part 6

13 3 6
                                    

Elle's pov

Habang nagdadrawing si kier ay pinagmamasdan ko sya.kapansin pansin ang pagiging seryoso nya sa ginagawa nya.Muli kong sinuyod ng tingin ang kabuuan nya.

Singkit sya at hindi rin masyadong makapal ang kilay nya,makinis at maputi ang balat nya parang pambabae.Matangkad rin sya kumpara sakin,siguro kung tatayo kaming pareho ay hanggang balikat nya lang ako.

"kanina ka pa nakatingin kay kier ah?"-tanong ng katabi kong si riella.

" ha?tinitignan ko lang yung drawing nya,a-ano ang ganda nga e."-pagsisinungaling ko.

"bagay kayong dalawa."-sabi nya,ngunit hindi nako sumagot pa.

" tambay tayo mamaya?gagabihin daw ng uwi sila mom and dad mamaya e."-singit ni siera.

"ay sige sige,ikaw riella sama ka?"-baling ko kay riella.

" ha?pass,maghahanap akong lalake later HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-natatawang biro nya

Habang tumatawa ako ay muli kong tinignan si kier ngunit laking gulat ko ng sa paglingon ko sa gawi nya ay saktong nakatingin rin sya sakin,gulat akong napaiwas ng tingin.

Hanggang sa magumpisa ang klase ay hindi ko na muling tinignan pa si kier sa takot na mahuli nya ulet ako.Nanahimik nalang ako sa upuan ko hanggang sa matapos ang klase.

Nang matapos ang klase ay dumaan kami sa 7/11 ni siera para bumili ng pagkain.Napagdesisyonan namin na sa park nalang ng subdivision namin kami tumambay para mag palipas ng oras.

Agad kaming umupo sa damuhan pagkadating namin sa park.Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa sa loob ng ilang minuto.

"may gusto ka kay kier?"-pagsisimula nya sa usapan.

" ha?san mo naman nalaman yan?"-maangmaangan kong tugon.

"sus,wag ko lokohen."-sagot nya at tsaka binuksan ang tsitsiryang dala namin.

" ewan ko."-nagkibit balikat ako.

"simula kinder magkaklase na tayo elleithyia cassandra,kilalang kilala na kita."-tugon nya,napangiti ako sa isiping iyon.

Totoong simula kinder ay kaibigan ko na si siera,hindi ko nga alam kung bakit kami naging magkaibigan samantalang nung una kaming nagkita ay nagaway kami dahil sa natapunan ko sya ng juice sa uniform nya.

" osige na nga,medyo lang."-tugon ko.

"alam mo nakita ko si kier last time,may kasamang girl sa mall."-sambit nya habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa park.

" o?anong gagawen ko?"-kunwaring walang pakeelam kong tugon.

"wala lang,sinasabi ko lang sayo.Baka kasi mamaya may girlfriend pala yung tao."-seryosong sagot nya.

" malay mo kapatid or kaibigan nya,maissue ka gaga HAHAHAHAHAHAHAHAHA "-tumatawang sambit ko.

Ngunit hindi na sya muling nagsalita pagkatapos kong sabihin iyon.

" anong plano sa birthday mo?"-pagbasag ko sa katahimikan.

"ha?malayo pa naman ah."-baling nya saken.

" one week nalang gaga."-sambit ko na ipinakita pa sa kanya ang date sa screen ng phone ko.

"gusto ko mag beach e,ewan ko kila mom and dad."-nagkibit balikat pa sya matapos sabihin iyon.

" ay parang want ko yan HAHAHAHAHAHAHAHAHA,sama ko ah."-tugon ko.

"malamang,maiiwan ba naman kita?e tuwing birthday ko nga nandon ka palagi,nakakasawa na nga yang mukha mo HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang biro nya.

"grabe,ikaw nga tuwing birthday ko panay kwintas na may design na moon yung regalo mo,sa sobrang dame ko ng ganon pwede nako magtayo ng shop HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawa ring tugon ko.

" magrereklamo kapa,ikaw naman ang may sabeng gusto mo yon."-sambit nya.

"sino sino kasama sa birthday mo?"-interesadong tanong ko,nagbabaka sakali na kasama si kier sa imbitado.

" baket?sasama ko si kier wag ka magalala."-sambit nya.

"grabe,kaya mahal na mahal kita e HAHAHAHAHAHAHAHAHA."-tumatawang tugon ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA fokfok."-tumatawang sambit nya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napagdesisyonan na naming umuwi dahil padilim na rin naman.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumaretso na agad ako sa kwarto.Gaya ng nakasanayan ko,wala nanaman si mom at dad pagkauwi ko.

Bumaba ako para kumuha ng pagkain.Pagakyat ko sa kwarto ay dumaretso  ako sa terrace at don muna tumambay,iniintay ang paglubog ng araw.

Umupo ako sa upuan at itinaas ang paa ko.Nagsimula akong kumain at tsaka tumingin sa kalangitan.

Flashback

(" hala,baket mo tinapunan ng juice yung damit ko?ang dirty ko na tuloy."-sambit ng batang kaharap ko,paiyak na.

"hindi ko naman sinasadya ah,paharang harang ka kasi sa daan ko,ayan tuloy natapunan ka."-mataray kong tugon na tila sya pa ang sinisisi ko sa kasalanang ako naman talaga ang may mali.

" susumbong kita kay mommy."-tugon nya.

"edi magsumbong ka,gusto mo samahan pa kita."-sumiring pa ko matapos kong sabihin iyon.)

end of flashback

Napangiti ako ng maalala ang unang pagkikita namin ni siera.Lagi kaming magkaaway nung bata kami pero naging magkaibigan rin naman ng kalaunan.May pagkakataon pa ngang muntik kaming magsabunutan,sobrang taray ko kasi dati parang timang.

" maam,yung mommy at daddy nyo po nagaaway sa baba."-sambit ni yaya darlin matapos kumatok ng ilang beses.

"po?bababa na po ako."-dali dali akong tumayo matapos kong sumagot.

Patakbo akong lumabas ng kwarto at tsaka bumaba sa hagdan.

Nasa hagdanan palang ako ay rinig na rinig ko na ang sigawan nilang dalawa.

" Hindi ka na nahiya,ilang beses mona tong ginagawa ah!"-sambit ni mommy.

"Hindi ko nga sinasadya!"-sagot naman ni daddy.

Napailing ako sa sinabi nyang iyon,hindi naniniwala.

" Anong hindi sinasadya?ilang beses mong ginawa tapos lahat yon hindi mo sinasadya?wag mo kong gawing tanga ariell!"-sigaw ni mommy,hindi ko man nakikita ay alam kong nanggigilid na ang luha nya.

"e ikaw kasi palagi nalang trabaho yung iniintindi mo!"-pasigaw na tugon ni dad.

" ah at ako pa yung sinisisi mo?baket sa dinami dami ng babae ayon pa ha?sige baket!?"-pasigaw ring tugon ni mommy sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------








until our next eclipse,my moonWhere stories live. Discover now