part 9

10 3 16
                                    

Elle's pov

"utak mo may ubo."-singhal ko at tsaka nagtuloy sa paghahanda ng gamit.

" o sige bye na HAHAHAHAHAHAHAHAHA,liligo nako."- pagpapaalam nya,hindi na nya ko hinayaang sumagot pa dahil matapos nyang magsalita ay pinatay nya narin ang tawag.

Dala ko na ang twalya ko patungong cr ngunit napatigil ako sa paglalakad ng makita ang sticky note na nasa study table ko pala.Tinitigan ko ito saglit at tsaka napailing at muling dumaretso sa paglalakad.

Nang matapos ako sa pagkain ay agad din akong nagpahatid sa school.

"elle."-tawag ng pamilyar na boses sa di kalayuan.

" Baket nanaman?"-inis akong lumingon sa gawi nya,wala pa man ay halatang napipikon na.

"Masarap yung fries?"-tanong ni kier sa akin,napatingin ako sa kanya matapos marinig iyon.

" Ikaw nagpadala non?"-gulat kong tanong.

"oo,nakita ko myday mo kahapon."-simpleng sagot nya.

" Gage,joke lang yon baket naman nagpadala ka kaagad."-nahihiya kong sambit.

Ngumiti lang sya at hindi na sumagot pa.Nanatili kaming tahimik hanggang sa makapasok kami sa room.

Ngunit ng magsimula ang klase ay nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit ng ulo.Hindi ko ito pinansin at muli nalang itinuon ang atensyon ko sa klase.Makalipas ang ilang minuto ay nararamdaman kong masusuka nako.

Dali dali akong pumunta sa cr at saka sumuka,napansin ata ng teacher namin kaya lumapit ito saakin.

"Are you okay Miss Francisco?"-Nagaalalang tanong nya.

Umiling ako bilang tugon.

" Siera,samahan mo si elle sa clinic."-utos ni maam kay sie.

Inalalayan naman ako ni sie hanggang sa makarating kami sa clinic.Hindi parin nawawala ang pagkahilo at sakit ng ulo ko kaya nagdesisyon akong humiga.

"Ano bang nangyare sayo?buntis ka?"-natatawang biro nito sa akin.

Sumiring ako at hindi na sumagot pa.

" Kamusta daw?anong nangyare?"-nagising ako dahil sa pamilyar na boses na iyon.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at tama nga ako,nakita ko kaagad si sie at kier na magkausap.

"O elle?kamusta?"-Nagaalalang baling sakin ni kier ng mapansing gising na ako.

" Masaket paden ulo ko."-sagot ko habang hinihilot pa ang aking ulo.

"O,kaen muna kayo."-sambit ni kier at ipinatong ang dala dala nyang pagkain sa side table.

" Thankyou."-Ngumiti ako sa kanya matapos magpasalamat.

"Wala yon,basta ikaw."-sambit nya at tsaka ngumiti rin.

" May klase pa kayo ah."-pagpapaalala ko sa kanya.

"oo nga pala,osya pagaling ka ah."-pagpapaalam nya at tsaka lumabas na ng clinic.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan syang makalabas ng clinic at tsaka ako ngumiti.

" o kumain kana,harot mo."-napabaling ako kay sie matapos marinig ang tinig nya.

"Pwede na ata ako magpakasal sie HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang biro ko.

" Tapos di ka pala gusto HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-biro nya pabalik.

Sinadya kong mameke ng tawa bilang tugon.

Sumapit ang uwian ng panay lang kami kwentuhan ni siera.Hindi pa rin naaalis ang pagkahilo at sakit ng ulo ko kaya't nagdesisyon kami na magstay muna ng kahit ilang minuto manlang sa clinic.

"Di pa kayo uuwe?"-napabaling kaming dalawa ni siera ng marinig ang boses ni kier.Dala dala nya ang bag naming dalawa ni siera.

" Nahihilo pa daw sya e."-sagot ni siera matapos umiling.

"Tara baka andun na yung sundo mo elle,ako nalang magdadala nitong mga bag nyo."-yaya nya saamin.

Bumangon ako at tsaka sinubukang tumayo,agad din akong inalalayan ni siera sa paglalakad.Naunang maglakad si kier ngunit nililingon nya parin kami at iintayin sa twing mahuhuli kami ni sie.

Nang makarating kami sa gate ay natanaw ko kaagad ang sundo ko.Hinatid ako ni sie at kier sa kotse,nang makasakay ako ay tsaka inabot ni kier sa akin ang bag ko.

" Pagaling ka ha."-Sambit ni kier at tsaka ngumiti.

"Oy elle,pagaling ka bye!"-pagpapaalam ni siera sa akin.

" Ingat kayo,thankyou."-Ngumiti ako matapos sabihin iyon.

Nang makarating ako sa bahay ay dumaretso kaagad ako sa kwarto dahil pakiramdam ko ay anytime mahihimatay ako.Nang makarating ako sa kwarto ay nahiga kaagad ako.

Nagising ako matapos marinig ang sigawan sa baba.Paniguradong nagaaway nanaman sila Mom and Dad.Bagamat nahihilo ay dahan dahan akong tumayo at tsaka lumabas ng kwarto.

"Ano ba naman to Ariel!Paulit ulit nalang na ganto e!"-narinig kong sigaw ni mommy.

" Tumigil kana nga Fiona!Baka may makarinig sa atin!"-singhal ni daddy.

"Alam mo,kung lagi nalang ganto siguro mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo!"-naluluhang sambit ni mommy,natigilan ako matapos marinig ang mga katagang iyon.

" Osige,kung iyan yung gusto mo.Maghiwalay nalang tayo!"-tugon ni daddy.

Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.Tahimik akong pumasok sa kwarto at sinubukang tawagan si siera ngunit hindi ito sumasagot.Nagdesisyon ako na pumunta nalang sa bahay nila siera at doon magpalipas ng gabi.

Tahimik akong lumabas ng bahay dala dala ang bag ko.Ngunit pagkalabas ko ng gate ay nakita ko si kier na nakatayo sa harap ng bahay namin.Lumapit sya sa akin matapos akong makita.

"San ka pupunta?"-bungad nya.

" uhm kila sie."-nagiwas ako ng tingin sa takot na makita nya na kakagaling ko lang sa pagiyak.

"uhm ano kase,pupunta den sana ko sa bahay nila siera kase may iaano kong gamet kaso sabe nya wala daw sya sa bahay nila."-tugon nya.

" uhm,ganon ba?uhm,mauuna nako m-may pupuntahan pa kase ko."-pagpapalusot ko.

"teka,sama ako."-habol nya.

Hindi na ako kumibo at hinayaan na lang syang sumunod sa akin.Nang makarating ako sa park ay pabagsak kong ibinaba ang bag ko sa damuhan at tsaka umupo.Naramdaman ko rin ang pagupo ni kier sa tabi ko.

" teka,galing ka naba ha?"-pagsisimula nya sa usapan.

until our next eclipse,my moonWhere stories live. Discover now