Chapter 24: Heir

43.3K 771 47
                                    

***
Author's Note:
Congrats kay mechanica for passing her NC II exam and for getting the highest score on one of her major subject! <3

Kanina ko pa sinasabihan si Derick na sagutin ang tawag nung mommy niya pero hindi siya nakikinig. Actually, sinagot naman niya na isang beses pero duda ako kung nakapag usap ba sila cause as soon as he pressed the answer button, sinabi niya na agad na mamaya na sila mag usap dahil nagd drive siya. After that binaba niya na pero tawag pa din ng tawag si Mrs. Lusterio

Nung nakabalik na kami sa apartment saka namin na realize yung maaaring dahilan ng tuloy tuloy na pagtawag ng mommy niya. Nung ipapasok niya na yung susi sa keyhole ng doorknob niya napansin kong may dyaryo malapit doon sa potted plant sa bandang bintana kaya kinuha ko. Absentmindedly I flip the pages at halos mabitawan ko yun nang makita ko ang pagmumukha ni Derick

"Malalagot sakin tong Stanley na to! He didnt asked my permisson for this!" galit na galit si Derick na tinapon kung saan yung dyaryo at pabalik balik na naglalakad sa harapan ko while muttering string of curses

Ngayon hindi lang pati ang cellphone niya ang tumutunog pati yung landline na sobrang bihira kung tumunog ngayon ay halos sumabog na. Tatayo sana ako para sagutin but he stopped me

"Hayaan mo na at baka si daddy naman yan. Shit, what am I going to say?!"

Sa totoo lang wala naman masama sa nakasulat na article tungkol sa kanya. It just said na "Isa sa mga apo ng president ng Lusterio Group of Companies seem to have a keen interest in showbiz industry, says Stanley Juaño of JJ Entertainment" and the following details eh kung anong napag usapan ni Stanley at Derick kagabi sa party. May picture silang dalawa na nagpapatunay pero obvious na candid shot lang. Habang yung isang picture naman is kuha habang kumakanta siya. Hindi naman sinabi sa article kung tinanggap ba o tinanggihan ni Derick but I know this will start the question of what will happen next

Narindi na siguro si Derick kaya naglakad na siya papunta doon sa telepono na tumutunog pa din at padabog na sinagot yun "Hello?!" hindi man lang siya nag abala na babaan ang boses niya

Yung galit na mukha niya napalitan ng pagkagulat. Napatingin sakin at pinindot yung loudspeaker

"Hey, gran"

"Apo totoo ba yung nabasa ko sa dyaryo na gusto mong maging singer?" kahit ako nagulat dahil inaasahan ko na galit si Don Manuel pero kung pagbabasehan ko yung tono niya ngayon mukhang natutuwa pa siya

"It's just a big misunderstanding!" Derick growled. Lumapit siya sakin at hinapit ang bewang ko sabay subsob ng mukha niya sa balikat ko

"Eh malinaw na nakasulat dito eh! O tapos may litrato ka pa habang kumakanta ng nakahubad. Ano bang nangyayari apo?"

"Gran, kasiyahan lang yan sa party kagabi ni Penelope. Kinausap ako nung Stanley na yun na--"

"Tinanggap mo ba? Bigatin ang JJ Entertainment, apo" putol ni Don Manuel sa sasabihin niya na parang hindi narinig yung nauna niyang sinabi

"Gran naman. Hindi ako pumayag!"

"Siraulo ka ba?! Isa pa, lumabas na tong balitang to kaya panindigan mo na!"

"Eh basta gran ayoko!" tinignan ko siya pero parang pati siya hindi convinced sa sinasabi niya. I know Derick wants this pero na pressure lang siguro siya kaya siya nagkakaganito

"Does Erica knows this already?" pagkasabi ng pangalan ko gusto ko sana magsalita na nandito ako but Derick tightened his grip to me at nakuha ko ang ibig niyang sabihin na wag akong magsasalita

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now