Chapter 46: Special Girl

52.7K 768 65
                                    

***
Author's Note:
Thankyou, sxarlhyneee for the beautiful collage she made. Ayan oh, nasa media :D and to my awesome readers, thank you for your wonderful comments and messages regarding this story mapa Wattpad man ir Facebook. Member ka na ba sa group? Kung di pa, sali ka na, madaldal ako dun! :D search mo lang Kathipuneraaa Wattpad Stories.

Time check, 1:30AM. Hihi, good morning! Mahaba tong update ah so wala akong utang. Lovelots! xx

Second sem passed just like that. Actually may pasok pa naman sa university pero maagang tinapos ng mga professors namin ang klase nila kaya hindi kami sumagad. Naipasa naman na din namin ni Minho yung research namin kaya wala na talagang problema. Sa ibang subjects naman wala na din problema. Sa totoo lang parang ang iksi nga lang ng sem na to na parang nabitin pa nga ako.

Now I found myself na nakakulong sa apat na sulok ng kwarto namin ni Derick and unable to move a finger. My head is still spinning dahil sa puyat. Mamaya na ang major concert ng Big Three kaya kagabi nagkaroon sila ng general rehearsal doon sa venue. Pinauuwi pa nga ako ni Derick nun pero tumanggi ako. Mahirap na, nandun si Slutty Cathy at baka makalusot pa ng panglalandi sa kanya. At hindi pa din ako nakaka move on sa tangka niyang pagmanipulate ng results nung Miss Education. Kapag nagkakatinginan nga kami kagabi iniismiran ko talaga siya.

Since I've won the title of Miss Education pakiramdam ko ang ganda ganda ko na kahit hindi naman. Madami na ang nakakakilala sakin sa school. Dumami bigla ang friend requests ko sa Facebook na may time pa nga nun na bombarded ang inbox ko ng mga messages ng papuri sakin sabay tanong kung boyfriend ko ba si Derick. Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako o ano dahil yung mga nakakaalam pala ng relasyon namin ni Derick like yung mga classmates ko, ang sinasabi nila sa iba na nanliligaw pa lang sakin si Derick. Ginawa daw nila yun para protektahan ako. Somewhat, thankful na din ako dahil hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ng iba kung sakaling i confirm nila yun. Not everyone ay kasing bait ng mga kaklase ko.

Going back to Derick, hindi naman sila ganun kapagod dahil para may energy mamaya but Percy was just too meticulous na maging successful ang lahat. Pagtapos ng rehearsal nag meeting pa sila at doon na nga ako nakatulog. Pagkagising ko nandito na ako sa kwarto, naka pangtulog na at wala na si Derick. Maaga kasi silang kailangan sa agency dahil ang alam ko maaga silang pupunta doon sa venue para hindi sila pagkaguluhan ng mga fans. Sa pagkakaalam ko kasi may mga nag camp out sa labas ng venue at iniiwasan ng NE na magkaroon ng gulo because if the situation get out of hand, mapipilitan silang i cancel ang concert.

Kahit masakit pa din ang ulo ko sinikap kong bumangon at tumingin tingin sa paligid ko. Napangiti ako when I found a note sa side table na may kasama pang isang stem ng rose. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko na asawa ni Derick Lusterio, hindi ka ba matutuwa? Sa kabila ng pagiging busy niya he still wont forget to make you blush.

"I have prepared yung susuotin mo mamaya. Tignan mo sa kabilang kwarto" the note said. Tumayo na ako para tignan yung sinasabi niya. Clutching the rose na inaamoy ko pa, I pushed the door nung kwarto niya na tinutulugan niya nung hindi pa kami kasal. There on the bed I found a white shirt na may print and a pair of black pants.

Kinuha ko yung white t shirt at namangha talaga ako dahil ang design nun ay pagmumukha niya. Sa laylayan nung damit may nakalagay pang print na "Derick's Girl" at pirma niya. Napangiti na lang ako at kinuha na din yung pants. Kilalang kilala talaga niya ako. He even have my waist line correct.

Sa totoo lang excited na ako mamaya dahil bukod sa makikita ko siya na magpeperform sa mas malaking space at mas maraming tao, pupunta din ang buong pamilya niya at si papa. Gusto kong makita ang reaksyon nila especially si Mrs. Lusterio na hanggang ngayon hindi pa din gaano tanggap ang ginagawang ito ng anak niya. For sure naman kapag nakita niya mamaya yung suporta para kay Derick magbabago na ang pananaw niya.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon