chaptet 48

24 3 0
                                    

CHAPTER 48

NAGISING ako kinabukasan na may mabigat na nakapatong sa katawan ko.

Imbis na makaramdam ng galit napangiti pa ako ng masilayan ko ang ang gwapong mukha ni Cy pagmulat ko.

Mahimbing syang natutulog at bahagya pang nakabukas ang bibig nya.Sinuklay ko ang buhok nya habang nakatitig sakanya.

Ngayon mas nakikita ko kung gaano naging matured ang itsura nya kaysa sa last na kita ko sakanya.Mas tumangkad at lumaki rin ang katawan nya.

Hindi na sya isang boy isa na syang man..

Masaya ako kasi ngayon na nagising akong nasa tabi ko sya parang isang patunay na rin yun na totoo ang lahat ng  nangyare kahapon.

Ito na ata ang kauna unahang paggising ko na napakagaan ng pakiramdam ko.Napakiramdam ko kompleto na ulit ako.

Napatingin ako sa side table ko ng may tumunog doon.Hindi ko alam kung akin ba o kay Cy cellphone yun.

Sinubukan kong alisin ang braso nya sa bewang ko pero mas humigpit pa yun.

"Hanggang pagtulog mahal mo parin ako!"natatawang sabi ko

Hindi ko alam kung gaano katagal basta ang alam ko hinihingal na ako pagkatapos kong makawala sa pagkakayakap nya saakin.

Aware ako na lumaki ang katawan nya pero hindi ako ganun kaaware na ganun pala sya kabigat.

Nilagyan ko ng unan sa gilid nya at doon dinantay ang braso nya.Nagunat unat at humikab.

Today is a very perfect day!

Walang problema at sana maging masaya na simula ngayon ang buhay ko.

Napatingin ako sa side table ng makitang umilaw ang cellphone ko.Agad kong kinuha yun napairap ako ng mabasa ang pangalang ng boss ko.

From;boss utos,

Hey my beautiful secretary!May meeting ba ako ngayon?May date ako so,You already know what i mean.

6;33 am

Napangiwi ako dahil alam ko na ang tinutukoy nya ay.'Busy sya mamaya at bawal ng istorbo'Dahil ang date ay iba ang ibigsabihin sa boss ko.

To;boss utos,

Ang aga aga panira ng araw talaga ang kalandian mo boss!Btw yes,May meeting ka mamayang 10 am kasama ang ibang stock holders.

6;34 am

Binalik ko sa side table ang cellphone ko.Aalis na sana ako ng mapatingin ako sa cellphone ni Cy dahil umilaw yun.

Hindi kona sana pakikielaman yun kaso nacurious ako kaya sinilip ko yun na agad kong pinagsisihan.

From;Elizabeth

Hey honey!Where are you?I'm here outside ng door mo,Hindi ko nasabi dito na ako nakatira sa tabi ng condo!

6;34 am

Hindi ko alam pero pagtapos kong basahin ang text nung Elizabeth na yun.Nawala lahat ng saya sa buong katawan ko at napalitan ng irita at sakit.

Parang may kumirot sa puso ko dahil sa nabasa ko.Para lang akong sinampal ng katutuhanan na hindi na dapat akong bumalik pa at ipagpilitan ang sarili ko sakanila.

Ilang taon na ang lumipas at ang mga bagay na naiwan ko at nagbago na...

Bakit ba ako umasa na may babalikan pa ako?

Miserable Feelings Of YesicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon