Chapter Twelve

4.9K 330 322
                                    

This story contains matured scenes, read at your own risk. (18+)

"Everyone's here already?" Gael heard his coach asked the whole team. 

"Coach, Yan's not here yet," ani Harold. 

It's finally the Athlete's Annual Camping that will be held in Zambales. Alas kwatro ng umaga ang nakatakdang pagtitipon nila sa labas ng school at kanina pa naroroon si Gael kaya hindi niya mapigilang antukin. Hindi naman kasi siya sanay na gumising nang ganoong kaaga.

"Harold, pasabay ako ha," ani Gael kay Harold na katulad niya ay mukhang inaantok pa rin. 

"Wala akong dalang sasakyan, makikisabay lang din ako. Tamad akong magmaneho," ani Harold at humikab. 

Mayroong nakalaang sasakyan para sa kanila pero dahil halos lahat ay gustong magdala ng mga sarili nilang sasakyan, napagdesisyunan na gawin na lamang budget ng buong team ang para sana sa kanilang transportation. 

Iyon naman ang naging problema ni Gael dahil una, wala siyang sasakyan, at pangalawa ay hindi niya alam kung mayroon bang gustong isabay siya. Noong nakaraang taon, kay Erin siya sumabay, pero ngayon ay hindi na pwede magsama ang lalaki sa babae dahil sa bagong rules ng kanilang Unibersidad.  Isa pa, ang alam niya'y hindi rin magdadala si Erin ng sasakyan.

Gael sighed. 

"Kay coach ka na lang sumabay, may dala siyang sasakyan," Harold suggested.

Kahit ayaw ni Gael ay mukhang wala naman siyang pagpipilian. He looked around and realized he was looking for someone.

Oliver.

Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isip ang mga nangyari sa kanilang dalawa. Yes, they already went beyond kissing but it was the first time they kissed and for Gael, he won't forget it. Lasing man siya noon pero hanggang ngayon ay malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isip ang nangyari.

"Coach, Yan's here!" 

Hindi alam ni Gael kung bakit biglang naghuramentado ang puso niya sa narinig. Nang siya'y lumingon, nakita niya si Oliver na kakababa lang ng sasakyan. He's wearing a black hoodie, gray sweat shorts, and white sneakers. 

"Finally, you're here!" ani ng kanilang coach na para bang nakahinga nang maluwag. Si Oliver na lang din kasi ang kanilang hinihintay. 

Oliver suddenly glanced at Gael who immediately looked away. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapag-usap at ang huli pa ay noong hinatid siya nito at iwan niya si Oliver sa sasakyan.

Sa totoo lang, nahihiya si Gael sa kanyang sarili dahil sa kanyang nagawa. He shouldn't have kissed him in the first place because it made everything more complicated. 

"Pay attention to me now because I will announce who will be in the same room," ani ng kanilang coach. Kinabahan naman si Gael dahil hindi niya alam kung sino ang makakasama niya ngayon sa room. 

"Yes po, Coach!" they replied in unison. 

"For starter, Gael and Oliver will be in the same room." 

Bigla namang napaubo nang malakas si Gael sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay nabulunan siya ng wala sa oras lalo na't pangalan pa niya at ni Oliver ang unang tinawag. Palihim pa naman niyang hiniling na huwag ito ang makasama niya. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na makakasama niya si Oliver sa iisang kwarto.

"Are you okay, Gael?" tanong ng kanilang coach.

"Y--Yes po, Coach!" he stammered.

"How about you Oliver, you're fine with that? Kung ayaw niyong magkasama sa iisang kwarto, pwede kayong makipagpalit--"

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon