Chapter 18

24 2 0
                                    

Chapter 18

"Yesica my love!Bakit nandito ka?miss mo na ba ako?"Napangiwi ako sa sinabi.

"Yang mukha mo Michael hanggang ngayon napaka kapal."naiiritang sabi ko.

Tumawa sya at inalalayan akong pumasok sa loob ng studio nila.Kakauwi ko lang at naisipan kong pumunta sa studio nila dahil nabalitaan kong naghahanap sila ng bagong Vocalist.Kilalang banda sila Michael dahil lagi silang imbitado sa mga mahahalagang event para kumanta.

At nabalitaan kong nagasawa na yung vocalist nila kaya naghahanap sila.Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta dito para irecommend si Cy dahil alam kong kaya nya kulang lang sya ng tiwala sa sarili nya.

Close kami ni Michael dahil magkapitbahay kami dati nung mga bata kami parang kuya kona rin sya.Isa rin ako sa mga taong nakakaalam kung pano sya nakapunta sa kinaroroonan nya ngayon.Malakas ang loob nya at malaki ang tiwala nya sa sarili nya kaya hindi na ako nagulat na nakasama sya sa isang sikat na  banda.Sya ang guitarist ng grupo nila.

"Naghahanap daw kayo ng bagong vocalist?"Tanong ko pagkaupo ko.Ngumiti saakin ang mga kabanda nya tipid na ngiti lang ang ginanti ko.

Nakasalampak sila sa lapag at kanya kanyang ginagawa siguro tapos na ang practice nila.

"Yup!Bakit magaaudition ka?Wag kang magalala tatanggapin ka namin agad!"Kumindat pa sya pagtapos sabihin yun kaga umirap ako.

"Wag mokong pinagloloko Michael baka ihampas ko sayo yung gitara mo!"mataray na sabi tumawa ang mga kabanda nya habang napakamot naman sya sa batok nya.

"Maganda naman ang boses mo ah?Ikaw nga ang kasama kong kumanta dati!"Pagdadahilan nya pinagkrus ko ang binti ko

Trip nya kasi akong istorbohin dati para may kasama sya  dahil hindi pabor ang papa nya sa pagbabanda nya.

"Kapag sumama ako sa grupo nyo baka mawala ka sa pwesto mo."nakangising sabi ko tumawa naman sya pagtapos ginulo ang buhok ko na hobby nyang gawin kapag natutuwa sya.

"Wala ka paring pinagbago!Napakamataray pero napakatamlay ng mga mata."napawi ang ngiti ko at umiwas ng tingin binalik ko ang mataray na mukha ko bago binalik ang tingin sakanya.

"May irerecommend ako."sabi ko tumaas ang isang kilay nya."Sino?Boyfriend mo?"tanong nya

Bored ko syang tinignan."Dami mong tanong!Para kang bakla."reklamo ko nanlake ang mata nya.

"Halikan kaya kita dyan!"Banta nya pero tumawa lang ako."Wag na doon ka nalang humalik kay beka sa kabilang kanto.150 daw ibabayad sayo."biro ko mas natawa ako nang makita kung pano sya kilabutan.

Nilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang record ng kanta ni Cy."Pakinggan mo yung boses nya."Sabi ko at inabot sakanya yung cellphone ko.

"Mukhang importante sya sayo ah,"sabi nya nagkibit balikat lang ako.

Seryoso sya habang nakikinig lumapit narin ang mga kabanda nya at nakinig.Hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang ngumiti sila.

Tumango tango si Michael pagtapos iabot saakin pabalik yung cellphone ko."Kamusta?"nakangiting tanong ko.

"Ok na.."nawala ang ngiti ko at napalitan ng matalim tingin tumawa naman agad sya at tinaas ang dalawa nyang kamay.

"Ano ba toh?Pilitan?"biro nya napasimangot naman ako tumawa ulit sya lalo akong nainis.

"Sayang saya ka noh?Tanggalin ko lahat ng ngipin mo tignan natin kung makangiti kapa."banta ko agad namang tinikom ang bibig nya pero nandun parin ang pilyong ngiti nya.

Miserable Feelings Of YesicaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora