VIII. (XIII) La Muerte

1.4K 62 19
                                    

Selena was exhausted when she came home

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Selena was exhausted when she came home. That book signing really got her tired, but the overwhelming feeling of being able to talk to someone goes beyond that exhaustion.

She got the chance to talk to other people, and even met a new acquaintance.

Pabagsak s'yang nahiga sa kan'yang kama at tumitig sa kisame. Nakaladlad ang mga kamay at paa.

Hindi naman siguro masama na subukan n'yang makipaglapit sa ibang tao. Naisip n'ya na baka ito na ang tamang panahon para harapin niya ang mga bagay na s'yang kan'yang kahinaan.

Ano nga naman kung magtiwala s'ya at pagtaksilan din sa bandang huli. Ang importante ay naging totoo at bukas s'ya sa sarili at sa iba.

O di kaya naman ay may darating pero sandali lang mananatili sa buhay n'ya.

Lagi nga n'yang sinasabi, na kung may aalis, ay may bago namang darating, dahil laging may rason ang Diyos kung bakit N'ya ginagawa ang lahat ng bagay.

Nawala lang ang kan'yang atensyon sa kisame nang tumunog ang kan'yang cell phone. May tumatawag.

Agad n'yang dinukot ang cell phone sa loob ng kan'yang bag at nabigla nang mabasa ang rumehistrong pangalan sa screen.

Azrael.

Agad n'ya itong sinagot. "Hello?"

"You got home?" malumanay na tanong nito.

"Yes. Why? " Nagtataka namang saad ng dalaga.

"I was just checking and making sure you were safe."

Selena creased her forehead in confusion. What's with his question? Bakit kung makapagtanong ito ay parang may inaasahan itong mangyayari sa kaniya?

"Why? Do I have any reason to be unsafe?" balik tanong niya naman dito.

She's just starting to learn to trust someone aside from Margaux. And to be betrayed is the last thing she wants.

Nagpalitan sila ng number ng lalaki kanina pagkatapos ng event kaya may number ito sa kan'ya. Nag-prisinta pa nga ito na ihatid s'ya pero hindi s'ya pumayag. Hindi niya pa ito lubos na kilala kaya't natural lamang na medyo maingat s'ya.

Gusto niya muna itong makilala dahil gusto n'ya rin itong maging kaibigan at 'yun ang dahilan kung bakit s'ya pumayag na ibigay ang number n'ya rito.

Agad namang nagpaliwanag ang lalaki. Nahalata ata nitong may pagdududa sa tono ng dalaga."No, my point is. It's different now than it used to be. There are a lot of bad guys these days."

"Oh!" natapik ng dalaga ang kaniyang noo nang marinig ang sinabi ng lalaki. "Well, thank you for your concern. I'm perfectly fine." nakaramdam tuloy siya ng hiya dahil eto na naman siya sa mga tamang hinala niya. Nagmamagandang loob lang naman ang lalaki sa kaniya.

THEIRSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon