FIVE

10 1 0
                                    

_-_:) ----------_-

"Bakit parang walang teacher na pumapasok." Sabi ni Nicole

"Baka naman kasi nagmemeting sila sa nangyari." Sabi ni Monique

"Ehh, bakit pa nila pagmemetingan yun ey hindi naman importante. I mean, she's already dead at desisyon na nya yun." Sabi ni Kylie

"Yahhhh, tama ka dapat hindi na sila sumasali pa." Sabi ni Nicole

Sabi nung mean girls. By the way, hindi ko pa nga pala napapakilala sa inyo yung mga mean girls ng room. So based lang din naman ito sa nakwento sakin ni elle. My friend. My new friend.

_-_-_-_-_-_-_-_-_

The first is the leader. The leader of the group. She's Nicole Klyde Hermoso. A typical brat group Marami na syang pinaalis sa school na ito. Kung aking iisaisahin yung character ni Nicole sobrang dami. She's a thief, not a kind of pagnanakaw. Iba yung sa kanya. Iba yung ninanakaw nya. Inaahas nya yung mga in a relationship. Kung nagtatanong kayo kung bakit nya nakukuha yung guy. Madali lang, she's used her beauty slayer. Diba ganun sya kaganda. Kaso pangit naman ang ugali. Grabe nga kapag dumadaan sya sa hallway. Lahat ng mga boys napapaluhod sa kanya. Sabi ni elle walang transfer na pinapalampas si Nicole. Sino ba naman yung students para labanan ang isang Nicole na anak ng school na ito. She's so powerful.

Next is Monique Montello. Isa sa pinaka-masamang ugali na pinanganak sa mundo. Char. Lol. :). Wala syang pinapalampas. Transfer, old students. Wala, lahat binabangga. Kung si Nicole kapag dumadaan sa hallway. Napapaluhod sa ganda. Si Monique, naman napapaluhod dahil sa takot. Makasalubong mo nga lang yan sa hallway. Naku sina sabi ko sayo. Umalis alis ka kung ayaw mong ikaw ang umalis.

Last si Kylie. Kylie Gail Madrigal. Mahilig syang magkalat ng chismis. Lahat ichichismis nyan. Kahit yung mga insensitive at private info. Sinasabi nyan. Pano kasi bakit sya matatakot eh anak naman sya ng principal ng school. Siguro sya yung messager ng group. Kasi wala atang chismis na Hindi nya alam. As in nalalaman nya. Hindi ko nga alam kung saan nya nakukuha yung chismis nya.

_-_-_-_-_

"Elle samahan mo ako sa cr." Sabi ko"

Pumunta muna kami sa cr ni elle. Kasi naman, wala talagang pumapasok na teacher ngayon. After naming Magcr pumunta muna kami sa canteen, Dito kami sa medyo malayo ng kunti sa mga tao. Paguusapan kasi namin yung nagyari kay Amanda. E baka may makarinig. Baka madrop out kami.

"Grabe yung nangyari sa kanya." Hindi na namin sinabi yung name ni Amanda para sure.

"Alam mo ba yung balita na hindi naman talaga tunay yung nagpakamatay sya just because of her parents."

"Huh! For real?"

"Oo kasi hindi naman talaga ganyan sya dati. Kahit nga ako nagulat kasi bakit nya naman gagawin yun? Diba ehh kahapon nga lang ang saya saya nya tas ngayon. Ano wala na sya agad."

"Dati ba may ganto ng cases?"

"Wala, wala pa namang ganung nangyari before. Ngayon nga lang toh nangyari. Haytssss!!!!!!. Siguro mas mabuti pang wag na lang nating pagusapan kasi baka tayo pa ang mapahamak."

"Oo nga balik na lang tayo sa room."

Naglalakad kami pa hallway ng biglang. Natapon ko yung hawak kung juice kay Nicole.

"Sorry, Nicole. Hindi ko sinasadya."

Nakita ko yung mukha ni Nicole. She's transformed into a lion. Grabe, as in galit na galit. Nakatitig lang sya sakin tas yung titig nya kakaiba. Yung titig na mapapaluhod ka sa takot. Kilala ko na si Nicole, at for sure, Hindi nya papalampasin toh. Tch lagot talaga ako nito:

"So hindi mo sinasadya? Tatanga tanga ka din no? Alam mo nung unang dating mo palang dito hindi na maganda ang mood ko sayo. Well, hindi naman talaga kaganda-kaganda kapag ikaw ang kaharap ko. Your a biggest mistake. Bakit nabuhay ka pa."

Unti unti syang lumalapit sakin hanggang sa mapunta ako sa may locker. Tinulak nya ako sa may locker. Napalakas tulak nya dahilan para masaktan ako.

"Nicole tama na yan," Pag-awat ni elle.

"Ahhh, gusto mong madamay dito elle?"

Natahimik na lang si elle. Ok lang naman sakin, kasi wala na din naman syang magagawa kay Nicole. Sino ba naman si elle para lumaban. Wala na akong ibang naramdaman kundi ang matakot. Grabe yung tibok ng puso ko ngayon.

"Ano natatakot ka na ba? Wala pa akong ginagawa huh! Takot agad?"

"Please, I'm begging you. Nag sorry naman ako ehh. Hindi ko talaga sinasadya. Anong gusto mo lumuhod. Sure, I can do that. Basta mapatawad mo lang ako."

"Ok!!!! "

"Pinapatawad mo na ako?"

"Nope, pero pwede, kung luluhod ka sa harapan ko, then you kiss my shoe."

Wala na akong nagawang kundi ang sundin si Nicole. Para matapos na din toh. Lumuhod ako sa harapan nya, then I kiss her shoe.

"Masunurin ka naman pala. Sa susunod kapag naulit pa ito. Baka sumunod ka kay Amanda. Ay sorry bawal na nga palang sabihin yung pangalan nung amandang yun!! Pero wala akong pakialam. Buti na lang nawala na din yun dito sa school. Isa pa ding epal yun sa school na ito.

Pagkasabi nya, umalis na sya agad. Napaisip tuloy ako na posible kaya ng dahil sa kanila kaya namatay si Amanda. Huwag naman siguro. Kasi kung sila yun. Paano pa sila nakakatulog sa gabi.

After that scene. Dumerecho na ako sa room. May teacher na din dun at nagdidiscuss. Wala na din akong naintindihan sa lesson dahil sa kakaisip kay Amanda. I try to figure out kung sino ba talaga ang may kasalanan sa nangyari. Haytssss sends condolences to her family and loved ones. Sana maging masaya na si Amanda. At sana malaman na din kung sinong may kasalanan ng lahat ng ito.

"Miss Laine, please stand up." sabi ni sir.

Hindi ko maintindihan si sir dahil sa ingay, kaya hindi ko din marinig yung question nya.

Nagulat pa ako ng biglang may na amoy akong something fishy. Basta ang weird ng amoy. Pagtingin ko sa taas may tumutulong dugo sa may ceiling. Pumatak sa mukha ko yung dugo. Ang pinagtataka ko walang pakialam sakin yung classmate ko, even si Elle wala lang. Nakatingin lang sila sa sir na parang walang nangyayari. The blood still falls down. Hanggang sa bumuhos sa room ang napakaraming patak ng dugo dahilan para malunod kami sa dugo. Napasigaw na lang ako at lahat sila nakatingin sakin.

"Sorry, sir."

Tumakbo agad ako sa cr dahil na din sa hiya. Sumunod agad sakin si Elle sa cr.

_____________________blacklydner

Thank you so much.

THE NIGHTMARE THAT YOU CANNOT ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon