Nakaupo ngayon sa may pool si Julie at si Maqui.
Sa tanning beds lang silang dalawa at tinitingnan ang tubig sa harap nila.
"Why didn't you tell me about Sophia when we saw each other last year?" Deretsong tanong ni Julie sa kaibigan.
Nilingon niyo ito sa kanang bahagi niya dahil doon ito nakaupo.
Kung kanina ay nakasandal si Maqui, ngayon ay dumeretso siya ng upo at umupo patagilid sa tanning chair para makita si Julie nang mas maigi.
"Bes...alam mo naman na hindi ko masyado nakikita si Elmo diba? I hardly know anything about him. Saka ang allergic ng lalaki na yan sa sariling muhka niya. Ang laman ng instagram niya puro litrato ng mga kinukunan niyang artista saka kung ano ano pa na shot."
Tumaas kilay ni Julie.
"You're dating Kuya Frank and know nothing about his brother?"
Maqui sighed.
"Bes alam mo naman na medyo aloof si Elmo sa pamilya niya. I mean...okay naman sila pero may sarili talaga mundo yan si Moe. He doesn't talk about things other than his work."
Napasandal ulit si Julie sa tanning bed.
So wala siya makukuha na sagot?
Pero bakit ba niya iniisip ang mga ganitong bagay.
"Pero wala ka na talaga nararamdaman para kay Elmo?"
Tumingin si Julie sa kaibigan. She cleared her throat and shrugged her shoulders in a non-chalant manner.
"It's been 9 years bes. We've both moved on."
Tiningnan lang ni Maqui ang kaibigan. She had this teasing incredulous look on her face.
Napatingin naman si Julie kay Maqui. "What? It's true!"
Umayos pa ulit ng upo si Maqui para mas matingnan niya nang maigi ang kaibigan.
"Bes...you haven't seen him in 9 years so paano mo malalaman kung wala na?"
Julie fidgeted in her seat. Well that made her uneasy.
But she stood by what she was planning for their life.
"We're co-parenting Jared. That's it."
She put a final tone in her voice so Maqui decided she'd stop asking about it too.
Iniisip pa din ni Julie ang tungkol kay Sophia pero inulit ulit din naman niya sa sarili na kailangan na niyang isantabi ang iniisip.
Dahil unang una, hindi naman niya dapat talaga iyon iniisip.
It was none of her business who Elmo dated.
"So kamusta naman here? I missed the Philippines." Sabi pa ni Julie. Oo iniiba na niya ang usapan.
Gets naman ito ni Maqui at kinagat na lang din.
"Ayon iba pa din hangin ng Manila haha!" Pagbibiro pa ni Maqui. Tumingin pa ito kay Julie bago nagtanong.
"So how is Baby Pecs with all this? Muhkang hayok na hayok sa Daddy niya."
Ah so babalik din pala sila sa ganun.
Alright then. As long as it was Jared and Elmo they talked of and only Jared and Elmo.
Bilang sagot sa turan ng kaibigan ay napakibit balikat lang si Julie.
Pero mahina din siya na napangiti.
"I'm just so glad that Elmo accepted Jared. He didn't doubt for one bit that Jared is his son."
BINABASA MO ANG
The Heart In Me
FanfictionMatagal nang alam ni Julie na mahal niya si Elmo. Or alam nga ba niya? Alam kasi niya sa sarili niya na wala siya puso. Ayun kasi sinasabi ng mga tao sa paligid. Simula bata pa lang siya. Magmula kasi nang mamatay ang mama niya ay tila puro kamaldit...