"CORRINE, HINDI KO pa rin talaga ma-contact si Kuya."
Shit! Lalo akong hindi napakali rito sa taxi habang papunta kami ni Jenny sa opisina ng Daddy ko.
Kanina pa ako nanginginig sa sobrang takot. Wala na akong balita kay Dad kung ano ng nangyari sa kanya, at hindi pa namin matawagan si Lukas. Naiiyak na nga ako, pero pilit lang akong pinakakalma ni Jenny dahil baka kung ano pa raw ang mangyari sa 'kin.
Nang makarating na kami malapit sa city hall, lalong tumindi ang takot ko kasi ang daming tao sa labas! Totoo ngang may mga pulis at pinagpe-pyestahan na ng media ang tatay ko.
I couldn't wait any longer. Bago pa tuluyang makahinto itong taxi, binuksan ko na agad ang pinto at walang-takot na bumaba.
"CORRINE!" Nag-aalalang sigaw pa ni Jenny dahil sa ginawa ko, pero hindi ko na siya pinansin.
Ang sama ko para iwanan siya, but I have no time left. I need to see my father.
Wala ako sa sarili. Ang lamig na ng pawis ko at halos hindi na ako makahinga habang tumatakbo papunta sa pinagkukumpulan ng mga tao.
"Ms. Corrine!" Bigla na lang may humarang sa 'kin na isang babae.
Hindi ko pa nga dapat siya papansinin kasi tarantang-taranta na ako, pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Ms. Corrine!"
I looked at her with my blurred vision. Siya pala ang secretary ni Daddy na tumawag sa 'kin!
Doon lang ako bahagyang nahimasmasan at hinawakan agad ang mga kamay niya. "W-where's Dad?"
"Hinuli na ho siya, pero hindi pa sila nakakaalis."
"What happened? Bakit siya hinuli!"
"Miyembro raw ng sindikato si Mayor. Firearms smuggling."
Napaatras ako at halos bumigay ang mga tuhod dahil sa panghihina. "W-what? No. My father won't do that."
"Pero hawak na ho siya ng mga pulis."
"No!" Tinulak ko siya sabay muli nang tumakbo para mapuntahan na si Daddy.
This can't be, this isn't real! Kilalalang-kilala ko ang Daddy ko at imposibleng gagawin niya ang bagay na 'yon!
Sumiksik ako sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao hanggang sa makita ko si Daddy. Naka-posas siya at napapaligiran ng mga pulis.
"DADDY!"
He looked at me right away. Akala ko magagawa niya pa akong lapitan o kausapin kahit saglit, pero hindi. Nginitian niya lang ako, tapos kusa na siyang sumakay sa kotse ng mga pulis.
My tears poured out. Gusto ko siyang sundan, pero hindi ko na nagawa kasi napansin na ako ng mga media at bigla na silang nagsilapitan sa 'kin.
They kept taking pictures of me and asking me questions I couldn't understand. Lalo na akong napaiyak sa takot, mabuti na lang may biglang humila sa 'kin.
Pagtingin ko, si Lukas!
Mabilis ko siyang niyakap, pero alalang-alala siya na pinagkakaguluhan ako, kaya imbis na yakapin ako pabalik, hinila niya lang ako palayo at dinala sa loob ng hall na hindi abot ng mga media.
I hugged him again, and he finally hugged me back.
I was a mess; my entire body was shaking while my tears kept flooding my sight.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya agad. "Baka hindi ka na tantanan ng mga reporter ngayong nandito ka na rin."
Hindi ko siya nasagot kasi ako nga 'tong mas nag-aalala na baka nadamay siya sa nangyari.
BINABASA MO ANG
The Savage Boys Series #2: Lukas Zamora
General Fiction[NSFW] Silent but deadly. Lukas Zamora's new assignment is to guard Corrine Margarette Delgado, the only daughter of Mayor Vicente Delgado of Almeria. Ngunit katulad ng inaasahan ni Lukas, hindi naging madali ang lahat. Corrine is nothing but a spoi...