Chapter 68

729 46 2
                                    

It's been a couple of months.

Ganito din magbuntis si Julie kay Jared. Parang nabusog lang siya. Kumbaga hindi gaano kalaki ang kanyang tiyan.

Nakaupo siya sa kanilang lanai dahil weekend at nagpapahinga din siya sa pagtrabaho.

Hectic ang sched niya. Dahil gender reveal tapos baby shower pa. Tapos yung fashion show.

Na organized by Maqui.

Ayaw patalo eh. Wala na din siya nagawa.

Ang mag-ama niya ay nasa basketball court ngayon. Pinag hinay hinay niya si Elmo at prone to injury talaga ang loko.

Kada lumalabas kasi ito ay nag-aalala siya. But she learned to calm herself down.

"Apo." She looked up to see grammy sitting beside her on the ratan sofa.

"Grammy." Nakangiti na sabi ni Julie Anne. Yumakap siya sa kanyang lola na hinalikan din naman ang noo niya.

"Akalain mo magkakaapo na ulit ako." Nakangiti na sabi ni Lola habang yakap yakap siya.

She was still her grandma's baby. Ang laki laki niya pero nakasiksik siya sa pagyakap sa lola niya.

"I'm so happy for you apo. Sabi ko na nga ba kayo ni Elmo magkakatuluyan."

Naiintriga na tiningna ni Julie si lola niya. "Po? How so? We haven't even seen him again since nung nagkita kami sa event na yon."

"Oh I wasn't talking about that iha."

Mas lalong nagtaka si Julie sa kung ano sinasabi ng lola niya.

Lola Lui laughed as she looked at her grand daughter. Saka ito nagkwento.

"Nung bata kayo, lagi ko siya sinasabihan, 'O Elmo, alagaan mo apo ko ah' and he'd answer, "Yes po grammy, when I grow up I'll marry her."

"You're making this up." Tawa pa ni Julie.

"No I'm not." Ani Grammy. Nakangiti pa din ito kay Julie Anne. "Hindi lang din halata pero mahal ka ng batang iyon kahit hindi niya pa alam noon kung ano ang pagmamahal."

Natigil ang usapan nila nang marinig ang mga yabag papunta sa kanila.

Alam kaagad ni Julie na si Jared iyon.

Mabigat talaga yabag ng anak nila.

Kaya nga kapag nagaalone time sila ni Elmo ay alam nila kaagad kapag palapit na ang anak.

"Mommy!" Jared said.

He approached her and gave her a huge kiss pn the cheek before leaning down to put his ear by her stomach. "Hello baby sister, brother or both!"

Nanlaki mata ni Julie. "Sister or brother muna anak."

"Pero sabi ni daddy they can be twins." Nakangisi naman na sabi ni Jared sa kanya.

Tawang tawa naman si lola. "Di bale apo." Turan nito kay Julie. "Madami naman kami na tutulong kung sakali."

Napahawak sa sentido si Julie. Jusko twins? Well hindi niya pa alam.

Malalaman niya sa gender reveal pati na din number reveal. Kasi kakuntsaba nila Maqui ang OB niya.

Odiba tiyan niya pero lahat ng nakikita ng OB hindi ipinapakita sa kanya.

"Where's your daddy?" Ani Julie sa anak na kita niyang pawis na pawis. Hinalikan niya ulit pisngi ni Jared. Nagmana ito sa ama na mabango pa din kahit pawis na pawis.

"Here."

Napalingon siya nang magsalita si Elmo.

Ui sarap.

The Heart In MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon