CHAPTER 11

4 0 0
                                    

CHAPTER ELEVEN:
AGAINST ALL ODDS

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad sa hallway ng school. It is almost 5 o'clock kaya hindi na ganoon kainit at unti-unti na rin lumalamig ang simoy ng hangin. Napahalukipkip na lang ako dahil sa lamig.

Medyo awkward pa rin ang atmosphere sa pagitan namin at wala ni isa sa amin ang may gustong magsimula magsalita. Diretso lang siyang naglalakad at wala kahit anong emosyon sa mukha niya.

Wait! Bakit ko ba siya pinagmamasdan? Hays.

"So, saan tayo gagawa ng mga requirements ko?" wala sa sarili kong tanong sa kanya. Nagsimula na ako ng topic dahil alam kong hindi siya mag-a-aksaya ng panahon para mag-usap kami kaya ako na.

"Ikaw bahala. Siguro sa park na lang o kahit saan. Wala na kasi akong alam kung saan pa pwede ng ganitong oras." walang gana nitong sagot sa akin. Napaisip na rin ako kung saan. Sandali akong natigilan ng maisip ko kung saan kami pwedeng gumawa ng mga paper works ko.

"Sakay ka na sa kotse ko para mas madali tayong makapunta sa lugar kung saan mo ako pwede turuan." Masigla ko namang wika sa kanya pero hindi ito nagsasalita. Malapit na kami sa parking lot pero bigla siyang tumigil.

"Saan tayo pupunta? Kailangan kong umuwi ng 8:00 PM." tanong nito sa akin. Nanatili lang itong nakatayo at ako naman ay binuksan na ang sasakyan.

"Basta. I got you. Sakay na." Paniniguro ko dito. Noong una ay sadyang ayaw niya at maglalakad na lang raw siya o ibigay kung saan dahil alam naman daw niya ang pasikot-sikot ng lugar dito pero naging mapilit ako kaya wala na siyang nagawa. Alam kong nahihiya siya na sumakay sa mortal niyang kaaway dahil baka magkaroon siya ng utang na loob sa akin pero sa isip ko lang yun.

Wala naman itong nagawa kundi ang sumakay at tahimik na umupo. Alam kong medyo nagulat siya sa mga kalat sa loob ng sasakyan ko pero di na ito nag abala pang magtanong. Hindi ko muna pinaandar ang sasakyan bagkus tinitigan ko muna siya dahil hindi pa niya ikinakabit ang seatbelt.

"W-what?" Nagtataka nitong tanong sa akin. Di na ako nag aksaya pang sagutin iyon kaya kinuha ko mula sa likuran niya ang seatbelt dahilan iyon para magkalapit ang aming mga mukha.

Medyo inilayo niya ang kanyang mukha dahil hindi siya komportable sa inasal ko. Kahit ako rin ay nagulat sa ginawa ko pero parehas naman kaming lalaki kaso naging awkward iyon ng mag-iwas siya ng kanyang mukha at walang emosyong tumingin sa labas. Hinayaan lamang niya akong gawin ang dapat kong gawin.

Habang nasa ganoong ayos kami ay hindi ko mapigilan na maisip kung ganoon ang naging reaksyon niya. Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sa akin dahil may galit siya o dahil hindi niya mapigilan na pagtitig sa gwapo kong mukha. Alam ko naman gwapo ako kaya di niya nakayanan iyon. Napapangiti lang ako sa aking mga naiisip.

Hindi ko na rin namalayan na nasa favorite location ko na kami.

I

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon