman whom i kissed before i take a job. Napasapo ako sa batok ko.

"Oh, naaalala mona?" Tawa pa niya.

"Yeah, sorry for that." Tawa korin, i'm not interested with that woman. Tumalikod ako kay Ziya, at humarap sa laptop ko. I scan all the files from my email account.

Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon