CHAPTER TWO:
AGAINST ALL ODDSTulala pa rin kaming tatlo sa loob ng classroom. Wala na isa sa amin ang gustong magsalita dahil sa labis na pagkagulat. Nagulat kami ng biglang bumulalas si Harry. Siya naman talaga pinakamaingay sa aming tatlo.
"Hey, hindi ko pa rin makalimutan yung fearless guy na 'yon. Ramdam ninyo pa rin ba yung presence nya?" amazed na amazed na wika nito. "Ang tapang nun, ha."
"Mukhang natagpuan na nitong si John ang kanyang katapat. First time na magugulo ang buhay ng hari ng Don Felipe Solomon State University na si John Craig Solomon." tugon naman ni James habang pangisi-ngisi sa isang tabi.
"I can't wait to see na magkaharap muli sila." Komento naman ni Harry sabay apir ng dalawa. Inismidan ko na lang sila saka tumayo sa aking upuan.
"Matitikman niya ang galit ko. Kung sa inaakala niyang nanalo siya kanina? Pwes, nagkakamali siya dahil nagkamali siya ng pader na binabangga. Matigas 'to sa inaakala niya" galit kong wika at naglakad na palabas ng classroom.
Wala pa kasi hanggang ngayon si tanda. Ang first subject namin. Nawalan na ako ng gana kahit araw araw naman akong tinatamad. Gusto ko siyang bawian. Hahanapin ko siya. Malilintikan kupal na iyon sa akin!
Gusto kong maranasan niya kung paano ako magalit at gumanti. Mararamdaman niya ang galit ng sinasabi niyang asshole.
Maghanda ka na kung sino ka man. Hindi ako titigil hanggang hindi ka umaalis sa paaralang pinaghaharian ko. Asshole, ah. Ipapakita ko kung sino ang asshole sa ating dalawa.
*****
Lumabas ako ng campus para magpalamig sa isang coffee shop. Hindi na kami pumasok dahil sa sobrang badtrip ko sa dalawang dukha na sumira ng araw ko.
Kahit hindi naman kami pumasok tatlo since pumapasa naman kami. Besides, kahit naman pumasok ako, wala rin lang naman akong gagawin kung hindi ang matulog at manira ng araw ng mga kaklase ko habang abala sa klase. Wala rin naman ako naiintindihan.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
General FictionMy mind knows you are in better place, where there is no pain. You are at peace. I understand that, I just wish I could explain that to my heart.