VII. Breaking The Wall

1.8K 78 22
                                    

"The devil
doesn't
come dressed
in a red cape
with
pointy horns,

He comes
as everything
you've
ever wished
for."

*****

"I will arrange a book signing for your story next week, since it's really a big hit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I will arrange a book signing for your story next week, since it's really a big hit." wika ng kaniyang Editor-in-Chief na nasa kabilang linya.

"Kaso chief, alam niyo naman ang sitwasyon ko diba? Ayaw ko muna sana makihalubilo sa maraming tao." sagot naman ng dalaga na nakasapo sa kaniyang noo.

Sa totoo lang ay wala pa siyang matinong tulog dahil gabi-gabi na lang siyang dinadalaw ng kakaibang panaginip.

"Sel', I understand where you're coming from but please take it into consideration. This book signing will double boost your popularity. Don't just hide in the shadows. They were eager to know who SeRa is. Gustung-gusto ka na nilang makilala." mababakas sa tono ng boses nito ang matinding excitement.

Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga.

"When will it be?" tanong niya sabay kamot sa kaniyang kilay. It's one of her mannerism though.

"Finally! Cancel everything in your schedule on Friday because Friday it will be." bulalas nito.

Napairap na lamang sa hangin si Selena. As if naman na hectic ang schedule niya eh nasa bahay lang naman siya o di kaya'y sa grocery.

"Okay chief."

"Good then. I'll just e-mail you the full details of the book signing." sabi pa nito saka pinatay ang tawag.

Napabuntong-hininga na lamang si Selena at saglit na tinitigan ang kaniyang cellphone.

Umaasa siya na sa book signing na gaganapin ay kahit papa'no ay mawala ang isip niya sa problemang hinaharap niya ngayon. Pakiramdam kasi niya ay tatakasan na siya ng katinuan.

At dumating na nga ang araw ng Biyernes. Ang book signing event. Naroon din ang iba pang mga sikat na writer at nang igala niya ang paningin ay napakaraming tao na may dalang mga libro na ipapapirma nila sa kani-kanilang paboritong may akda.

Biglang parang pakiramdam niya ay nahilo siya at tila ba gusto niyang masuka sa isiping haharap siya sa maraming tao. Parang gusto niya na lamang umuwi at magkulong sa kaniyang kwarto.

Sanay naman siya na may mga nakikita siyang tao sa paligid pero hindi iyong ganito karami at malapit sa kaniya. Pakiramdam niya ay ang sikip ng mundo niya.

Nanlambot bigla ang kaniyang mga tuhod. Babagsak na sana siya sa sahig nang biglang may humawak sa kaniyang bewang at braso. Agad siyang napalingon sa may-ari ng mga kamay na iyon at nahigit niya ang hininga nang mamalayan niyang halos gahibla na lang ang pagitan ng kanilang mukha.

THEIRSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon