chapter 40

21 3 0
                                    

Chapter 40

Bawat araw na tumatagal mas lalong sumasakit,Araw araw tuwing pumupunta ako sa bahay nila para akong sinasampal ng realidad na..

Wala na sya..

Na hindi kona makikita pa kailan man ang ngiti nya,Na hindi kona maririnig pa ang maliit nyang boses,Na kailan man hindi kona sya muling makakasama at mayayakap.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil sa pagkawala nya.Galit ako kay mama pero mas galit ako sa sarili ko kasi umasa nanaman ako at nauwi lang iyon sa wala lahat.

Sabi nila kailangan ko daw lumaban pero hindi ko kayang gawin yun.Hindi na ako pumapasok lagi lang akong nasa bahay nila Niks para bantayan sya.Ang pagkain ko ay wala na sa oras dahil wala akong ganang kumain.Kapag nasa tabi ako ni Niks wala akong ibang ginagawa kung hindi ang umiyak.Kapag uwi ko wala rin akong ibang ginagawa kung hindi ang umiyak.

Gusto akong kausapin nila Daimi at Cy pero ni isa  sakanila wala akong kinakausap dahil ayaw kong makita nila akong ganto.Ayaw ko ng makakausap dahil natatakot ako na baka kung sino pa yung taong iniingatan ko sya pa ang mawala.

Baka mawala din sila.

Si Buddy sya lang ang gabi gabi kasama at pinagsasabihan ko hindi kami nagkakaintindihan pero tuwing tumatahol sya parang kiconomfort na rin nya ako.

At ang araw na pinakaayaw kong dumating ay dumating na.Hindi pa man naguumpisa ang libing pero hindi na ako matigil sa pagiyak.Simula sa bahay nila hanggang sa makarating kami sementeryo.

Nagwawala ang mama nya at halos hindi na nya binatawan ang kabaong ni Niks.Hanggang sa magmisa hindi tumitigil ang luha ko nasa isang gilid lang ako habang nakatingin sakanila.

Ayaw kong makisama sakanila dahil mas may karapatan sila kay Niks.Kasama ko si Cy ngayon hindi ko sinabi sakanila na ngayon ang libing pero nalaman nya.

Hawak hawak nya ang kamay ko.Pinipisil nya iyon tuwing lumalakas ang iyak ko.Sa simpleng gesture nyang yun nararamdaman kong may kasama ako.

Dumating na ang oras ng paghulog ng bulaklak.Naglakad kami palapit doon kagat kagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagnginginig nun..

Good bye baby please be happy..

Yumakap ako ka Cy nang magumpisa sila sa pagtabon ng lupa.Pakiramdam ko pati ako nililibing din.Kung pwede lang sasama na rin ako kay Niks.

Nanghihina ang tuhod ko kung hindi lang hawak ni Cy ang bewang ko baka natumba na ako dito.

"Cy si Niks.."

"Si baby Niks ko----Iiwan na nya ako Cy!"Hinigpitan nya ang pagkakayakap saakin dahil sa paglakas ng iyak ko.

Nanatili kami doon hanggang sa magsilaalisan na ang mga tao.Kasama pa namin ang magulang ni Niks.Hinayaan namin silang manatili hanggang sa tumayo na sila at tumayo sa harap namin.

"Hija pwede ka bang pumunta sa bahay?May ipapakita lang ako sayo."sabi ng mama ni Niks mugto ang mga mata nya kagaya ng asawa nya na nakaakbay sakanya.

Tumango ako."Susunod po ako."sabi ko tipid silang ngumiti bago naglakad paalis.Humarap ako sa lupa kung nasaan si Niks.

Sumalampak ako sa lupa habang nakatulala lang doon.Naubusan na ata ako ng tubig sa katawan dahil wala nang tumutulong luha sa mata ko.

Sorry baby,Alam kong sawa kana kakasorry ko pero sorry padin.Binigo ka ni ate.

Baby..masarap ba sa pakiramdam humiga dyan?Wala ka bang sakit na nararamdaman?Don't worry susunod si ate hindi man ngayon pero malapit na.Babawi si ate sayo sa kabilang buhay yayakapin kita ng mahigpit.

Miserable Feelings Of YesicaWhere stories live. Discover now