Chapter 20: No One

57.7K 823 71
                                    

Minho

Cathy has been my girlfriend for two years. She's this beautiful brat but it didnt stopped me from falling inlove with her. I courted her for a year at noong sophomore year namin binigay niya sakin ang matamis niyang oo. Hindi naman din mahirap gawin yun dahil tatlong bahay lang naman ang pagitan namin.

Catherine Hontiveros is not just an ordinary person. Since she was young pinangarap niya talaga maging celebrity. And of course with a little help of their money and her beauty, she managed to be one.

I was happy for her. Bilang boyfriend wala na akong hinihiling kung di ang kung anong makakapagpasaya sa kanya. When she debuted as a model I supported her. I was there when fans greeted her. Have their memorabilias signed at kung ano ano pa. Every inch of the way I am by her side hanggang sa ma discover ng isang director na may talent siya sa pag arte kaya hindi pa man siya nagtatagal sa showbiz industry nag step up na siya

"Kung ganyan na celebrity ang girlfriend mo, I doubt kung magtatagal kayo" I was warned for couple of times by my friends and family. Nginingitian ko lang sila tuwing sasabihin nila yun.

Kilala ko si Cathy. Mahal na mahal niya ako. Oo, minsan na namin napag awayan ang kawalan niya ng oras para sakin but in the end of the day, it was her and me who matters the most. Isa pa, alam kong hindi niya ako ipagpapalit sa kung sino. Kahit na alam kong gwapo ang mga lalaking nakakatambal niya sa mga telenovela na pinagbibidahan niya.

I didnt know how it happened but one day came na nakikipaghiwalay na siya sakin. I asked her for a reason at isa lang ang sinabi niya, "Im sorry, Min. Nagising na lang kasi ako na hindi na kita mahal"

Pakiramdam ko huminto ang mundo ko pagkasabi niya nun. Naaalala ko kung gaano ako natahimik sa sinabi niya cause it seems like my brain is rejecting her words. Words that shot me straight to the heart

I went to her. Kasalukuyan silang nagsho shooting nun but I didnt care. Sa kabila ng matinding galit nung direktor nila wala akong pakiilam. Itinakas ko si Cathy and we went somewhere and begged her na wag akong hiwalayan. She cant just let go of me like that, right? Hindi naman siguro basta basta niya na lang akong hihiwalayan for that bullcrap.

But it didnt worked. Lahat ng pakiusap at lahat ng luha balewala lang. Hindi na niya na ako mahal. As I am thinking of it now, ngayon ko lang na realize na hindi na ang Cathy Hontiveros na nakilala ko ang nakausap ko nun. She was different. Those eyes.. I used to see it na may puno ng pagmamahal para sakin. But that time just nothingness.

When I met Erica, it was a day before namin magbreak ni Cathy.

Mahal na mahal ko si Cathy. But the moment I laid my eyes on Erica I knew she was something.. I've seen pretty faces my whole life but she got my attention. Hindi siya yung karaniwang babae na malagay ng kung ano ano sa mukha. She's just simply pretty

Nung makita ko siya nun sa camping (na break na kami ni Cathy) hindi ko mapigilan matawa dahil alam kong natatandaan niya ako pero hindi niya lang alam kung saan kami nagkita. I was interested to her. I even thought na baka siya ang binigay sakin ng langit dahil pinagdasal ko talaga na may dumating sa buhay ko na makakapagbura nung masasamang alaala na iniwan sakin ni Cathy.

I mean, meeting her the first time was a chance pero yung pangalawa? Destiny na siguro yun. Kaso hindi naman pwede dahil may boyfriend siya.

Kilala ko si Derick dahil magkaparehong mundo lang naman ang ginagalawan namin. May isang beses na nakapag usap kami nung purihin niya ako sa party ng business partner ng parents ko kung saan kumanta ako.

Kung ikukumpara ko siya sa kung paano ko siya nakilala dati at nung makita ko siya sa mall na kasama ni Erica, malaki ang pinagbago niya. He's usually silent and bored kapag napapalibutan ng mga tao pero nung time na yun ang saya saya niya. Kahit na nararamdaman kong pinagseselosan niya ako.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now