CHAPTER 8: Begin Again

13 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT:
AGAINST ALL ODDS

"Ayaw mo ba talagang pumunta sa clinic?" pangungulit ko dito habang naglalakad kami sa Hallway ng school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayaw mo ba talagang pumunta sa clinic?" pangungulit ko dito habang naglalakad kami sa Hallway ng school. Para akong asong habol ng habol sa amo sa ginagawa ko. Kinakalabit ko ang kaniyang balikat pero hindi siya umiimik.

Nakapagtataka lang kasi kanina nakangiti pa siya sakin pero ngayon nag-iba na naman yata ang ihip ng hangin at bigla na siyang bumalik sa dati.

Baliw na ata ang isang 'to, eh.

Palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari kanina. Una, ang bigla niyang pagiging masiyahin at pagkawala sa sarili tapos ang pagdurugo ng ilong niya at ang pagkawala ng malay.

Niyaya ko naman siya na magpa-check sa clinic ng school e, ayaw naman niya at time consuming pa raw kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Lalo lang siyang nagagalit sa akin kapag kinukulit ko siya. Pero ewan ko ba kung bakit ko ba siya kinukulit na akala mo'y close kaming dalawa. Paulit-ulit ko sinasabi sa kanya na pumunta sa clinic pero ayaw naman. Wala lang daw iyon. Baka sa init lang ng panahon.

"Palagi bang dumurugo yung ilong mo?" Muli kong tanong sa kanya na animo'y reporter na kailangang makakuha ng impormasyon sa kanya. Halos magkasabay na lang kami ngayon maglakad.

Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong napairap siya. Mukhang naiirita siya sa akin kaya mas lalo ko pa siyang kulitin. May kakaibang saya kasi sa akin kapag nakikita kong naiinis siya o napipikon. He looks cute kapag ganon yung attitude niya.

"Uy, sagot ka naman dyan. Palagi bang dumudugo yung ilong mo?" Ulit kong tanong sa kanya. Napaatras ako ng bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

Napahinga ito nang malalim. Para bang ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon at makita ang pagmumukha ko. Ewan ko ba pero parang naaasar siya sa pangungulit ko sa kanya marahil ay hindi kami close at kung makaasta ako ay matagal ko na siyang kaibigan.

Ayaw ba niyang pag usapan ang topic na 'yon? Masama bang magtanong? O, siguro dahil sino nga ba naman ako para magkwento siya sa akin? Kung may choice nga lang siguro siya, hindi na niya pipilitin na andito ako sa harap ko ngayon.

Ayaw ba niyang pag usapan ang topic na 'yon? Masama bang magtanong? O, siguro dahil sino nga ba naman ako para magkwento siya sa akin? Kung may choice nga lang siguro siya, hindi na niya pipilitin na andito ako sa harap ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon