"Bes ang sarap nung carbonara grabe."
Julie cleared her throat as Maqui started eating beside her.
Nakabalik na sila ni Elmo sa lamesa matapos nang nangyari. Pero hindi pa sila naguusap.
At sa totoo lang ayaw malaman ni Julie kung ano ba talaga ang nangyari. Basta ang alam niya ay naenjoy niya ng sobra sobra ang halik na iyon.
"Pecs, kuha din ako?" Elmo asked.
Napaigik si Julie.
Hinawakan ba naman hita niya sa ilalim ng lamesa at pinisil pa!
She cleared her throat and nodded her head at him. "Uhm sure sure."
"Okay be right back."
Nang makaalis na ang lalaki ay humarap si Julie kay Maqui.
At ayon na nga at nakita niya na nakataas ang kilay ng babae sa kanya.
"What was that?"
"What was what?" Julie asked with an innocent look on her face. Kunwari ay uminom siya ng punch na nandoon sa baso niya.
"E kasi..." Simula ni Maqui. "Ang pinaguusapan kanina carbonara pero parang ikaw yung gusto kainin ni Elmo?"
"Maq!" Naeeskandalo na sabi ni Julie.
Napatingin siya sa paligid.
Ang iba kasi ay wala naman sa lamesa. Most of the students were still dancing it out in the middle of the dance floor.
So sa lamesa nila ay wala naman na malapit na makakarinig sa usapan nila.
When she was sure that no one was looking, Julie turned back to Maqui. "You're seeing things."
"O talaga? E bakit tanggal na lipstick mo?"
Oh shit.
Hala halata ba talaga?
She cleared her throat once again. "Wala lang yan ano ka ba kasi umiinom ako ng tubig ikaw talaga."
Halatang hindi pa din kumbinsido si Maqui. Pero wala naman na nagawa pa ito nang bumalik sa lamesa si Elmo at may dalang plato ng pagkain para kay Julie Anne.
"Pecs ito o, meron din ilang cordon bleu." Sabi pa ni Elmo.
Pinapanuod lang silang dalawa ni Maqui kaya naman pasimpleng galaw lang din ang ginagawa ni Julie. Hirap na baka may mapansin ito.
"Hey bro!"
Napatingin sila sa nagsalita at nakita na papalapit pala ang buong basketball team sa lamesa nila.
"Hi Maq, Julie." Bati ni Sam na siya ngang team captain. "Pahiram muna kay Elmo saglit ah? Magpicture lang kami na team doon sa may garden."
"Ay wag kayo sa akin magpaalam. Dito kayo kay Julie."
Pinanlakihan ng mata ni Julie ang kaibigan. "Hoy why me?"
"Hindi naman ata pagmamayari ni Julie si Elmo?" Ani Ron habang nakasimangot.
Napataas ang kilay ni Julie sa sinabi ng lalaki. Oh yeah, that scene with her and Sophia.
Palibhasa kapatid nito patay na patay kay Elmo? Alam naman na ng buong eskwelahan ang nangyari sa canteen nung isang araw. Funny enough mas naawa sila kay Julie dahil ito ang physically na nasaktan.
She wasn't proud of it so she didn't really say anything about it anymore.
"Yeah, I don't own him." Julie chuckled. But she did own his lips just a little while ago. She started eating the carbonara. Sarap. "Mmm..."
BINABASA MO ANG
The Heart In Me
FanfictionMatagal nang alam ni Julie na mahal niya si Elmo. Or alam nga ba niya? Alam kasi niya sa sarili niya na wala siya puso. Ayun kasi sinasabi ng mga tao sa paligid. Simula bata pa lang siya. Magmula kasi nang mamatay ang mama niya ay tila puro kamaldit...