/25/ Mentor

13 3 0
                                    

Dali-dali akong pumasok sa loob ng restaurant suot ang puting uniform ko. Nakita ko si Sir. Breckin ang manager ng restaurant na may kinakausap na staff. Pumunta akong kusina at naabutan ko si Chef Gill, siya ang head chef dito at siya rin ang mag aasist saakin. I think he's around 50's but he seems nice.

Meron pang ibang chef's dito. Estimated ko nasa seven kami sa loob ng kusina. Ako lang ang amateur

"Hi po chef. Sorry medyo na late" I slightly bowed

He looked at me "Ah nandiyan ka na pala. Paki handa na ang stock ng karne dahil ihahalo natin 'yon sa soup mamaya" utos niya

Agad kong pinusod ang buhok ko at sinuot ang hairnet at aapron. Kinuha ko ang mga beef ribs sa ref at inumpisahang pakuluin 'yon

"Lily, please defrost the chopped pork. Baka merong mag order ng pakbet mamaya. Just to be ready" agad ko iyon ginawa

Pagpatak ng hapon ay mas rumami ang mga costumers. Hindi na kami nakakain sa tamang oras dahil kailangan naming unahin ang orders ng mga costumers. Sumilip ako ng kaunti and the tables are full, they are waiting patiently.

"Lily, we need more chopped garlic" utos ni Chef kaya kinuha ko ang mga buong bawang at inumpisahang i-minced iyon. Nilagay ko sila sa isang garapon at binabad sa olive oil to preserve and para magamit pa. It's a less time consuming if we do that.

Nang naserve na lahat na inorder ay kami naman ang naupo at nagumpisa na silang kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang napatingin si Chef Gill saakin.

"Hindi ka kakain?" He asked. Umiling ako, mamaya na ako kakain ng dinner pra isahan nalang, less gastos dahil kailangan pa namin magtipid.

"Ayos lang po" ngumiti ako at uniwas ng tingin

He let out a heavy sigh. Kumuha siya ng pinggan sa gilid at nilagay ang kalahating pagkain niya roon. Doon ko lang napagtanto nung ibinigay niya saakin ang pinggan kaya napalaku ang mata ko dahil sa gulat.

"Nako 'wag na po" nahihiya kong sabi

"Ay nako! Ang bata bata mo pa tapos hindi ka kumakain. Sige na kainin mo na" kinuha ko ang pinggan at pinasalamatan si Chef Gill sa ginawa niya

Alas sais trenta umalis na kaagad ako. Hindi ko kailangang magpagabi sa restaurant dahil hindi naman ako full time worker kagaya nina Chef Gill kaya half day lang ako for thirty days.

Naglakad ako papuntang bahay nang may napansin akong tumatayo sa gate, hindi ko makita ng klaro kaya tumakbo ako palapit.

I sighed in relief ng napansin kong si Magnus nakatayo

"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ko

"Hindi naman" his annoying smile flustered again in his face

"Please 'wag kang ngumiti. It annoys me" sabi ko

"Ansungit mo. Ikaw na nga ang nagpapatulong" umirip siya, bago ko pa tuluyang nabuksan ang gate ay tinanong ko na siya agad

"Paano mo ako natunton?" As far as I remember hindi ko nasabi sakanya kung saan ako nakatira. That's weird

"Sinundo ako niton alaga mo" tinuro niya gamit ang kaniyang paa si Lei sa baba

"Talaga?" I said in amusement

Binuksan ko na ang gate at pinapasok siya.

"Kumain ka na ba?" Huminto ako

"Alam mo andami mong tanong. Pwede ba papasukin mo muna ang bisita mo?" I rolled my eyes mentally at pinapasok na siya ng gate

"Dex!" Tawag ko nang makapasok kami sa sala. Tinignan ko si Magnus na kakapasok lang at agad na inilibot ang tingin sa loob ng bahay

"Ganda ha" he said, hindi na ako sumagot

"Umupo ka muna" turo ko sa couch. Umakyat ako para tignan kung nasa loob ba sina Dexie at Erylise ng kuwarto. At hindi nga ako nagkamali, tulog na silang dalawa nang pumasok ako.

Nag-iwan sila ng sulat sa study table ko

'Merong ulam sa mesa. Nauna na kaming kumain'

Napangiti ako at tinignan sila. Alam kong pagod ang mga katawan nila dahil sa trabaho.

Kinuha ko ang spell book at dinala ko iyon pababa. Pumunta akong sala dahil doon ko pinaupo si Magnus kanina pero wala siya doon

"Magnus?" Tawag ko, tinignan ko ang labas at wala naman siya

"Oh bakit?" Nilingon ko at biglang kumulo ang dugo sa katawan ko "Ansarap nito ha" dagdag niya pa

Hawak-hawak niya ang drumstick at nilalantakan iyon "Ang kapal ng mukha mo" I said in disgust

"Mas makapal 'yan oh" tinuro niya ang spell book na hawak hawak ko

"Sandale" inubos niya ang drumstick hanggang sa buto nalang ang natira, tinapon niya iyon sa labas at inagaw ang spell book sa kamay ko.

"Ito 'yung nawawala sa coven ah" he scanned the pages of the book

"Talaga?"

"Oo, this was written by the veteran witches and warlock during 1850"

"Sino ang mga iyon?"

Hindi siya sumagot. Instead nagtanong siya habang may binabasa.

"Ano nga ngayon?" He asked biglang sumeryoso ang kaniyang expression

"May 17" agad siyang napamura sa sinabi ko

"Kailangan natin mag ingat pagpatak ng susunod na buwan. Narinig kong may plano ang coven sa pagbuhay sa pitong krona ng makasalanan.

"Sino ba ang mga iyan?" I asked at pinakita kiya saakin ang kahulugan ng pitong krona ng makasalanan na nakasulat sa libro.

"Partly, it came from the seven deadly sins. At itong mga krona na ito ang nagpasimuno" ani niya

"Kung ganon-"

"Kung ganon kailangan mo ng aralin kung paano gamitin ang majika mo" he said in a serious tone

Sinarado ko na ang pintuan at bumalik kami sa loob dahil sobrang lamig ng hangin.
Patuloy parin sa pag scheme ng mga pages si Magnus

"Compacted ka na ba?" He asked

"Oo, bago lang" sagot ko

"Kaya pala" Tinignan niya ako

"But I practiced some of the spells" ani ko

"So marunong kang gumamit?" Umupo ito sa sofa "Tell me about your magic" now his full attention was on mine now

"Not really. Ang ibang spells ay nagawa ko but majority sobrang hirap kontrolin. I also tried to discharge fumes in my hands pero sobrang mild lang ang lumabas at agad ako nanghihina tuwing gumamit ako" patuloy-tuloy kong usal

Tumango-tango siya "Yun lang?" Walang iteresado niyang sabi. Na parang ang boring kong kausap

"Ano pa ba ang gusto mong sabihin ko?" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay

"Ay ansungit, edi 'wag" sinarado niya ng malakas ang spell book at ipinatong iyon sa sofa. Tumalikod siya at aalis na sana

"Magnus!" Sigaw ko

Ngumiti ito na mapang asar. I knew it!

"Call me. Mentor" he grinned

-
-
-
-PUTI

Cast of Spell [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon