Chapter Eleven

4.8K 294 115
                                    

This story contains matured scenes, read at your own risk. (18+)

Tumatama sa mukha ni Gael ang sikat ng araw na tumatagos sa bintana nang siya'y magising. He roamed his eyes around the room and his eyes widened when he realized where he was. 

Oliver's room. 

Mas lalo pa siyang nagulat nang maramdaman niyang wala siyang ibang saplot sa katawan kung hindi ang kanyang boxer shorts. Wala sa tabi niya si Oliver at ito ang unang pagkakataon niya na matulog sa kwarto ng binata.

"What the hell did I do?" he asked himself worriedly.

Gael closed his eyes and tried to remember everything that happened last night. Suddenly, the first image flashed in his mind was the time that he kissed Oliver. Napatakip siya ng unan sa kanyang mukha at sumigaw dahil sa kanyang katangan.

"I hate my self!" he shouted. Pakiramdam niya ay pulang-pula ang kanyang mukha dahil sa kanyang mga naalala at pinagsasabi kay Oliver. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang binata.

Gael flinched when the door opened. Pumasok si Oliver na walang ibang saplot kung hindi boxer's short. Napaangat ng tingin si Gael pero agad ding umiwas. 

"I cooked breakfast, I don't want to wait," ani Oliver at agad ding lumabas ng kwarto. 

Huminga naman nang malalim si Oliver at hinanap ang kanyang damit pero hindi niya iyon makita. Pakiramdam niya rin ay mabibiyak ang kanyang ulo sa sakit na kanyang nararamdaman.

"I won't drink again, I swear," he told himself while looking for something to wear. 

Nang wala talaga siyang makita, napilitan na siyang lumabas kahit boxers lang ang suot. Ilang beses naman na nilang nakitang hubad ang isa't isa pero madalas ay hindi pa rin mapigilan ni Gael na mailang kay Oliver lalo na't kapag silang dalawa lang ang magkasama. Minsan nga'y hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil nakikita naman niyang hubad si Oliver kapag sila'y may training, pero siya'y ilang na ilang kapag silang dalawa na lang ang magkasama. 

Muling huminga nang malalim si Gael bago lumabas ng kwarto. Sa labas, nadatnan niya si Oliver na nasa harap na ng lamesa at hawak ang iPad nito habang umiinom ng kape. 

"Uh...nasaan ang damit ko?" tanong niya kay Oliver.

"It's in the laundry," tipid na sagot ni Oliver habang ang atensyon ay nasa hawak pa rin nito.

"K--Kukunin ko sana," nahihiyang sabi ni Gael.

"It's dirty. Just find something in my closet if you are really that embarrass to show your body," ani Oliver na para bang nababasa niya kung ano ang nasa isip ni Gael.

Hindi naman alam ni Gael ang isasagot kaya ang ginawa niya ay umupo na lang din sa harap ng lamesa at agad na uminom ng tubig. Kanina pa kasi siya nauuhaw at para na rin mawala ang alak sa kanyang katawan.

Oliver put down his iPad and started eating. Si Gael ay ganoon din ang ginawa habang ang kanyang mga mata ay nasa kanyang pagkain lamang. Ayaw niya kasing tingnan si Oliver dahil naaalala niya ang mga nangyari. 

"Your boyfriend kept calling so I shutdown your phone. It's annoying," Oliver said, starting a conversation.

Napilitan namang tingnan ni Gael si Oliver. "Mario?" 

"Do you have another boyfriend aside from him?" Oliver asked, wearing a straight face. Napatitig naman si Gael sa binata dahil ang gwapo nito tingnan habang kumakain. 

"He is not my boyfriend." Ngumuso si Gael.

"Sabi mo eh," ani Oliver na para bang iritado. 

"S--Salamat pala sa pagpapatulog sa akin. Tatanawin kong utang na loob," ani Gael.

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon