chapter 47

25 3 0
                                    

Chapter 47

"Yesica.."hindi ko alam kung bakit pero nangilid ang luha ko dahil sa pagbanggit nya ng pangalan ko.

Para yung pagbanggit nya lang nung pangalan ko dati na puno ng pagmamahal at lambing.

Hindi matanggal ang tingin ko sakanya,Ganun din sya saakin kapwa walang umimik saamin.

"C-cy.."kita ko ang paglambot ng mga tingin nya ng banggitin ko ang pangalan nya.

Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Mas naging gwapo ang Cy na nasa harap ko ngayon.Halata sakanya ang pagiging succesful nya.

"Mga apo magkakilala kayong dalawa?"napakurap kurap ako at napatingin kay Lola.

Bumilis ang tibok puso ko,Bigla akong nataranta kaya bigla akong umatras at tumakbo paakyat sa hagdan.

"YESICA!"rinig kong sigaw ni Cy pero patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa apartment ko.

Huli na ng marealise ko ang ginawa ko.Sumandal ako sa pinto at binatukan ang ulo ko.

"Ang bobo mo!Bakit tumakbo ka?May kasalanan kaba?Gaga ka bwesit!"inis na sabi ko.

Bakit ako tumakbo?Hindi ko alam!!!

Basta bigla akong nataranta at wala akong naisip na ibang solusyon kung hindi ang tumakbo para makaiwas?

Pero sinong iiwasan ko?Si Cy?Pero bakit?

Inis akong napakamot sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo.Napakatagal kong nagisip ng gagawin kapag nakita sya tapos ganto lang kakalabasan?

"YESICA!OPEN THE DOOR!"napatalon ako sa gulat dahil sigaw ni Cy.

Sunod sunod ang naging pagkatok nya kasabay ng paulit ulit nyang pagtawag sa pangalan ko.

Huminga ako ng malalim bago muling naglakad papunta sa pinto.

"Yesica!"

"ANO!Ay saglit lang kasi!"natatarantang sabi ko.

Tumahimik na sa labas kaya umayos ako ng pagkakatayo at naglakad papunta sa pinto.Ilang beses akong lumunok bago binuksan ng konti ang pinto.

Sumilip ako doon."Bakit po?"tanong ko hindi sya sumagot pero bigla nyang tinulak ang pinto dahilan para mapaatras ako.

Agad nyang hinawakan ang braso ko para mapahinto ako sa pagatras.

Napapikit ako ng muli kong maramdaman ang kuryente yun ng hawakan nya ako.

Dahan dahan akong tumingin sakanya.Nagtama ang mga mata naming dalawa kita ko ang luha sa mga mata nya dahilan para manlake ang nga mata ko.

"B-bakit ka..umiiyak?Galit kaba?"dahan dahang tanong ko sunod sunod syang umiling bago pinunasan ang luha nya.

Humakbang ako paatras pero agad nya akong hinila kaya muli akong napalapit sakanya.

"B-buhay ka.."mahinang sabi nya

"Siguro nga..Humihinga pa naman ako."wala sa sariling sabi ko

Hindi sya umimik nakatitig lang sya saakin.Napapikit ako ng hawak nya ang pisngi ko.

"Bakit ka tumakbo?Iiwan mo ba ulit ako?Iniwan mo na nga ako ng ilang taon...tapos.."tanong nya ngumuso ako

"Hindi ko naman ginusto,Ikaw kaya magising tapos nasa manila-"

Nahinto ako sa pagtataray ng bigla nya akong hilain at yakapin ng mahigpit..

Sobrang higpit na para bang mawawala nalang ako bigla..

Miserable Feelings Of YesicaWhere stories live. Discover now