***
Author's Note:
Salamat sa mga readers ko na babae, lalake, nanay, estudyante, heartbroken at kung ano ka pa naman. For those who said na sana magkaroon sila ng Derick, oh girls be patient cause surely may darating para sa inyo na higit pa sa mokong na yan XDJoin kayo sa group ko tapos usap naman tayo XD search niyo sa FB, Kathipuneraaa Wattpad Stories. Kathreen De Vera po ang name ko sa FB you can find the link dito sa profile ko.
Last update for the week <3 di ko pa ma estimate kung ilang chapters pa pero marami pang mangyayari. Dont forget to comment below <3
"Oh my God, that's crazy" sa ibang pagkakataon siguro lolokohin ko si Annabeth sa OA niyang reaksyon pero alam kong gulat na gulat naman talaga siya nung ikwento ko yung tungkol kay papa. Nabitin pa nga yung akma niyang pagtusok sa sausage na nasa plato niya para tignan ako and probably inaabangan kung sasabihin kong nagjo joke lang ako.
Tinawagan ko tong bestfriend ko para may makasama ako habang wala si Derick. Pumunta siya sa bahay para kunin yung mga gamit ko. Maaga kaming nagising dalawa since true to Mr. Lusterio's words, tumawag nga dito si Don Manuel mga ilang oras pagkatawag niya at pinapapunta kami sa mansyon mamayang gabi. Nagpanggap pa ako na nagulat para hindi maghinala si Derick na may alam ako.
"Oh besh, really hindi ko alam kung anong sasabihin. I didnt, I never-- kahit kailan hindi ko naisip na mambababae si tito" tinuloy na ni Annabeth ang pag kain kasabay ng sunod sunod niyang pag iling
Huminga lang ako ng malalim and started sagging the blueberry cheesecake na dala niya kanina. Yeah, who would have known that my so loving father ay nambababae pala. And the worse part of it is kung kailan nagkasakit na si mama when he started doing it.
"Alam na ba to ni tita, Manilla?"
"Hindi ko alam. Kahit ako naguguluhan eh. Iniisip ko kasi na baka kaya biglaang umalis si mama papuntang probinsya eh dahil nalaman niya ang ginagawang yun ni papa? Pero kung alam niya na, bakit hindi man lang niya sinabi? At paano naman kung hindi pa alam ni mama? God, besh I really hate him for putting me in this situation!" pagmamaktol ko dahil ang hopeless lang talaga ng sitwasyon ko ngayon
"Kung alam man ni tita, siguro kaya hindi niya sinabi sayo dahil ayaw niyang masaktan ka. We all know how you love your father, besh. Di ba nga mas sa kanya mo pa prefer magpaalam kapag may lakad tayo dahil mas laid back siya kay tita?"
"It's still not fair. Anak nila ako. I have every right to know kung ano ang nangyayari sa kanila. Naiintindihan ko naman sila kung bata pa ako at hindi makakaintindi kaso ang tanda ko naman na"
"Bago ka mainis kay tita bakit hindi mo muna alamin ang sitwasyon kung alam niya na o hindi?" bakas sa tono ni Annie na medyo naiinis na siya sakin. Hindi ko din naman siya masisisi dahil gustong gusto niya si mama.
Pinikit ko ang mga mata ko at bigla kong naalala yung gabi na nagpapaalam siya. Kung tama ang pagkakatanda ko, naitanong ko sa kanya kung may problema ba sila ni papa. at ang isinagot niya sakin, "Hindi kami nag away. Erica, ang papa mo ang pinaka mabait na taong nakilala ko. Marami siyang bagay na isinakripisyo para sakin"
Hindi ko napagtuunan ng pansin ang sinabing yan ni mama nun dahil siguro mas lamang sa isip ko yung pag alis niya. Pero ngayon na naisip ko na naman yun, napagtanto ko na parang may something sa sinabing yun ni mama.
I never asked what are those sacrifices na ginawa ni papa para sa kanya.
"You know what, I dont think it's a good idea na ipaalam to kay tita, besh. I know yes may karapatan siyang malaman yun but let's consider her health. Makakasama lang sa kanya yun"
BINABASA MO ANG
The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]
ChickLit[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and heart breaks, Derick and Erica managed to get their happy ending - nope, beginning. At inumpisahan nila ang relasyon that both changed them...