SIX

7 1 0
                                    

_-_-_-:) Comfort room

"Laine buksan mo ang pinto. Ano bang nangyari sayo?"

Pumunta ako sa may tub at naghilamos.

"Ano bang nangyari sayo at bigla-bigla ka na lang sumigaw kanina?"

Siguro mga ilang minuto bago ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa salamin. Iniisip kung ano bang ibig sabihin ng napanaginipan ko kanina. Na bakit bigla ko na lang iyun nakita. Posible bang may mangyayari ulit na hindi maganda. Huwag naman sana.

"Besh! Ano? Anong bang nangyari."

"Hindi ko alam eh! Kanina kasi, bigla na lang akong nakatulog. Hindi ko ma-explain kung ano yung nakita ko. Feeling ko kasi may mangyayaring hindi maganda. After kasi ng nangyari kay Amanda. Iniisip ko kung sino ba talaga ang may kasalanan nito. Feeling ko kasi nandito lang sa school natin yung killer. Huwag naman sana kasi may hinala na ako eh!"

"Sino? "

"Siguro hindi ito yung tamang panahon para sabihin ko sayo. Kasi hindi pa ako sure. Ayaw ko kasing mag-conclude agad. Basta kapag sure na talaga ako sasabihin ko na sayo agad."

"Sige balik na tayo sa room."

"Ok"

Bumalik na kami sa room at lahat sila nakatingin sakin. Feeling ko may nagawa akong kasalanan na wala naman.

"Guys, nandyan na yung weirdo."

Sabay tawa nilang lahat

"Ohhhh, saan ka galing? Bakit parang mukha kang takot na takot?" Sabi ni Nicole.

"Ehhhhh, baka hindi pa makamove on sa ginawa mo kanina kaya nagsisigaw." Monique

"Tstttttt. Girl, kulang pa nga yun ehhhh!!!!! " Kylie.

"Huwag nga kayong ganyan kay Laine. Hindi kayo nakakatulong!"

"Ahhhh wow, Elle, so kampi ka na pala dyan? Baka nakakalimutan mo kung sinong kaharap mo ngayon!!!! "

Natahimik na lang si elle at umupo. Umupo na lang din ako at hindi na lang sila pinansin.

Teacher.

Dismiss.

Teacher.

Dismiss.

Pumunta muna ako sa cr at nag retouch bago puntahan si fatima. After nun dumerecho na ako sa room ni fatima. Saktong kalalabas din sya. Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse. Si coz na lang ang nagmaneho. Wala kasi ako sa mood para mag-drive.

"Oh! Couz bakit parang tulala ka at walang kibo?"

Siguro mga 30 seconds ko syang hindi sinagot. Tsaka hindi ko na din sya naintindihan.

"Couz. Hoy!!! Ano?"

Nagulat ako kay couz dahilan para magising ako sa sarili.

"Kinakausap kasi kita. Kaso tulala ka at wala sa sarili. Bakit ka ba laging ganyan. Hay naku!! Diba bawal sayo ang masyadong magiisip. Maiistress ka lang nyan sa ginagawa mo."

Hindi pa din ako makapagsalita kay couz. Feeling ko, kasi hindi sya maniniwala sakin. Sige na nga sabihin ko na din sa kanya.

"Couz magpramis ka huh! Na hindi ka magrereact ng kahit ano."

"Oo ano ba yun.! Naku kinakabahan ako sa ginagawa mo ey."

"Ganto kasi yun. Kanina kasi habang nagka-klase si sir biglang na lang akong nakatulog then nakapanaginip kasi ako ng hindi maganda. Feeling ko kasi lahat ng napapapanaginipan ko ay nangyayari. Diba yung nangyari kay amanda kanina. Bago kasi mangyari yun nanaginip ako. Nasabi ko na sayo ito kanina. Feeling ko kasi may connect yung napanaginipan sa nangyari sa amanda. So ito kanina habang nagkakaklase si sir bigla akong nanaginip na may tumutulong dugo sa may ceiling then unti unti itong dumami. As in shower of blood. Hanggang sa nalunod na kami sa dugo. Sa tingin mo may meaning ba yung napanaginipan ko kanina. Sa tingin mo ba may mangyayaring hindi maganda?"

