CHAPTER 5: Crazier

18 5 21
                                    

CHAPTER FIVE:
AGAINST ALL ODDS

I'm drunk and wasted as fuck.

Hindi ko alam kung nakailang bote ba ako ng beer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung nakailang bote ba ako ng beer. Naiinis kasi akong makipagplastikan sa mga business partners nina mama kanina. Lagi silang ganon. Simula bata pa lang ako sila na yung nasusunod sa lahat ng bagay kaya siguro lumaki akong matigas ang ulo at sa ibang tao ko naiibato lahat ng hinanakit sa mundo.

Fair talaga ang Diyos sa lahat ng kaniyang nilikha. Imagine, napunta nga ako sa isang maayos na pamilya at kailanman hindi ko na kailangan paghirapan pa ang sarili ko sa mga bagay na gustuhin ko dahil nakukuha ko agad pero bakit palaging may kulang?

May kulang sa pagkatao ko na gusto ko mapunan. Marahil tama nga sila dahil hindi kayang bilhin ng pera ang masaya at kompletong pamilya. Nakakanggit lang isipin na yung ibang salat sa pera pero masaya at nagagawa pang tumawa pero bakit ako?

Bakit ako na nasa akin na ang lahat pero di ko mapasaya yung sarili ko. Birthday ko pero parang isang normal na araw lang sa akin. Simula ng ipinanganak ako nasa akin na lahat yata ng kamalasan dahil may magulang akong ginagawa akong robot. Sunud-sunoran sa lahat ng kanilang gusto.

Tuta nila ako sa tahanan at ramdam kong habambuhay na yata akong nakatali sa kanila. Gusto ko maranasan ang maging malaya at makabuo ng desisyon na para sa akin lang.

Yung course ko ngayon sa college? Ipinilit lang nila iyon. Pinapili nila ako kung ipapakasal sa anak ng business partners nila sa Russia o mag-law? Wala akong choice kung hindi kunin ang kursong gusto nila pero hindi ko gusto kaya pinababayaan ko na lang.

Nasa UST ako dati pero pinalipat nila ako dito sa university kung saan mas maiipasa raw ako dahil ilang subjects na ang ibinagsak ko sa dati kong school kaya napilitan sila dito ako ilipat at dito ko na rin sinimulan ang paninira ng buhay ng iba. Bring it on!

Pero bago pa lang ako sa probinsya namin, na-involved naman ako agad sa isang aksidente. I got hospitalized and luckily survived being in coma for almost a year. Ngayon pa lang nakakabawi-bawi ang katawan ko pero ngayon parang wala lang nangyari sa akin dahil balik ako sa dati kong gawi. Naririyan naman ang pamilya ko palagi para saluhin ako sa problema.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon