Chapter Fourteen

4.9K 305 141
                                    

This story contains matured scenes, read at your own risk. (18+)

"You look excited." Napalingon si Gael kay Oliver nang magsalita ito habang nagmamaneho.

"Excited saan?" tanong niya habang pinagmamasdan ang binata na magmaneho. Hindi rin mapigilan ni Gael na titigan ito lalo na't gwapong-gwapo siya kay Oliver. Hindi man masabi ni Gael, pero para sa kanya ay ito ang pinakagwapong lalaki na kanyang nakilala. Patunay na rin ang mga babaeng nagkakagusto kay Oliver sa kanilang Unibersidad. Ang alam nga ni Gael ay mayroong fans club si Oliver sa kanilang school.

"With me having your roommate," ani Oliver at tumaas ang isang sulok ng labi.

"Ang kapal ng mukha," bulong ni Gael sa kanyang sarili at ngumuso. Muli niya ring ibinalik ang atensyon sa kanilang mga dinadaanan. Masaya rin si Gael dahil umaga sila bumiyahe dahil nakikita niya ang magagandang tanawin na kanilang nadadaanan.

"I heard you," Oliver said.

"Wala naman akong sinabi at hindi ako excited maging ka-roommate ka. Baka ikaw nga 'yon."

"Really? Why are you blushing then?"

"Oliver, isa!"

"Why? I'm just telling the truth. You really are blushing."

"Wala akong rason para mag-blush," depensa ni Gael sa sarili. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay nagugulat pa rin siya sa pagbabago ng asal ni Oliver. Mas madaldal na ito at mas napapadalas ang pagngiti na hindi naman nito ginagawa noon. Pakiramdam tuloy ni Gael ay ibang Oliver ang kasama niya ngayon.

"Did you miss me, Gael?" seryosong tanong ni Oliver.

Naghuramentado ang puso ni Gael sa tanong ni Oliver. Pakiramdam niya ay tumatakbo siya nang mabilis at hinahabol siya ng kung anong mabilis na bagay.

Why was he asking me that question? Gael asked himself.

"B—Bakit naman kita ma-mimiss?" Napamura si Gael sa isip dahil sa kanyang pagkautal.

"Of course, you're missing me," Oliver said confidently, smirking.

"Ang kapal," Gael whispered to himself and pouted his lips.

"Why do you like whispering so much? Are a sorcerer?"

"Oo, tapos ikaw una kong kukulamin."

"You mean, you gonna make me fall in love with you using some potions?"

Napairap si Gael sa sinabi ni Oliver.

"Nakakatawa 'yon?" sarkastikong sabi ni Gael at si Oliver naman ay tumawa.

Gael bit his lower lip while Oliver's laughing. Stop being like this, Oliver. Gael wanted to say.

"You look cute when you're annoyed," said Oliver.

"Tuwang-tuwa ka namang inaasar ako? At ano bang nakain mo at kinakausap mo ako nang ganito?" Gael couldn't stop himself asking that question.

Oliver paused for a while and breathed heavily.

"I just realized some things," seryosong saad nito.

Gael's brows furrowed in curiosity. May kung anong kaba rin siyang nararamdaman pero binalewala niya iyon.

"Ano naman 'yon?"

"If you are interested then answer my question first. Did you miss me?"

"H—Hindi nga..." Gael lied.

I miss you a lot. Gael wanted to tell Oliver but he had no courage to say that. Takot pa rin siya hanggang ngayon. Takot dahil alam niyang walang mararating ang kanyang nararamdaman para kay Oliver. Hindi rin naman kasi ganoong kadali na mawala at kalimutan si Oliver para kay Gael.

The Boy Who Swims Like A MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon