part 7

15 3 8
                                    

Elle's pov

Nanatili akong nakatayo sa hagdan habang pinapakinggan silang dalawa.Hindi pa nila napapansin ng presensya ko kayat patuloy lang sila sa pagsisigawan.

"Bakit si Claire pa!?hindi ka na nahiya sa anak mo,kaibigan ng anak mo yung anak non!"-sigaw nanaman ni mommy.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga katagang iyon.

" totoo ba dad?"-noon ko lamang makuhang magsalita dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.

Ngunit hindi ako nakatanggap ng tugon mula sa aking ama.

"Totoo ba?"-paguulit ko,umaasang sa pagkakataong ito ay sasagutin na nya ako.

" Go back to your room elle."-sambit ni mommy at tsaka nagiwas ng tingin.

Tumingin ako kay daddy ngunit agad rin syang nagbaba ng tingin ng mapansin ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Patakbo akong bumalik sa kwarto at tsaka pabagsak na inihiga ang sarili sa kama ko.

Ilang beses ng nahuli ni mommy si daddy na nambababae pero ilang beses nya rin namang pinapatawad.Ilang beses ko na rin silang narinig na nagaaway dahil sa pera,babae at kung ano ano pang mga bagay.

""Bakit si Claire pa!?hindi ka na nahiya sa anak mo,kaibigan ng anak mo yung anak non!"-sigaw nanaman ni mommy."

Muling umugong sa pandinig ko ang mga katagang iyon.Claire De vela,ang mama ni riella.Napabuntong hininga ako sa isiping iyon,tama si mommy,baket sa dinami dami ng babae bakit si tita claire pa?

Kinabukasan ay nagising nalang ako dahil sa pagtunog ng alarm clock ko.Bagamat tinatamad ay bumangon na rin ako upang maligo.

Nagalmusal akong magisa gaya ng kinasanayan.Pagkatapos kong kumain ay agad na din akong nagpahatid sa school.

"hoy elle,aga naten ah."-bati ng kaibigan kong si riella.

Ngumiti lang ako at tsaka nagdaretso patungo sa upuan ko.

Hindi ako kumibo hanggang sa magsimula ang klase.Sumapit rin ang breaktime ngunit pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain o kahit pa magsalita.

" uhm,kayo nalang ni kier magcanteen riella.Busog parin ako e."-pagpapalusot ni siera,batid kong gusto nya lang akong kausapin dahil talaga namang kapansin pansin ang pagiging tahimik ko.

"problema?"-tanong nya.

" uhm a-ano,mamaya nalang sa uwian,baka may makarinig."-mahina kong sambit at tsaka muling tumahimik.

Hindi narin ako kinulit ni siera na magkwento hanggang sa matapos ang klase.Sabay kaming lumabas ng school ni siera ng sumapit ang uwian.Laking pasasalamat ko ng maunang lumabas si kier at riella dahil may mga lakad daw sila.

"o,ano na?"-baling kaagad sakin ni siera nang makarating kami sa park.

" Nagaway kagabi sila mom and dad."-maikli kong sagot at tsaka umupo sa damuhan.

"baket?about sa pera or about nanaman sa ano?"-tanong nya,batid ko kung ano ang itinutukoy nya ng banggitin nya ang salitang " ano".

"about nanaman sa babae malamang."-nagkibit balikat ako matapos sabihin iyon.

" Grabe no,di na talaga nadala yung daddy mo sa pambababae."-sambit nya.

Napabuntong hininga ako at tsaka muling nagsalita.

"uhm sie,ano sana.Saten nalang tong sasabihin ko,wag mo nalang banggitin kay riella."-napayuko ako matapos sabihin iyon,nagiisip kung itutuloy ko ba ang pagsasabi sa nalaman ko kagabi.

" o sige,ano ba yon?"-interesado nyang tanong.

"yung mama kase ni riella,sya yung dahilan kung baket nagaway sila mom and dad kagabe."-nahihiya kong sambit.

" seryoso?pa-pano mo nalaman?"-hindi makapaniwalang tugon nya.

"narinig ko kase yung sinabi ni mommy kay dad kagabe na,baket sa dinami dami daw ng babae baket si tita claire pa."-pagpapaliwanag ko.

" alam ba ni riella?"-tanong nya.

"hinde,wala rin akong balak ipaalam sa kanya yung tungkol don."-seryosong sambit ko.

" bakit naman?may kasalanan rin naman yung mommy nya ah?alam na may asawa yung daddy mo tapos papatulan nya."-tugon nya,halatang naiinis na.

"Mommy nya yung may kasalanan hindi sya,wala naman syang kasalanan don tsaka ayoko ren na madamay pa sya sa problema ng mommy nya at family ko.Ako nalang yung kakausap kay dad,baka mamaya pag nalaman pa ni riella yung tungkol don masira pa yung family nila."-mahabang pagpapaliwanag ko.

" Sabagay,wala naman talaga syang kasalanan don,ni hindi nya nga alam na ganon pala ginagawa ng mommy nya."-pagsangayon nya sa sinabi ko.

"kawawa nga si riella e at tsaka yung daddy nya.Wala silang kaalam alam na niloloko na pala sila nung mommy nya,mamaya nga kakausapin ko si dad para tigilan na nya yung mommy ni riella.Ayoko ring masira yung pagkakaibigan namin ni riella dahil lang sa kanila."-sagot ko at tsaka muling bumuntong hininga.

" Pwede ka ng magapply na angel sa langit,ang bait bait mo grabe HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang biro nya.

"Minus ligtas points ka sa langit,masama ugali mo e."-tumatawa ring sambit ko.

" Gaga,bawal daw ghoster don."-ganti nya.

"okay,ayoko na HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang tugon ko,wala ng masabi.

"anyway,nasabi ko na kela mom yung about sa birthday ko,tuloy daw yung sa beach."-pagiiba nya sa usapan.

" di pako nakakapagpaalam HAHAHAHAHAHAHAHAHA,paalam moko?"-natatawang ani ko.

"sus,papaalam kapa?samantalang dati kung san san ka nakakarating kahit di ka nagpapaalam HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang sagot nya.

" gaga,anong gusto mo?wala nakong mauwian na bahay pagbalik ko?"-natatawang sambit ko.

"Sabagay HAHAHAHAHAHAHAHAHA sige ipapaalam kita."-natatawang sambit nya rin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay natatanaw nanamin ang pagtatakip silim kaya naman napagdesisyonan na naming umuwi.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si daddy na nakaupo sa may garden.Bumuntong hininga ako bago naglakad papunta sa gawi nya.

until our next eclipse,my moonWhere stories live. Discover now