chapter 50

24 3 0
                                    

Chapter 50

"Pinapapunta tayo ni mama sa clinic ni kuya."napatingin ako kay Daimi.Busy sya habang nakatingin sa cellphone nya.

Nilunok ko ang nginunguya ko bago nagsalita."Bakit daw?"tanong ko.

Binaba nya ang cellphone nya bago umupo sa harapan ko."I dunno,Baka gusto ka lang makita.Simula nung malaman nyang buhay ka lagi ka nyang hinahanap."sabi nya napangiti ako.

Namiss ko talaga si tita.Kahit hindi nya ako kadugo tinuring nya parin akong tunay na anak.

"Kabahan kana baka itakwil kana ng nanay mo tapos ako gawing kapalit!"biro ko tumawa naman habang nakatingin sa pagkain nya.

Nawala ang ngiti ko matiim syang tinignan.Kahit papaano nakikita kona ang ngiti nya pero hindi parin sya tuluyang bumabalik sa dati.Wala na yung inosenteng sya at yung slow na sya.Marami rin syang naranasan dahilan para magbago sya kita ko naman kung paano sya sumaya ng bumalik ako pero alam kong kulang parin sya.

Gaya ko nakita ko na ulit sila at muling nakasama pero pakiramdam ko may kulang parin.Parang hindi parin ako buo kaya tuwing ngumingiti ako bigla  nalang akong mapapatanong kung dapat ba talaga akong ngumiti.

May karapatan ba akong maging masaya?Pumikit ako at inis na tinigil ang iniisip ko.

Matagal mo nang tinigil ang ganyang pagiisip Yesica,Wag ka nang magumpisa ulit.

"Nagkita naba kayo?"tanong ko napatingin sya saakin nakakunot ang noo nya."Sino?"tanong nya.

Napabuntong hininga ako."Si Jeskel ang tinutukoy ko Daimi,Nagkita na ba ulit kayo after nung nangyare nung college?"tanong ko hindi sya sumagot bumagsak ang tingin nya sa plato nya.

"Y-yup...Ahm nung nagapply akong company nurse sa company nila..."nagaalangang sabi nya.

Tumaas ang kilay ko."Natanggap ka?"tanong ko sumulyap sya saakin bago dahan dahang tumango.Lihim akong napangiti.

"So?Aware ka na sya ang boss mo?"tanong ko muli syang tumango."Bakit ka pumayag?Mahal mo siguro!"pangaasar ko sakanya mas lalo akong natawa ng makita ko ang pamumula ng pisngi nya.

"Nah!!"

"Si Daimi!marupok!~Si Daimi! marupok!~Pok!Pok!Pok!"malakas na kanta ko pagtapos ay natawa dahil bigla syang tumayo at iniwan ako.

"Doon kana nga kay Cy!"sigaw nya kaya nawala ang ngiti ko.Bigla akong nawala sa mood dahil naalala ko ang malanding Cy na yun!

Pagtapos kong kumain niligpit kona ang pinagkainan namin.Nakiusap saakin si Daimi na magsleep over dito sa bahay nya pumayag naman agad ako dahil day off ka rin naman ngayon.

Paglabas ko ng kusina naabutan ko si Daimi sa terrace nya habang nakatulala.Umupo ako sa tabi nya at sumandal sa balikat nya.

"Diba nagkikita parin kayo ni Cy?"tanong ko naramdam ko ang pagtango nya.

"May...may girlfriend na ba sya?"tanong ko hindi ako nagangat ng tingin dahil alam kong tumingin sya saakin.

"Why?Nagkita na ba kayo or nagkausap?"tanong nya umayos ako ng pagkakaupo bago tumango.

"Yup!Pero nakita kong may nagtext sakanya na Honey ang name."nakanguso sabi ko pero nang marealise ko ang itsura ko bumalik ako sa pagiging seryoso.

Narinig ko ang pagtawa ni Daimi kaya tumingin ako sakanya.Nakatitig sya saakin gaya ng lagi nyang ginagawa ang tumitig.

"Ilang years din bago ka nakaramdam ng selos,Isa yan sa pangarap ni Cy."nakangiting sabi nya inirapan ko sya.

Kaya ba ganun nalang ang ngiti nya bago ko sya iwan sa loob ng conference room?Pagkabanggit ko ng pangalan ni Honey bigla nalang nawala ang galit sa mga mata nya.

Ako pa niloko nya sayang saya lang naman syang marinig ang pangalan nung babaeng yun!

