Chapter 22: PROJECT

819 136 6
                                    

It's already 12:00 nang makarating kami sa mansion nina Liam. Pagpasok namin ay namangha ako sa loob. Napakaganda! Kulay puti ang nasa loob at napakalinis tingnan. Marami silang kasambahay na nagsisilbi sa kanila. Parang prinsipe si Liam dito.

"Panigurado akong gutom na ang bisita mo ijo, kaya kain muna kayo. May hinanda akong pagkain sa inyo." Sabi ng lola ni Liam sa amin.

Naglalakad kami ngayon sa loob at sa tingin ko ay pupunta kami sa dining area.

"Oo nga po lola. Gutom at saka pagod sa byahe."  Dugtong naman ni Liam sa kaniya.

"Hindi naman po masyado, kumain din naman ako habang nasa byahe." Sabi ko sa kanila dahil baka isipin nila na napabayaan nila ako dito.

Nang makarating na kami sa dining area ay lumaki ang mata ko. WTF! Isang mahabang mesa ang nakita ko at puno ito ng sari-saring pagkain. May lechon pa. Hindi ko akalain na maghahanda sila ng ganito. Pang noche buena na to. Sakto din namang alas dose ng gabi.

"Kain muna kayo, aayusin ko lang ang kwarto niyo. 'Wag kang mahiya ija. Liam? Asikasuhin mo yang bisita mo."Pagpapaalala ng lola niya.

Ngumiti muna siya sa amin at umalis na. Nabanggit ni Liam sa' kin na ang pangalan ng lola niya ay si Donya Soledad, lola niya ito sa side ng dad niya. Hindi mo mahahalata na 82 years old na siya dahil hindi din halata ang kulubot sa balat niya. Ang ganda siguro ng skin care niya.. Matanong ko nga. Kidding.

Habang kumakain kami ni Liam ay tinitingnan ko siya. Napakaganda ng mga ngiti niya. Sa tingin ko ay mahal na mahal niya ang lola niya dahil ang genuine ng smile niya ngayon. Ang gwapo niya tingnan.

"Liam.. I mean Cancer? Pwedeng magtanong." I asked him.

Tumingin muna siya sa'kin bago sumagot.

"Yeah, sure."

"May la-laptop ka ba dito? Kailangan ko pa kasi gawin ang project ko sa biology." Kailangan ko munang tapusin ang project ko. Kaya nagwoworry ako baka hindi ko ito matatapos dito. Kailangan ko pa din namang humabol ngayon.

"Yeah, Sure. Tatapusin ko din yung akin. Sabay na tayo mamaya." He said it while staring at me. Naiilang ako.

"Sa-sabay nating tatapusin? So m-meaning iisang kwarto lang tayo?"

Lechefaln. Ano ba tong nasa isip ko??

Ngumisi siya na para bang nakakatawa ang tanong ko.

"Ano bang nakakatawa sa tanong ko?" Inis kong tanong sa kaniya.

"W-wala, kung ayaw mo akong kasama sa room pwede ka din namang matulog sa ibang kwarto. Huwag mo lang pansinin ang babaeng nakaputi na lumilitaw sa hangin." Seryosong sabi niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Totoo naman siya. Kung hindi ako sasama sa kaniya baka hindi na ako sisikatan ng araw. Napakalaki ng mansion na to. Kaya more space din ang mga multo. UGHH! creepy.

Natapos na kaming kumain at dumating na din si Donya Soledad.

"Handa na ang kwarto niyo ijo, Kaya magpahinga na kayo. Marami pa kayong pupuntahan bukas." Sabi sa'min ng Donya.

"Thank you, lola. Goodnight!" Sabi ni Liam sa kaniya sabay halik sa pisngi.

"Thank you, Donya Soledad." Pagpapasalamat ko din.

"You're too formal ija. Just call me Lola Sol." Sabi niya habang hinihimas ang braso ko.

"Akyat na po kami." Pagpaalam ni Liam.

Ngunit nagulat ako ng hinatak niya ang braso ni Liam at may binulong.

"Galingan mo ijo, gusto ko ng magka apo."

Rinig na rinig ko iyon. Lecheee! Ang sama naman ng iniisip ni lola. Namula tuloy ako. Umakyat na kami ni Liam.

Iba na ang tumatakbo sa isip ko dahil sa sinabi ni Donya. UGHH!

Nang makarating na kami sa room ay  nagulat ako ng makita ang maliit na kama na tila bang sinasadya talaga ng donya na pagdikitin kami dito, agad kong hinanap ang laptop ni Liam. Binuksan niya muna ito at pinahiram na sa'kin. Naging abala ako sa pag gawa ng project ko. Siya naman ay gumagawa din sa computer niya. Ngunit habang tumatagal ay dinalaw na ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Nagising ako na mag-isa sa kama. Nang nilibot ko ang paningin ko ay nakita ko si Liam na natutulog sa sahig. I found myself staring at him. Ang himbing ng tulog niya. He looks so perfect.Para siyang anghel na natutulog. Gusto kong maging parte ng panaginip niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya.  Leche bakit ang bango pa rin ng hininga niya?? Unfair!
3 inches nalang ang layo namin nang dumilat siya.

*Bogsh!

Aray! Nahulog ako sa kama dahil sa gulat. Ang sakit ng pwetan ko. Nabali yata ang ischial tuberosity ko. Putchaaa!

"Hey are you okay?" Alalang tanong sa'kin ni Liam.

"Y-yeah." Dahan-dahan akong bumangon habang hawak ang pwet ko. Ang sakit talaga!.

"Bakit ka kasi gumulong dito. Nahulog ka tuloy." Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong umupo sa kama.

"W-wala. Nanaginip kasi ako. Action, kaya ayon." Pagsisinungaling ko.

"Sana sa'kin ka nalang nagpahulog."

"Ano?" Takang tanong ko.

"I m-mean.. Sana dito ka nalang nahulog sa side ko, baka nasalo pa kita." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit binibigyan ko ng ibang kahulugan yon. Talaga bang sasaluhin mo ako? Kung sasaluhin mo man ako, hindi ko pa rin masisiguro na hindi ako masasaktan.

Bumalik lang ako sa huwisyo ko ng matandaan ko na hindi ko pa pala natapos ang project sa biology.

"f*ck! Nasaan nga pala ang laptop mo? " Taranta kong tanong sa kaniya.

"Why?"

"Hindi ko pa natapos ang ginagawa ko kagabi." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumunta na ako sa table kung saan ang laptop.

Binuksan ko ito at wala akong nakitang files ko. Puchaaa!hindi ko pala na save kagabi. Ugghhh! Inumpisahan ko ulit ang paggawa ng project.

"Kumain na tayo sa baba." Aya ni Liam sa'kin.

"Mauna kana, gagawin ko muna to." Sagot ko sa kaniya.

"Kumain kana, at huwag mo ng gawin yan." Pagpilit niya.

"No... Mas importante to. Hindi ko na save kagabi ang project ko, kaya gagawin ko ulit. Mauna kana sa baba."

Napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa mouse. Lumingon ako sa kaniya. Ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ginawa ko na yung project mo kagabi, nakasave dun sa computer ko kaya kumain na tayo. Check mo  nalang mamaya kung may babaguhin ka."







Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin