IV. Embarrassing Encounter

2.4K 95 65
                                    

This chapter is dedicated to the person that patiently waited for my update even though wala silang assurance na itutuloy ko pa ang story. Actually tatlo sila, and do expect na I'll dedicate one specific chapter to each one of you. Sana patuloy nyo pa rin akong suportahan. Maraming salamat po sa inyo! Since I'm a newbie author, talaga naman pong nag-research ako kung paano mag-dedicate. Sadly not working po sa aking phone, since phone nga lang talaga gamit ko. Luckily, aksidente kong napindot ang "@" na sign habang nag-eedit ng update. Hehe. And voila! Nakapag-tag ako. So ayun nga..

kienzashley10 para sa iyo po ang chapter na ito.

***

"Sa wakas! Makakapag-unwind din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa wakas! Makakapag-unwind din." bulalas ni Margaux habang hila-hila ang isang may kalakihang kulay peach na maleta. Agad naman itong inagaw ni Selena sa kaibigan.

"Bruha ka, buntis ka tapos ang bigat nitong dala mo. Mas marami ka pa atang dala kesa sa'kin. Ano ba'ng laman nito?" tanong ni Selena habang sinisipat ang maleta.

"Mga swimsuit syempre at kung anu-ano pa. Basta lahat ng pangangailangan ng babae nandyan na."

Napairap na lang sa hangin si Selena. Nakaumbok na ang tiyan ng kaibigan niya pero naisip pa nitong mag-swimsuit, samantalang siya ay t-shirt, short at mga underwear lang ang dala.

"Alam ko 'yang iniisip mo babae ka ah." untag ni Margaux sa dalaga. "Iniisip mo kung bakit magsusuot pa 'ko ng swimwear eh mukha naman akong busog na busog noh." tsaka ito nameywang.

Nginitian nya na lamang ang kaibigan. "Hay naku, pumasok ka na nga lang sa loob nang makarating tayo ng maaga sa pupuntahan natin." tsaka na niya ipinasok sa compartment ang mga dalang bagahe.

"Whatever girl." nasabi na lamang nito at pumasok na nga sa loob ng sasakyan.

Mabuti na lang talaga at nakapag-pundar sya ng sarili nyang sasakyan kahit pa mumurahin lang. At least hindi hassle sa ganitong klase ng lakad.

Nang masigurong maayos na nyang nailagay sa compartment ang mga dadalhin ay pumasok na rin sya sa sasakyan tsaka ito pinaandar. Nasilip niya sa rear-view mirror ang kaibigan na humalukipkip tsaka nagpikit ng mga mata.

'Inaantok siguro.' she thought, since Margaux is still on her first trimester.

Ibinalik na niya ang tingin sa daan. Subic is their destination and luckily no traffics or so. It only took them 2hours to get there.

It's a newly opened hotel near the Subic Bay. Syempre nag-researched muna sya ng magandang pasyalan at ito nga ang nagustuhan nya. Kailangan niya ng lugar na maganda ang ambiance at siguradong ma-re-relax siya.

THEIRSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon