Part 5

26 3 5
                                    

Elle's pov

"ang ganda mo pala no?"

"ang ganda mo pala no?"

"grabe,ngayon mo lang nalaman?"-nagiwas ako ng tingin matapos sabihin iyon,naiilang.

" ganda mo hampasin ng gitara HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-natatawang ani nya.

"ah talaga?"-mataray kong tanong.

" oh,tignan mo HAHAHAHAHAHAHAHAHA galit ka nanaman.Kalma elle,ako lang to si kier o."-tinuro nya pa ang sarili nya matapos sabihin iyon.

"mamatay na nagtanong."-maikli kong sagot.

" May assignment ka sa math?"-tanong nya.

"meron."-muling sagot ko.

" ako ren meron."-natatawang sambit nya.

"Alam mo bakit hindi kanalang bumalik sa upuan mo?nabubwisit kase ko e."-mataray kong tugon.

" Alam mo bakit hindi kanalang bumalik sa upuan mo?nabubwisit ako e."-panggagaya nya sa sinabi ko,nangaasar.

Napatayo sya ng sipain ko ang upuan na inuupuan nya.

"Grabe elle,kalma ka lang HAHAHAHAHAHAHAHA,babalek na nga e."-tatawa tawang sambit nya at tsaka bumalik sa upuan nya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang teacher namin.Marami kaming ginawang seatworks,ang iba pa nga ay nagpa surprise quiz,nakakapagod.

ting!ting!ting!

" hay salamaaaat!"-sigaw ng katabi kong si riella.

"tara sa canteen,nagugutom nako."-pagaaya ko sa kanilang dalawa.

" hoy,sama ako!"-sigaw ni kier ng makita kaming papalabas na ng room.

Hindi ako sumagot at dumeretso nalang sa canteen.

"elle!gusto mong clover tsaka sprite?"-tanong sakin ni kier ng makarating kami sa canteen.

" oo."-maikling kong sagot.

"edi bumili ka,HAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang sambit nya.

Sinadya kong mameke ng ngiti sa kanya at tsaka nagpaunang lumakad patungo sa bilihan.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa muling tumunog ang bell hudyat na uwian na.

Tahimik kaming naglakad palabas ng school.

" Cute nyong tatlo no?Powerpuff girls."-pagbasag ni kier sa katahimikan.

"oo,tapos ikaw yung sino nga ulet yung salbaheng unggoy don?HAHAHAHAHAHAHAHA"-pagbibiro ko.

" Grabe,siguro crush mo ko no?favorite mo ko asarin e HAHAHAHAHAHAHAHA."-tatawa tawang sambit nya.

Hindi ako sumagot at siniringan ko nalang sya,ang kapal ng mukha.

Nang makarating ako sa bahay ay binuksan ko kaagad ang facebook ko,wala kaming assignment kaya okay lang na tumambay muna ko sa facebook.

ting!

(kier Alcantara sent you a message.)

Kier Alcantara

Kier Alcantara set your nickname to elleiit.

Napasiring ako sa kawalan matapos basahin iyon,hindi naman ako maliit matangkad lang sya bwct.

Kier Alcantara

You set the nickname of kier Alcantara to kier vovo.

gawa mo?

Secret hulaan mo.

Mukha bakong mang
huhula?

di ba halata?

secret hulaan mo.

Inis akong bumuntong hininga matapos mabasa ang reply nya.Nagscroll nalang ako sa facebook at hindi ko na sya nireplyan.

Tok!tok!

"Maam,pinapatawag po kayo ni maam fiona.Kakain na raw po."-Narinig kong pagtawag ni yaya darlin sa labas.

Inis akong tumayo sa kama ko at tsaka lumabas ng kwarto,naabutan ko sina mommy't daddy na nagsisimula ng kumain kasabay ang kapatid kong si axel.

Tahimik akong umupo sa silyang nakalaan para sakin.Natapos kaming maghapunan ng hindi nagiimikan.Nang matapos akong kumain ay bumalik na ulet ako sa kwarto,takot na mapagalitan nanaman.

kinabukasan ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko ngunit naalimpungatan ako ng mapagtanto ko na ilang minuto nalang ay 6:00 am na.Malelate ako neto.

Dali dali akong naligo at tsaka nagbihis,hindi narin ako nagalmusal.Pagdating ko sa gate ng school ay 6:15 na,late nako punyawa.

Nagmamadali akong lumakad patungong room ngunit nagulat ako ng may humila sa bag ko.

" Nay,gaya gaya late ren."-bungad saakin ni kier.

"aga aga,kier tigilan moko."-inis kong sambit.

Nagpauna akong lumakad at nakahinga ako ng maluwag ng sa pagpasok ko ay wala pa ang teacher namen.Umupo agad ako sa upuan ko.

" Bat ka late?"-tanong saken ni riella.

"Nalate ako ng gising."-inis kong sagot

" Buti nga nagising kapa HAHAHAHHAHAHAHAHA."-singit ni siera.

Siniringan ko lang sya at tsaka iginala ang paningin ko sa classroom.Napako ang paningin ko kay kier habang nagdadrawing.

"Pst!kier!"-Pagtawag ko rito.

" o,ano?"-baling nya sakin.

"wala lang."-sagot ko at tsaka ngumiti,nangaasar.

Hindi na sya sumagot at muling bumalik nalang sa ginagawa nya.

" pst,hoy kier!"-muling pagtawag ko sakanya.

Inis syang lumingon,wala pa man ay napipikon na.

"may tanong ako."-nakangiti kong tanong.

" o,ano yon?"-tanong nya.

"kung mamamatay ka bukas,bakit hindi pa ngayon?"-kunwaring seryosong tanong ko.

Ngumisi lang sya at tsaka umiling.Hindi nya ko sinagot,muli syang bumalik sa ginagawa nya.

" kier,yelo ka ba?"-natatawang tanong ko.

"hinde,tao ako elle."-seryosong sagot nya.

" Ampanget mo kabonding,sabihin mo baket!"-sigaw ko.

"osige,baket?"-napipilitang sagot nya.

" ansarap mo kasing ipukpok sa pader HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-natatawa kong pagbibiro.

"Lakas ng tama mo,elle."-natatawa ring sambit nya.

" oo,anlakas ng tama ko sayo."-pahina ng pahina kong sabi,sinadyang hindi nya marinig ang huling salita na binanggit ko.

"ano?"-tanong nya.

" sabe ko kako,oo nga anlakas ng tama ko."-sambit ko.

"hindi e,may sinabi ka pa e.Di ko lang narinig,ano yon?"-interesadong tanong nya.

" ha?may sinabe ba ko?wala naman ah"-maangmaangan kong sagot.

Ngumiti lang sya habang nakatingin saken,umiling sya at tsaka bumalik muli sa kanyang ginagawa.

until our next eclipse,my moonWhere stories live. Discover now