chapter 8

2 2 0
                                    


Chapter 8

Nagtataka nag aalinlangan at nanlalaki ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Sabagay, nagulat nga siya dahil ang gwapong Fahad ang nasa gilid niya ngayon.

"Ano-," hindi niya na ituloy ang sasabihin sa 'kin. Dahil agad kong nilapag sa parisukat na mesa ang gamot na binili ko. Napatitig siya roon at bumaling ulit sa akin.

"Ayos naman siguro ang utak mo," sarkastiko kong wika at naupo sa gilid niya. Natuon ang atensyon ko sa papel na hinahawakan niya, maraming mga papers na puti na batid kong form for registration ng bawat sport club. Pero hindi lang 'yun. Marami rami rin ang mga projects na gagawin niya, dahil lumiban siya nung mga nakaraan. She stay silent.

"Wala ka na bang lagnat," inis kong sabi, wala kasi siyang response sa mga pinag sasabi ko eh. What an old woman. Tsss. Kung pwede kolang siyang pitikin ginawa ko na.

"Gusto mo?" Nagulat ko ng bigla niya akong bigyan ng kalahating burger. I wonder if i should refuse it for her to notice that i'm different man. "Ayaw mo," iling niya at aambang babawiin, pero agad kong inagaw 'yun sa kamay niya at mabilis na kinagat. Natulala ako sa sarap ng lasa, dahan dahan ko siyang nilingon. At sa kauna unahang pag kakataon, ang ngiti niya habang umiiling iling pa ay parang nag papatigil sa paghinga ko.

"Masarap diba?" Mahinahon niyang saad at kinagat din ang hawak na kalahati ng burger, meanwhile i do the same. Masarap talaga ang lasa, kaya ba palaging burger ang kinakain niya? Dahil ganito kasarap ang lasa?

"Oo, masarap nga." Tangu ko.

"Ano ano ba ang mga assignment na binigay mo sa 'min?" Tanong niya.

"Marami," sagot ko naman. At tinitigan ang mga papers na patuloy niyang sinasagutan. Hindi ko maipag kaka ila na fast learner siya, especially sa calculus na subject. Maganda rin ang penmanship niya, Kakaiba talaga.

"Kailan ang huling date ng submission?"

"Tch!" Ngiwi ko at nag aalinlangang sumagot, batid kong nakaka stress ang mga gawaing 'yun. Kaya naman, parang ayaw ko nang mag bigay pa ng problema sa kanya.

"Kailan?" Seryoso niyang wika at nag patuloy sa pag sasagot sa papel.

"Tapusin mo muna ang mga ibang subject saka na 'yung akin," sagot ko.

"Talaga?!" Gulat niyang saad sakin, at nag patuloy sa pag lamon ng burger. Ngumuya nguya pa 'to habang nag iisip sa sagot.

"Kumain kana ba?" Sinsero kong tanong, parang nasesense ko kasi na puro burger o di kaya'y mga pag kaing hindi maganda sa kalusugan ang mga kina kain niya, Nahinto siya sa pag susulat.

"Oo, kanina pa." Malamig niyang sagot at nag patuloy. "Nga pala ano ang bagay na 'yan?" Sabay turo sa lalagyan ng gamot na binigay ko. Tss! Ang bobo naman para di ma gets na gamot ang laman niyan.

"Tingnan mo nalang mamaya pag katapos mong kumain ng burger," inis kong sagot at tumayo na, pero wala parin siyang ka ide ideya, sa mga sinasabi ko. Manhid kaba talaga?

Bigla nalamang siyang umiling at tumango sa akin. Ano bayan? Parang ang epic epic niya naman.

"Sige," saad niya, pero parang ayaw pa ng mga paakong umalis. I must go and attend the meeting. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya.

"Don't push yourself, kaya naman ng mga gurong mag hintay," sabi ko at nag paalam, Tumango siya at nag salita.

"Salamat,"

"Walang anuman!" Ngiwi ko at patagong ngumiti, she doesn't know how to say my name? Well i guess, it's enough. Nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa matanaw ko na ang AMPETHEATER. Sa lawak nito masasabi mong pwede na para sa venue ng Sona ng presidente.

Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon