Chapter 21: SPAIN

825 141 4
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin alam kung paano magpapaalam sa parents ko. Pupunta kami ni Liam sa Spain. 2 days lang naman. Taga Spain kasi ang lola niya at may bahay sila doon, gusto niya lang daw bisitahin. Hindi ko alam kung bakit isasama niya pa ako.

Bukas na kami aalis. Kaya dapat ngayon palang ay makapagpaalam na ako. Naisip ko na sa dinner ko nalang sasabihin para sabay.

Nang bumaba na ako para mag dinner ay nagulat ako nang si Oliver lang ang nakita ko sa dining table.

"Where's mom and dad?" I asked him.

"Nasa farm, nag honeymoon yata hahaha." Sagot niya.

Siraulo talaga to kahit kailan. Hindi nga ako nagkamali. Umiyak nga sa'kin si Maya dahil sa kaniya. Pa'no ba naman kasi, hindi na daw siya nirereplyan ni Oli pagkatapos naming pumunta sa resort nina Wilson.

"Kelan daw ba sila babalik?"Pang uusisa ko sa kaniya.

"I don't know, pero sure akong matagal sila dun. Marami silang dalang gamit." Sabi ni Oli habang kumakain.

Yeeeesss!! Tuwa at galak ang nararamdaman ko. Sa wakas ay hindi ko na kailangang magpaalam. Alam kong masama, pero I trust myself. Wala naman kaming gagawin doon. Gusto ko lang din malaman kung gaano kaganda ang Spain.

Pagkatapos kong kumain ay nag impake agad ako. Isang maleta na maliit ang dala ko. Good for 3 days na damit, para may extra. Tapos na din akong mag impake nang tumawag si Cancer.

"Hey? Are you ready for tomorrow?" He asked on the other line.

"Yeah. Kakatapos ko lang mag impake." Sabi ko sa kaniya

"Good girl. Pinayagan ka ba ng parents mo?"  Tanong niya ulit.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo dahil baka hindi kami tutuloy kung sabihin ko sa kaniya na hindi ako nakapagpaalam.

"Yeah, they agreed. Basta 2 days lang daw." Pagsisinungaling ko.

Fuck! Naging hobby ko nang magsinungaling ah. Hindi na mabuti.

"Uhm that's good. I'm happy to hear that."

"Yeah. Tulog na tayo. Maaga pa tayo bukas. Goodnight" Sabi ko sa kaniya

"Goodnight. Sweetdreams my mb."

"Mb?" Taka kong tanong.

"Microbiologist." He said it to me. At ayun, nabuhay nanaman ang lumilipad na mga insekto sa tiyan ko kaya binabaan ko na ng telepono baka mahalata.

8:00 am ang flight namin kaya natulog na ako. Mahaba din kasi ang byahe namin bukas.

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising. Naligo na ako at nagbihis. Maaga ding tumawag si Liam sa'kin. Sabi niya ay susunduin niya daw ako dito mga 7:30. Nagpaalam na ako kay Oliver. I trust Oli , alam kong mapagkatiwalaan ko siya. Sabi niya ay siya na daw ang bahala na magdahilan kina mom and dad kung mauna silang umuwi sa'min.

"Are you excited?" Tanong ni Liam sa'kin.

Nagmamaneho siya ngayon papuntang airport.

"A little bit nervous." Sagot ko.

Nang makarating na kami sa airport naghintay muna kami mga 20 minutes.

Sa wakas ay nakasakay na din kami sa eroplano.

Nasa window part ako dahil ito talaga ang favorite place ko noong bata pa. Ang bintana sa eroplano ang pinakapaborito kong lugar . Nakatulog lang ako buong byahe. Pagkagising ko ay nagulat ako nang namalayan ko na nasa balikat na pala ni Liam ang ulo ko. Kaya agad akong bumangon. Malapit na din naman kasi kami.

Nang makarating kami sa Barcelona International Airport ay agad kong nilanghap ang hangin.  Amoy ibang bansa hahahah.

"You look cute." Liam said while staring at me.

"Always." Pagmamalaki ko.

Hinanap niya ang banner nang magsusundo sa'min at wala pang limang minuto ay nahanap na niya agad.

"Bienvenido de nuevo (Welcome back) , Frost." Sabi ng isang lalaki sa kaniya.

"Como estas (how are you) , tiyo Rodolfo?" Liam asked him.

"Estor bien(I'm fine)." Sagot ng lalaki na sa narinig ko ay parang tiyo niya.

"Girlfriend mo Frost?" Tanong ng lalaki.

Leche marunong din naman palang magtagalog pinahirapan pa ako.

"We're friends po, I'm Sophia po tito." Pagpapakilala ko sa kaniya.

Tiningnan lang ako ni Liam, walang emosyon ang makikita sa kaniyang mukha.

"Ah sayang naman kung friends lang kayo. Ang gwapo nitong pamangkin ko." Sinabi niya ito habang binubuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan. Pumasok na kami sa loob at nagsimula siyang magmaneho.

"So friend mo lang ako?" Pabulong na tanong ni Liam sa'kin. Nasa likod kaming dalawa kaya hindi kami napapansin ni tito Rodolfo

"Yeah. why?"  I asked him back.

"Sulitin mo na ang pagiging friend natin, hindi mo na ako matatawag na ganiyan kapag umuwi na tayo." He said it while looking at me.

Na gets ko agad ang sinabi niya. Leche bakit kinakabahan ako?  Pero hindi ko pa rin pinahalata.

"Hindi naman masama ang mag assume." Pang-aasar ko sa kaniya.

"We're here." Nagsalita si tito Rodolfo sa unahan nang makarating na kami. Mga tatlong oras ang binyahe namin galing airport.

Bumaba agad si Liam at pinagbuksan ako. Nang makalabas na ako ay namangha ako sa aking nakita. Nilibot ko ang paningin ko at nahagilap ng mata ko ang napakalaking mansyon na nasa harapan ko ngayon. Masyado na itong luma pero maganda pa rin tingnan.

Liam grab my waist when we step closer to the mansion. Habang papalapit kami ay may lumabas na matandang babae sa pintuan. Maputi na ang kaniyang buhok ngunit makikita mo sa kaniyang mukha ang pagiging mestiza. Kitang-kita sa kaniya na may dugo siyang kastila.

My heart skipped a bit when I finally met her. Napakaclass niya. Kahit matanda na siya ay nararamdaman ko pa rin yon.

"I miss you Ijo. Buti nalang at naisipan mong bumisita dito." Sabi ng lola niya habang nakayakap sa kaniya.

They look so cute.. Parang naiinggit nga ako. Maaga pa kasi namatay ang lolo at lola ko kaya hindi ko man lang sila naabutan.

Nang binitawan na nila ang isa't - isa ay agad na tumingin sa'kin ang lola niya.

"Ang galing mo pumili, Ijo"

Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon