Chapter 12: AVOIDANCE

916 187 8
                                    

Hindi ko na kilala ang sarili ko. Dati ay wala akong pakialam sa mga sinasabi ng mga tao maliban kay mom and dad. Pero here I am at the bar, umiinom. I can't get over what he said. Paulit-ulit sumasagi sa isip ko. Lalo na ang pagbuhat niya kay Holly sa likod niya.

Ganun ba talaga siya mag-alala kay Holly? Daig niya pa jowa. Edi sana niligawan niya yun. Edi sana yun ang binigyan niya ng lunch. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon,hindi sana ako naguguluhan ngayon.

Yan ang iniisip ko habang umiinom ng alak. Dalawang bote na ang naubos ko kaya may tama na ako. Pagkatapos kasi ng dissection ay tumungo agad ako dito mag-isa. Hindi ko na sinama sina Wilson at Layla dahil ang akala nila ay nakauwi na ako.

Gusto kong mapag-isa.. Gusto kong magwala.

"You're so heartless." panggagaya ko kay Liam habang kinakausap ang aking sarili.

"Eh ano tawag sa'yo? Jerk? G*go, ginugulo mo lang isip ko eh. Hindi kita maintindihan!" Sagot ko din sa aking sarili at tumungga nanaman ng alak.

"You're drank, miss."

Napatigil ako nang may tao nang nagsalita sa harap ko. I looked at him pero hindi klaro ang mukha niya sa paningin ko, dahil na din siguro sa alak.

"Hindi ba obvious? " I said sarcastically.

Binalik ko ang paningin sa baso at uminom ulit.

"Hindi lalaki ang punta ko dito, pero lalaki ang dahilan ng pagpunta ko dito, irony HAHAH." Sinabi ko ito habang natatawa.

Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ko. Tiningnan ko lang siya...Ano ba trip nito?

"T-teka, who are you para umupo diyan?" Takang tanong ko.

"I'm Luke Anders-."

"Pres, what are you doing here?! It's okay bro, I'm his boyfriend. Makakalis kana. "

"Asa.."

Sino-sino ba tong mga tao sa harap ko? Ughh! Umiikot na ang paningin ko.

Naramdaman ko nalang na may bumuhat na sa'kin.

I woke up in this unfamiliar room. I know na nasa kwarto ako ng lalaki dahil grey and black lang ang nakikita kong kulay.

Ang sakit ng ulo ko!! Mabuti nalang at walang pasok ngayon. Teka! Tiningnan ko ang suot ko...

"LECHE! BAKIT IBA NA ANG SUOT KO??"

Tumayo agad ako ngunit umiikot pa din ang buong paligid. UGHHH! Ano ba kasi ang pinanggagawa ko kagabi!.

"Oy pres gising kana pala!"

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at nakita ko si Fermin na may dalang pagkain. W-what??? Bakit nandito ako ngayon sa kwarto niya?? May nangyari ba sa'min?

"M-may n-angyari ba s-satin?" Hiyang bungad ko sa kaniya.

Napatigil siya at namula.

"Huh?! Haha. Oy pres, wala ah. Hindi ako ganun." Sabi niya habang kinakamot ang batok niya.

"Bakit iba na ang damit ko?" I asked him.

"Ah.. Si yaya ang inutusan ko para bihisan ka. Mabuti nga at kasiya ang damit ng kapatid ko sa'yo." Sagot niya habang pinatong ang tray ng pagkain sa table.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at si Fermin ang nakakuha sa'kin. Kung iba yun baka ano pa ang ginawa sa'kin. Uso pa naman mga fuckboy ngayon.

I looked at Fermin.Naka jersey shorts lang siya at naka plain white t-shirt pero ang presko niyang tingnan.

"Kumain kana muna pres, bago kita ihatid sa inyo." Sabi niya at lumabas na sa kwarto.

Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon