VI. Parallel Worlds

1.9K 78 35
                                    

Dedicated to warmaica

"I want to be your angel,
despite being evil."

*****

Matapos ang nangyaring iyon sa Subic ay nagpasya na nga si Selena at ang kaibigan na bumalik na sa Maynila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang nangyaring iyon sa Subic ay nagpasya na nga si Selena at ang kaibigan na bumalik na sa Maynila. Nakapag-report na din sila sa pulisya kaugnay sa natatanggap niyang text messages at calls.

As usual, Selena went back to her normal routine as a writer. Not worrying about what might happen to her.

Days, weeks, and even months have past that she lived a peaceful life. No messages, no phone calls.

Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang laptop at binabasa ang mga ginawa niyang outline. She wants some diversion. Balak niya sanang gumawa ng bagong istorya at ang naisip niyang maging reference sa bago niyang akda ay ang lalaking laging laman ng isip niya.

Si Blaze.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. May kung anong humahatak sa kaniya rito. Tila pamilyar ito sa kaniya.

Napailing na lang siya. Iyon ang unang pagkikita nila kaya't imposibleng hindi niya ito matatandaan kung sakali man dahil ang mga ganitong tipo ng lalaki ay tatatak talaga sa isip ng kahit sinong babae.

May kung anong lungkot siyang naramdaman sa isipin na hindi na sila magkikita pa ni Blaze dahil wala naman talagang dahilan para magkita pa sila.

Sumilip siya sa orasan ng kaniyang laptop. Mag-a-alas nuwebe na pala ng gabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok.

Nagtipa pa siya ng mga ilang beses pero agad din iyong binura. Napabuga-siya ng hangin at sandaling sumandal sa kaniyang upuan. Ipinikit niya ang mga mata.

Hindi niya alam kung paano sisimulan ang bagong kuwentong isusulat niya. Mukhang hindi magandang pilitin na magsulat dahil magmumukha lamang itong plain sa mga reader.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang makaramdam siya ng matinding panlalamig. Agad siyang napamulat at nagpalinga-linga sa paligid.

She checked the air conditioner and it was off. What the heck was that chill that runs through her spine? She thought. Something's wrong in her room. She could sense it.

There's an eerie feeling that someone is watching her, or rather someone is with her right this moment.

Kung anu-anong senaryo ang pumapasok sa utak niya. Hindi siya matatakutin na tao pero iba ang kilabot na nararamdaman niya sa pagkakataong iyon.

Napa-sign of the cross siya dahil talaga namang natatakot siya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at taimtim na nagdasal. Ilang sandali lang ay nawala ang kakaibang lamig sa paligid.

THEIRSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon