Nagising si Selena sa sunod-sunod na katok sa kaniyang pinto. Agad niyang kinapa ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tignan ang oras.
Alas otso pa lamang ng umaga.
'Sino namang bisita ko ng ganitong oras?', tanong niya sa sarili.
Pupungas-pungas na tinungo niya ang pintuan, at ganoon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang masilip sa peephole ang isang lalaking nakasuot ng formal attire na kagaya ng sa mga butler ng mayayamang tao. Napansin niya ang malaking kahon na dala-dala nito.
Binuksan niya ang pinto. Napahikab siya habang nagkakamot ng ulo.
"Anong kailangan nila?" Tanong niya nang nakapikit pa ang isang mata.
"Are you Ms. Racini?"
"Ahm, yes?"
"I was ordered by Master Azrael to deliver this to you. He told me that this is what you'll wear at the party." Paliwanag nito na wala man lang kahit anong ekspresyon sa mukha.
Tila ba nawala ang antok ni Selena nang marinig ang pangalan ng binata.
Pakiramdam pa niya ay nag-init ang kaniyang pisngi. Naalala na naman niya ang sinabi nito sa kaniya kahapon.
"Maybe you like me, too?" He bluntly said while staring at her.
Selena was caught off guard. She slightly chuckle as she lower her head.
"Hindi ka naman mahirap magustuhan eh." She said in a low voice.
Hinawakan ng binata ang kaniyang baba at marahan itong itinaas upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Napatitig si Selena sa napakagwapong mukha ni Azrael. Maamo ito na hindi mo pag-iisipan na gagawa ito ng masama. Mukha nga itong anghel sa kaniyang paningin.
'Napakasuwerte ng babaeng mamahalin niya.' bulong niya sa kaniyang isip.
"So, are you saying na gusto mo rin ako?" Malambing na tanong sa kaniya ng binata habang matiim na nakatitig sa kaniya na tila ba siya lamang ang nakikita nito.
"H-Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, panatag ako 'pag ikaw ang kasama ko. Nakakalimutan ko pansamantala ang mga problema ko."
Matamis na ngumiti ang binata. "Mukhang gusto mo na nga rin ako, but I want to officially court you. Can I?"
Napatanga si Selena. Hindi niya maapuhap ang tamang sasabihin sa kaharap.
Handa na ba siyang pumasok sa isang relasyon?
Sasagutin niya ba ito kapag nanligaw ito?
BINABASA MO ANG
THEIRS
RomanceSelena Racini is a well-known erotic-fantasy novelist. A total introvert. Afraid that she might be betrayed if she let herself get attached to anyone, but she have a special friend that she treated as her own family. Until one day, she started recei...