"Hindi tayo pumunta don sa batis eh no?"
Sabi ni Maqui habang nagdidinner sila.
Nasa isa silang outdoor bar and grill sa loob ng resort.
Madami din tao pero hindi naman nakakasulasok sa dami.
"We still have time and I think we deserve a break." Ani Frank habang nakaakbay kay Maqui.
"Oh please please? Tomorrow?" Ani Kyline.
Tapos ay lumingon pa ito sa kuya niya.
James shrugged with a small smile. "Why not? Na-tape naman na natin ang mga dapat ma-tape. We deserve some recreation."
"Yon! Excited na ako!" Ani pa Jak.
"Sus! Gusto mo lang ipakita abs mo sa amin." Natatawa na sabi ni Klea.
"Gusto mo naman makita?" Pang-aasar pabalik ni Jak.
"Bakit hindi na lang kayong dalawa no?" Ani pa Kyline.
Nagkatinginan si Jak saka si Klea sabay nagtawanan.
"What? Hindi no best friends lang kami." Agad na sabi ni Klea.
"Parang kapatid ko na ito si Klea." Tawa din naman ni Jak. "Hindi naman ata nangyayari yung magbest friend tapos magkakatuluyan."
Sabay sabay silang napatingin kay Julie at Elmo na tahimik lang na magkatabi.
"O? O bakit?" Natatawa na sabi ni Julie Anne.
"Ay? Maang maangan ka dyan?" Tawa pa ni Maqui.
"Ano ba exactly love story ni Ate Julie saka ni Kuya Elmo?" Curious na tanong ni Kyline sa kanila.
"Bakit ito yung topic?" Tila nas-stress na tanong ni Julie Anne.
"Kasi masaya ka asarin." Tawa pa ni Maqui.
Si Frank ang una na nagkwento.
"Nung bata sila nakasunod yan lagi si Julie kay Elmo."
"Ah ate tuta ka pala."
"Salamat kuya ah?" Sabi ni Julie Anne jay Frank na tawang tawa naman.
"It was true." Nakangisi na sabi ni Elmo.
Kinurot naman ni Julie ang hita ng lalaki kaya natawa lang ito.
"Ang cute no bata pa lang pala magkakilala na kayo." Sabi naman ni Jak.
"So tuloy na ba kayo?" Intriga pa ni James na nakangiti sa kanila.
"Basta ako naman yung ninang sa next baby." Ani pa Kyline.
Saka sila lahat nagkatawanan.
"Good evening everyone!"
Napatingin sila sa nagpeperform sa stage. Duo ito na singer and guitarist.
"We're Morning Dew, hope you're enjoying the food and the ambiance!"
Napatingin na silang lahat sa mga ito. Usually naman talaga ang mga nag-g-gig ay maganda talaga ang mga boses.
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soulSabay na nagkatinginan si Julie at si Elmo. Sabay pero dahan dahan lamang.
Nagiwas ng tingin si Julie pero ramdam niya na lumalapat ang kamay ni Elmo sa hita niya.
Hindi pa din siya nakatingin pero linapat din naman niya ang kamay sa ibabaw ng kay Elmo.
BINABASA MO ANG
The Heart In Me
FanfictionMatagal nang alam ni Julie na mahal niya si Elmo. Or alam nga ba niya? Alam kasi niya sa sarili niya na wala siya puso. Ayun kasi sinasabi ng mga tao sa paligid. Simula bata pa lang siya. Magmula kasi nang mamatay ang mama niya ay tila puro kamaldit...