"Alam mo couz ang weird nga ng panaginip mo. Super weird. Baka kasi nagkataon lang ang lahat. Ganto kasi yun coz. Bakit hindi mo muna tingnan kung talagang mangyayari ba sya. O hindi na wag naman sana. Siguro ang gawin nalang natin ay ang magdasal. Saka nalalaman din naman natin kung ano ba talagang nangyari kay amanda. Kasi iniimbistigahan na sya ng mga pulis. Huwag na lang tayo makialam pa."

Haystttt siguro nga nagkataon lang ang lahat. Nagdridrive pa rin si coz. Malapit na kami sa condo ng biglang!!!!!!!!! May pusang dumaan kaya napalakas ang preno.

"Ok ka lang couz." Sabi ni fatima.

"Ok lang ako, may bigla lang akong naalala."

"Huh!!! "

"Wala wala sige ipasok mo na sa parking lot."

Pumasok na kami sa parking lot at saka umakyat sa room.

Umakyat agad ako sa taas at nagpalit ng damit. Hindi na din ako nakakain, kasi napagod na din ako. Mabilis akong nakatulog. Nagising ako ng mga alas-dose. Nakita ko may nag-text. Unknown number.

Unknown number:

horror party yung team sa sabado. Pumunta ka huh! Siguradong mageenjoy ka. Kita kits:

Si elle agad naisip ko, kasi sya lang naman ang may party sa sabado. At sya lang ang nag invite sakin. Kaso ang pinagtataka ko saan nya nakuha yung number ko. Hindi ko na inisip kung saan nakuha ni elle yung number ko. Ang weird kasi birthday tas horror party ano yun. Tch. Tas nag message pa out of time. Hindi na ako nakatulog nagbasa na lang ako ng book. The Iliad yung title tas yung author si Homer. Siguro mga 30 minutes din ako nagbasa nakaramdam na din kasi ako ng antok. Kaya bumalik na ulit ako sa kwarto at natulog paggising ko umaga.

-_- HORROR PARTY_-_

After 3 days

D-DAY_-_-

"Girl, nasan ka na?" Sabi ni elle.

"Malapit na"

Papunta na ako sa party ako lang mag-isa kasi hindi naman pwedeng isama ko si coz. Tsaka doesn't like to attend the party. Hindi nya kasi gusto yun. She was always at home. Yun lang gusto nya. Yun laging nasa bahay.

"Girl, nandito na ako nasan na kayo." Message ko kay elle.

Biglang lumabas si Nicole nagulat ako kasi nandito sya with her company. Nagulat ako kasi hindi naman sila naka horror costume

"Guys, you need to see this."

"Owwwwwwwwwww!!!!!!! "

"What was that outfit, girl? Bakit parang aatend ka ng cosplay," said Nicole.

"Haystttt, fyi, this is a birthday party, not a horror party," said Monique.

"Ey, maybe she attended the wrong party. I mean, baka naman sa kabila yung party na pupuntahan nya," said Kylie.

"Hay naku girl. Will you please get out to this party kasi hindi ka bagay dito?" said Nicole.

"Grabe kayo kay laine baka umiyak. Pag yan nagsumbong sa mommy nyan. Bahala kayo," said Manuel.

"Owwwwwwwwww!!!!!!!!!! " sigaw ng mga boys.

Na puno ng tawanan ang party dahil sa outfit ko. Na conclude ko tuloy na baka si Kylie, yung nagtext hindi si Elle.

Hindi ko na ma explain ang nararamdaman ko ngayon. Mix emotions, yung nararamdaman ko. I feel shy, disappointed, and a little bit mad!

_____________________blacklydner

Thank you so much.

THE NIGHTMARE THAT YOU CANNOT ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon