/19/ Compacted

18 2 0
                                    

"Sigurado ka na?"

"Insan, baga pwede pa tayo makaisip ng paraan-"

"I said convert me. Now"

"Pero, it's your whole life that we are talking about"

"Wala akong pakealam Dexie, hindi na natin sila maabutan ma buhay kung hindi ako magiging Krona"

"Fine. Erylise bumalik ka sa bahay at kumuha ng kandila at patalim, kitain mo kami sa loob ng gubat" tinuro ni Dexie ang gubat sa kalapitan

"Sige" naglaho si Erylise at tumakbo kami ni Dexie papasok ng gubat

Umupo muna kami sa isang malaking bato "Remember Lily, if the compact will be successful you will be having a hard time remembering the spells" tumango ako habang iniinstruct saakin ni Dexie kung ano ang possible na mangyayari

Dumating si Erylise na hingal na hingal, pinalibot niya ang kandila at isa isang sinindihan ito, dinuhol niya rin ang isang patalin kay Dexie. Gumawa siya ng bilog sa lupa at pinasok ako roon

"This will sting" Tumango si Erylise at Dexie, sabay sabay nilang tinaas ang patalim at ang kanilang palad at nilaslasan ito

Diniin ko ang pagpukit as I see their hands covered with their own bloods "Lily focus" naghawak hawak silang kamay at nagbigkas na ng mga salita na hindi ko maintindihan

"Olestus evorum kronasa esqweles" pinaulit ulit lang nila tong biglas hanggang sa lumalakas ang hangin, pinapalid na rin ang buhok ko

Binaba ko ang tingin ko at dahan dahan akong lumulutang. I closed my eyes at naghintay na matapos ang orasyon. Hintayin niyo ako mama at papa

Patuloy patin ang paglakas ng hangin, nakaramdam ako ng hapdi sa may mata at palad ko. Kahit malakas ang hangin rinig pa rin at nag eecho parin ang boses ni Dexie at Erylise

A tear fall when I felt someone stabbed my chest. Napansin kong dahan dahan akong bumababa at dahan dahan ring nawawala ang lakas na hangin

Minulat ko ang mata ko at minulat na rin nina Dexie ang kanila. "Lily, this will be the final step" kinuha niya ang patalim at sinugatan ang palad ko, napangiwi ako sa sakit at hapdi

"Done"

"Tapos na"

"Do you feel some strong energy na dumadaloy sa katawan mo? Napakiramdam mo ba na parang sobrang gaan mo?" Agad na tanong ni Dexie

Pinakrimadaman ko ang sarili ko "Oo" I respond

"What's the plan? Since compacted na ang isa sa kasamahan natin" tanong ni Erylise

Wala akong may isagot, I don't know what to suggest pero bigla nalang bumuka ang bibig ko "Libro"

"Huh?" Napakunot ang noo nila

"Hindi ko rin alam. Bigla nalang binigkas ng mga bibig ko" I said creeping out

"Baka yung spell book?" Tanong ni Dexie

"Teka kunin ko" naglaho ulit si Erylise at pagbalik niya dala niya na ang spell book "Aray, biglang napaluhod si Erylise pagkadating niya" 

Agad namin siyang inalalayan ni Dexie 

"Ano nangyari?" 

"Mahirap huminga" 

"Sandali lang, baka may mahanap tayo dito" I scanned each page of the book, sa kalagitnaan may nabasa ako 

'Pagtalo sa majika ng ibang elemento' 

Kinuha ko ang atensyon ni Dexie at Erylise, binasa namin at tumango kami ng sabay sabay. Si Dexie na ang kumuha ng gamit sa bahay at pinahinga muna namin si Erylise, kailangan naming madaliin dahil hindi namin tantsa kung maililigta pa namin ang magulang ko 

Bumalik si Dexie na may dalang asin, sinunod ko ang nasa libro. Dahan dahan kaming naglakad palapit kina Mama at papa, pinalibutan nila namin ng asin ang paligid, sinigurado namin na wala kaming maiiwan na bakante. Nagbigay ng signal si Dexie matapos namin budburan ng asin ang paligid. 

"Lily, kaya mo nang ma activate ang bilog, kami na bahala kumuha kila tita" tumango ako 

"Erylise, kaya mo pa?" tanong ko 

"Eto" inabot ni Dexie ang potion na ginagawa ni mama, pinainom niya ito kay Erylise 

"Tara" lumapit sila sa harapan, umiikang pa ang pagtakbo ni Erylise, halatang may iniindang sakit pero mas pinili niyang tumulong 

Dahan dahang inangat ni dexie ang kaniyang dalwang kamay at nagsilliparan ang malilit na bato, tinuon niya ito sa direksyon ng mga kulto at agad na nakuha ang atensyon nila. Binibitay na nila ang walang malay na katawan nina Mama at Papa

"At sino naman kayo? Mga krona?" napangiti silang lahat 

"Wala na kayong kawala" 

Nagsitawanan sila "Mas marami ata kaming iaalay" 

"Wag niyo nang tangkain"

Biglang umitim ang kanilang mata at lumalakas ang hangin, tinignan ko ang asin na nakapalibot at dahan daan na itong pinapalid ng malamig na hangin, Dexie kailangan niyo ng bilisan 

Nagsenyas ang isang lalaki at agad na sumugod kina Dexie at Erylise, pero bago pa silang makalapit at naglaho na sila at dumiretso sa kung saan nakatali sina Mama at Papa, dali dali nilang tinanggal ito, inalalayan nila at mabilisang dumiretso saakin 

"Lily sige na" 

kinabahan kong sinugatan ulit ang palad ko gamit ang isang patalim, sinigurado kong pumapatak ang dugo sa asin. Nagsitingan ang grupo ng mga kulto sa gawi namin at tangkang lumapit sana "Diyos ng mga Apoy! inaalay ko ang sariling dugo para pabagahin ang bilog na nakapalibot dito! Kostus Erelusto!" bago pa sila makalapit at mapalid ang asin ay agad na pinalibutan ng baga ang bilog 

Kinuha ko ang isang likido na nakalagay sa maliit na bote, dinasalan ko ito gaya ng nasa libro at tinapon sa gitna "Mga krona! pagbabayaran niyo ito!!" sabi ng isa sa kanila, tumakbo kami at sa kalagitnaan non ay may sumabog na pinakamalakas na tunog

Agad ko silang tinulunagan, tinanggal ko rin ang sako na nakapalibot sa ulo nina Mama at Papa, gusto kong umiyak, sugat na sugat sila at puno ng mga pasa "Tara na" sabi ko kina Dexie

"Lily, I think hindi na rin namin kaya"

"Masyadong mahina na ako, abusado na ang pagamit namin ng majika" 

"Paano, paano tayo makapapunta sa bahay? baka makatulong ako" I said 

"Recite the spell and isipin mo ang lugar kung saan mo gustong pumunta" 

hinawakan ko sila at inisip ang sala sa bahay I closed my eyes "Teleportes Doyan" 

Naramdaman ko ulit ang lamig ng likod ko, pagmulat ko ay nasa sala na kami ng bahay, agad ko sila pinaupo sa sofa at bumaba sa basement ni Mama, isa isa ko silang pina inom ng potion at hahanap nalang ako ng paraan kung paano ma contact si Aunty Vixen. After this, I need to learn how to use my magic....

Para mapatumba ko ang coven..


-

-

-

-PUTI 



Cast of Spell [COMPLETED]Where stories live. Discover now