Chapter Sixteen

6K 369 189
                                    

This story contains matured scenes. Read at your own risk. (18+)

Mabilis na bumangon si Oliver mula sa pagkakapatong kay Gael at agad na itinulak si Harold palabas ng kanilang kwarto pero para itong batang nagpahabol kay Oliver.

"Get out of our room now, Harold," Oliver's voice was firm.

"What the fuck? I was just asking what you were both doing! Bakit kabado masyado?" Harold pouted his lips.

"You won't like it if I caught you," Oliver warned Harold.

"Sinasakal mo ba si Gael bago ako pumasok? Sabi na eh! I'm gonna tell coach about it, Oliver. You will be suspended for hurting the queen of our team!" Harold assumed.

Hindi napigilan ni Gael ang matawa sa sinabi ni Harold. Si Oliver naman ay tinapunan siya ng matalim na tingin kaya agad niya ring itinikom ang bibig.

"You are delusional. Get out!" ani Oliver at sinubukang hulihin si Harold na mabilis namang tumakbo sa likod ni Gael.

"I'm on your side, Gael. We will take him down," ani Harold habang siya ang pinangsasangga kay Oliver na masama ang titig.

"You can leave, Harold. I'm fine and we were just talking," Gael told Harold calmly.

"Nang magkapatong?" tanong ni Harold. Hindi naman alam ni Gael ang isasagot at pakiramdam niya'y pulang-pula ang kanyang mukha dahil sa hiya. Bakit nga naman sila mag-uusap nang magkapatong?

"May kinukuha lang si Oliver..." Gael lied.

"Nang magkapatong?" Harold asked again, confused.

"Alam mo, ang tsismoso mo! Lalabas na kami kaya lumabas ka na. Pasok ka nang pasok sa kwarto namin at hindi mo man lang nagawang kumatok," iritableng saad ni Gael.

"Hmp, susumbong ko kayo kay coach!" pananakot ni Harold sa kanilang dalawa.

"Go and I will kill you," Oliver warned him.

Lumabas naman si Harold at padabog na isinara ang pinto. Si Oliver naman ay agad na ibinaling ang tingin kay Gael.

"Why you didn't lock the door? What if we were kissing and someone came in like what Harold did?" Oliver sounded concerned and alarmed.

"Hindi ko napansin, sorry..." Gael lowered his head.

"You should have--" Gael interrupted what Oliver was saying. Ayaw na niya ng argumento.

"Oliver, I know you are scared. Takot kang malaman ng ibang tao kung ano 'yong dati nating ginagawa. Don't worry, I won't tell anyone about it. I will do everything to protect your name," seryosong saad ni Gael at tumayo.

"You got me wrong, Gael. What I meant to say--"

"We shouldn't be in the same room. Susubukan kong kausapin si coach para makipagpalit ng kwarto," putol ni Gael kay Oliver at pumasok sa banyo dahil ayaw na niyang marinig pa ang susunod na sasabihin ni Oliver.

Nang makapasok, agad na isinara ni Gael ang pinto at sumandal. Ipinikit niya ang mga mata at huminga nang malalim. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil pumayag siyang makasama si Oliver sa iisang kwarto. Naisip din naman ni Gael ang pwedeng mangyari kung sakaling malaman ng ibang tao ang kanilang ginagawa o kung ano ang mayroon sa kanila ni Oliver.

It was his fault for not locking the door and he should blamed himself. Sa isang pagkakamali niya'y pwede niyang masira ang pangalan ni Oliver at pati na rin ng sa kanya.

Gael breathed again heavily and washed his face. Itinuon na lamang niya ang kanyang sarili sa pag-aayos at nang matapos ay agad ding lumabas.

Agad na lumipad ang tingin ni Oliver sa kanya at si Gael naman ay hindi pinansin ang binata. Nararamdaman niya ang nararamdaman ni Oliver. Takot ito, takot sa pwedeng sabihin ng mga tao dahil sa hindi tama ang ginagawa nila sa mga mata ng ilan. Maituturing nga ni Gael na maswerte ang kanyang sarili dahil suportado ng kanyang mga magulang kung sino at ano siya. Sa sitwasyon ni Oliver, hindi alam ni Gael kung ano ba ang talagng tumatakbo sa isip nito. He had no rights to assume what Oliver was feeling. Ayaw niya rin itong kwestyunin dahil para sa kanya hindi tama iyon, ang tanungin ang isang tao tungkol sa kanilang sekswalidad.

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon