chapter 7

4 2 0
                                    


Chapter 7

"May gusto sana akong linawin,"

Hindi man lang siya kumibo, at tumaas pa ang dalawa niyang kilay, na batid kong gusto pa 'kong bigwasan. Hinayupak na babae.

"Pwede bang wag mo akong tawaging sir pag nasa labas tayo," wika ko sa kanya. Mukang wala naman 'yong problema sakanya pero nagulat nalang ako ng malamig siyang tumango sa 'kin.

"Alright, ano ba ang gusto mong itawag ko sayo," irirable niyang tanong. Mukang ayos na din ang stupid nato ah, na wala na siguro ang lagnat.

"Fahad lang," sinsero kong saad, she's just nod at mabilis na linagpasan ako.

"Hoy!" Pigil ko, pero nauna na siya, ano ba ang nangyayari sa kanya? Muka talaga siyang ewan, may topak talaga, kainis!

"Hoy!" Bigwas ko at sumunod sa kanya. Nakalabas na kame ng gate, may mga estudyante na rin na nag aantay sa paparating na jeepney, kaya hindi ko naman siya mabibigwasan neto.

Nauuna na siyang pumara at pumasok sa loob at ang buong akala hahayaan kong sumunod sakanya ang isang estudyante na hindi kabilang sa TC, taga ibang school ang babae, kaya naman nauna akong mag salita.

"Miss, sa TC ako." Ngiti ko dito, ginantihan niya naman ako ng matamis na ngiti at pinauna na ako. Medyo marami rami narin ang nasa loob, kaya naman nauupo na ako sa tabi ng stupidang babaeng 'to.

"Stupid," bulong ko, liningon niya ako at tinaasan ng kilay.

"Bakulaw," walang buhay niyang sabi at sinoot ang headphone niya,  naririnig ko ang lakas nito, at alam kong hindi niya ako maririnig pag nag salita ako.

May mga isang groupo ng estudyante ang pumara at sumakay sa jeepney, kasabay doon ang dalawang lalake. Ngumiti sila sa isat isa, at nag uunahang pumasok at nag sisitulakan pa ang mga ito. Kaya naman bahagya akong naitulak ng malakas at nasandal ako sa balikat ng stupid na babaeng to. Mas lalo akong nanginginig nang liningon niya ako, napapikit ako sa inis, kung pwede lang sanang sapakin ang mga batang ito'y ginawa ko na.

"Wag nga kayo, mag tulakan," saway ng babaeng kasama ng dalawang lalakeng estudyante.

"Naitulak tuloy si Kuya," pa cute naman ng isa. Kuya my foot!

"Oo na babe," tawa naman ng lalakeng medyo moreno, pero mas nagulat ako nang mahagip nang tingin ko ang isa pang kasama ng moreno, nakatitig siya sa stupidang babaeng katabi ko.

"Tol! Diba yan ang crush mo sa TC?" Bulong ng lalakeng moreno dito.

"Oo," namumulang wika nito, gwapo siya at matangkad, halatang bata pa talaga ito.

"Dinadalaw mo ba siya araw araw sa work niya?" Bulong ulit nito, nakatitig lamang siya sa stupidang walang kwenta. Tch! Dinadalaw pala ah.

"Oo, pero paminsan, hindi siya pumapasok dahil busy daw siya sa school." Bulong naman ng batang lalake sa kasama niya, hindi ko alam kung bakit parang sumasama ang pakiramdam ng tiyan ko, wala naman siguro akong nakain na expired nito, tss. Liningon ko naman ang stupidang babae sa gilid ko, kung makatingin sa harap akala mo naman wala siyang kasama sa loob ng jeepney, tss. Stupid talaga.

"May reyna kana tol," gigil ng moreno.

"Wag ka nga mag ingay!" Saway nito. Pero natigil ang daldalan nilang dalawa ng makitang nakatitig lang ako sa kanila.

"Sino siya?" Sita ng moreno sa kaibigan nito.

"Hindi ko alam,"

"Don't tell me boyfriend niya 'yan."

Bahagya akong natawa, boyfriend? Lol i can't believe it. Sa gwapo kong ito? Magiging boyfriend ng stupidang babaeng to. No way! Napangiwi ako sa isiping 'yon.

Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon