"SO, YOU'RE REALLY leaving Almeria?" Beverly, one of my best friends, asked in disbelief.
I sighed deeply while getting my nails done this morning at our favorite beauty salon. "I have to. Ang tagal kong hinintay na payagan na ako ni Daddy makipag-date kay Nigel. This is my chance, I don't wanna waste it."
"E, saan ka naman titira?" sumunod niyang tanong.
"Actually, I don't know yet kasi ayaw sabihin sa 'kin ni Dad. Pero malamang sa isa sa mga rest house lang namin. Alam n'yo naman, marami kaming bahay."
"Grabe, Corrine, the things you do for Nigel," sabat naman ng isa naming best friend na si Felicia.
"I know. If I wasn't just head over heels in love with that guy, I wouldn't do this."
"Alam niya na ba na aalis ka?"
I nodded as I softly blew my nail polish dry. "I already called him last night. He also got upset. Sabi ko na lang magkita kami bago ako umalis para makapag-paalam ako nang maayos. I will meet him later."
"Are you sure na pagbalik mo after six months e magiging kayo na talaga?"
I raised an eyebrow at her. "And what do you mean by that?"
Natawa naman siya habang nagpi-picture sa salamin kasi bagong blow dry ang buhok niya. "Well, magkakilala na kayo ni Nigel since high school tayo, pero kahit isang beses hindi ka naman niya tinangkang ligawan."
"E, kasi nga, he knows that my dad doesn't like him."
"Sabagay, sino nga naman ba ang kayang bumangga kay Mayor Delgado. Hindi ko lang talaga ma-gets kung anong status n'yo ni Nigel."
"M.U. kami," I answered with so much confidence. "Alam namin ang feelings namin sa isa't isa, pero hindi kami."
"Girl! Feelings mo lang ang alam niya. Pero 'yung feelings niya para sa 'yo, hindi mo alam. Hindi 'yon M.U."
Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Are you really my best friend?"
Natawa lang siya.
"But what does he look like?" Bigla namang tanong sa 'kin ni Beverly na nagpapa-highlights ng buhok ngayon.
"Who?"
"The guy that Mayor Delgado hired to protect you."
Napaikot na naman ako ng mga mata. "Wala akong pakialam sa itsura niya, 'no, pero alam n'yo 'yung feeling na wala pang ginagawa 'yung tao sa 'yo, pero inis na inis ka na? That's what I felt yesterday. As in hate at first sight sa Lukas na 'yon."
Natawa silang dalawa sa 'kin.
E, totoo naman kasi. I instantly got bad vibes from that man the moment I met him.
"Hindi ba siya hottie?" dagdag pa ng Beverly na 'to.
Bigla akong kinilabutan. "Yuck, Bevs! Tsaka mapapansin ko pa ba 'yan? Kadiri, ha."
"Oo nga naman, Bevs," pagsingit ni Felicia. "As if namang ma-a-attract pa si Corrine sa ibang lalaki, e, na kay Nigel lang ang puso't kaluluwa niyan umpisa pa lang."
I just smirked to myself.
Kilalang-kilala na talaga ako ng dalawang 'to. Simula grade school pa lang, magkakaibigan na kami. They're like my sisters from another mother. Beverly's family owns the biggest hospital in Almeria. Si Felicia naman, she's quite popular here because she's a social media star. Apat kaming magkakaibigan noon, actually. Pero tinakwil na namin 'yung isa because she's a traitor. Her name is Angela, but now we call her Devila.
"Uy, Corrine," salita ulit ni Beverly, "kapag nando'n ka na sa bago mong titirhan, tawagan mo kami palagi, ha?"
"Of course! Mag-video call tayo every day kasi I'm sure super mabo-bored ako ro'n."
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #2: Lukas Zamora
General Fiction[NSFW] Silent but deadly. Lukas Zamora's new assignment is to guard Corrine Margarette Delgado, the only daughter of Mayor Vicente Delgado of Almeria. Ngunit katulad ng inaasahan ni Lukas, hindi naging madali ang lahat. Corrine is nothing but a spoi...