"Nakasalubong ko sya nung nagapply ako sa company nila J-jeskel...May kasama syang babae."lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil doon.

"But don't worry,Alam kong ikaw lang ang mahal ni Cy."

--------
PAGADATING namin sa clinic ni Dave nandun din sila Tita at tito may dala silang pagkain dahil gusto daw nilang icelebrate ang pagbabalik ko.

Walang mapaglagyan ang saya ko dahil may pacake pa sila para daw sa mga taon na wala akong kasamang nagcecelebrate ng birthday ko.

Sinara nila ang clinic para lang dito.Nagsalo salo kami sa isang malaking lamesa na para bang isang buong pamilya.

"Dapat matagal mo na kasing ginawa yun!"inis na sabi ni Dave ng ikwento namin ang nangyare kahapon sa apartment ni Daimi.

"Hindi ko nga alam kung bakit ubod ng bait itong anak nyo,Pati ahas pinatira!"inis na sabi ko tumawa naman si Tita.

"Buti nalang talaga bumalik kana at may manenermon na sa anak ko!"sabi ni tita.

"Hindi na po kailangan tita,Grabe improvement nya!Marunong nang magtaray!"sabi ko tumawa naman sila.

"Kung hindi dahil kay Yesica baka hindi ko nagawa yun mama!Grabe sinipa pa nya si Mateo!"kwento ni Daimi

"Dapat talaga matagal ko nang sinuntok yun eh!"sabat ni Dave."Aysus   baka hindi mo rin magawa,Magkapatid kayo ni Daimi sure ako mas maguguilty kapa!"pangaasar ko sakanya.

"Sabagay mabait ako."sabi nya."Sa mga baliw!"dugtong ko.

"Kaya pala mabait ako sayo!"ganti nya dahilan para magtawanan sila Tita.

"Grabe ka!Dati crush na crush moko tapos ngayon inaapi mo nalang ako!"nagiinarteng sabi ko tumawa naman sya at ginulo ang buhok ko.

Pagtapos namin kumain hindi parin tapos ang kwentuhan namin.Umuwi na sila tita dahil manonood pa daw sya ng teleseryeng inaabangan nya.

Busy ako habang binabasa ang bawat quote sa pader ng clinic ni Dave.Lahat yun about sa depression,Anxiety or kahit anong mga about sa mga problema.May mga picture din ng nga taong parang nababaliw or masyadong problemado o kaya naman ay ang pagpunta sa psychiatrist ay hindi proket baliw ka kung hindi ay may pinagdadaanan ka lang.

"Naghahanap ako ng bagong ididikit dyan,Pwede ba kitang picturan tapos idikit dyan?"biglang sabi ni Dave pagtapos ay umakbay saakin.

"Anong klaseng picture?"tanong ko."Yung para kang nababaliw,Ganun!"sabi nya siniko ko sya sa tyan.

"Gago kaba!?Ah?ako baliw?Iuntog kaya kita!"inis na sabi ko

Tumawa sya."Sge na kasi!"pamimilit nya.

"Papayag ako pero ikaw ung iuuntog ko sa pader."sabi ko

"Bakit may pauntog?"tanong nya

"Bakit ba ganun ako mabaliw eh!"sabi ko tumawa sya at ginulo ang buhok ko.

"Yesica."natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun.

Sabay kaming tumingin ni Dave  sa likod at doon ko nakita si Cy.Seryoso syang nakatingin saamin ang mata nya ay may bahid ng selos at galit.

"C-cy..Bakit ka nandito?"tanong ko sumulyap sya kay Dave bago naglakad palapot saakin.Inalis nya ang kamay ni Dave sa balikat ko pagtapos ay umakbay saakin.

"Susunduin ko lang ang girlfriend ko."sabi nya at walang sereseremonyang hinila ako palabas ng clinic.Nakita ko sa labas si Daimi na may kausap sa cellphone nagthumbs up lang sya saakin.

Hinawakan nya ang ulo ko at pinapasok sa kotse nya pagtapos ay umikot sya para makasakay.

"Ano bang trip mo!"Inis na sabi ko humarap sya saakin masyado syang mabilis kaya hindi agad ako nakalayo ng idikit nya anglabi sa labi ko.

Lumayo sya sakin."Sinusundo ang Girlfriend ko."simpleng sabi nya bago pinaandar ang kotse.

Miserable Feelings Of YesicaWhere stories live. Discover now