/16/ Kulto

16 3 0
                                    

(PS: I am not a tarot reader or anything, if ever that I made a mistake when explaining on how the cards are being used and its symbols, I'm very sorry. It is not my intention to disrespect the community and the cards as well)


Wala akong sa mood na pumasok sa school, pero wala akong choice but to go. Last nalang ito and I can't help to fail

"This will be the last and I need to have a feedback on your performance regarding sa pinasukan niyo. Just one month okay?" Tumango kaming lahat, kailangan daw naming mag job immersion sa isang restaurant, we need to assist inside the kitchen para hindi na daw kami manibago sa atmosphere after we graduate

After ng announcement ni Chef ay pinadismiss na niya kami. There's no presence of Fiona as of now, natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa mga bagay na pwede niyang magawa dito sa mundo ng mga mortal, witches like us should be in the forest and not here.

"Lily!" Tinawag ako ni Claire at Blaze

"Nasan si April?" tanong ko

"Hintayin daw natin siya dito" sagot ni Blaze

"Bakit anong meron?" Napakunot ang noo ko

"Kakain tayo sa park, bumili lang ng pagkain si April" Nagthumbs up si Blaze sabay kindat

Few minutes later ay dumating rin si April na may dala dalang pagkain, sumakay kami ng tricycle at pumasok sa park, nilapag niya ang dala niyang pagkain at inumpisahan naming kainin yon buti nalang kami lang ang tao dito

"Anong plano niyo sa immersion?" Una kong tanong

"Wala pa akong nahahanapan na restaurant"

"Ako rin"

"Gaya-Gaya ka talaga"

"Anong pakealam mo"

I knew this would happened, nagbabarahan nanaman si April at Blaze

"Sigurado bang gagraduate tayo?" napatingin kaming lahat kay April, nag pause nang kaunti at nagtawanan kaming lahat. We can't be sure kung papasa ba kami o hindi

In the middle of the conversation ay agad naagaw ang attention ko sa harapan sa may entrance ng park. May paparating na mga tao na nakasuot ng grey na tela sa kanilang katawan, tanto ko nasa eleven silang lahat, wala silang suot na tsinelas o sapatos. Sinigkitan ko ang mata ko to see kung ano ang hawak ng isa sa kasamahan nila. It's a plastic bag with...

Blood

"Guys" napatayo ako

"Oh bakit?" Agad na nagalala ang mga kaibigan ko

"Kailangan na natin umalis"

"Pero hindi pa tayo-"

"No! uuwi na tayo" agad na tinakbo ko sila sa likod ng parke, may isang lagusan para doon paalis

"Huh? anong meron Lily?" Naguguluhan na silang lahat

Kinuha ko ang atensyon ng mga tricycle drivers at pinasakay muna si Claire

"Kuya paki hatid po-"

"Teka teka sabay kami" Singit ni Blaze

"Go sige" Umupo si Blaze sa tabi ni Claire

"Uwi kayo kaagad please" tumango silang dalawa

Agad na hinanapan ko ng tricycle si April para siya naman ang pasakayin

"Lily" tinawag ako ni April bago siya makasakay

Kita na sa expression ko ang pagkatakot at pangamba

"Whatever your planning to. Susuportahan kita" NIyakap na ako at sumakay na sa tricycle

I don't know kung ano ang nirerefer niya. I am assure na hindi niya alam ang exsistence ko bilang witch kaya nagtaka ako. Nilingon ko ang paligid and I saw them, all of them are staring at me

"Kuya" tinawag ko ang tricycle at agad na sumakay





Binigay ko ang pamasahe at agad na pumasok sa loob ng bahay

"Dexie! Erylise!"

"Bakit insan?" lumabas si Erylise ng kuwarto

"Anong meron?" Nasa kusina si Dexie

"May nakita akong grupo ng mga tao, they were eleven, nakasuot sila ng grey na tela, barefooted at isa sa kanila ay may hawak na plastic bag na may laman ng dugo" I explained to them

"Sure ka bang dugo 'yon? hindi kaya they were just pulling a prank?"

"Oo nga diba explain mo is kayo lang ang tao doon?"

"No this can't be, meron akong kutob na merong iba sakanila" I hissed

"Chill lang, gusto mo basahan kita" Kinuha ni Dexie ang tarot cards sa counter

"Kailan ka pa natutong gumamit niyan?" I asked

Sinindihan niya ang insenso at pinausukan ang card

"Tinuruan ako ni Tita dati pa" Dahan dahan niyang nilapag sa mesa ang baraha, inumpisahan niyang baliktarin ang tatlong baraha ngunitb ago niya mabaliktad ang panghuling baraha ay agad siyang nahulog sa kaniyang upuan

"Dexie!" nilapitan namin siya, sinubukan niyang tumayo at pinilt na iflip ang last card I saw Erylise reaction nung nakita niya ang three cards

"F*uck"

"The Tower, The Moon, and Ten of swords" Hingal na hingal na sabi ni Dexie, I sae her arms at tumatayo ang balahibo niya

"Mag-ingat ka"

Napatingin kami sa bagong bukas na pintuan, kakarating lang ni Mama

"Nakatapak na dito ang kulto" Sabi niya

"Ito ba ang sinasabi ni Lily kanina?" tanong ni Erylise

"Kakakatanggap ko lang ng signal galing sa isang sorcera sa ibang bayan at kumukuha sila ng mga kababaihan para ialay sa kanilang diyos"

"Ano ang mga mukha nila?"

"Nakasuot na grey na tela at puno ng tattoo ang katawan"

"Kailangan natin mag-ingat"

"Tuwing hating gabi tinatawag nila ang pangalan mo para ikaw ay palabasin, at kung makakalabas ka na dudukutin ka nila at iaalay, Yan ang sabi saakin"

"Pero paano natin sila mapipigilan" tanong ko

"Dexie, Lily magingat kayo. Hindi nila tayo makukuha dito, puno ng majika ang bahay natin"

Bumukas ang pinto at niluwa 'yon si papa "Hindi tayo magkampanye sa majika, malay natin majika rin ang gamit nila, mas maitim pa sa gamit natin" hinila niya ang drawer at umpisang nilagyan ng bala ang kaniyang baril

"Maghanda kayo" utos ni mama "Umpisa na ng mapanganib na laban"

"I-compact niyo na po ako" sabi ko kaya nagtinginan silang lahat saakin. Nung una hindi ko pa gusto sa desisyon na ito pero kapag na compact ako alam kong marami akong matutulungan, alam kong may maiaambag na ako at alam kong magkakaroon na ako ng majika. Dati nagdadalawang isip pa ako pero ngayon desidido na ako.

-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Where stories live. Discover now