CHAPTER 4

1.5K 53 29
                                    

"Natatandaan mo pa ba ang itsura ng babaeng napanaginipan mo?"

Umiling si Yller sa katanungan ni Hier.

"Hindi, medyo malabo ang itsura niya. Pero kung makikita ko siya, malalaman kong siya ang babae sa panaginip ko."

"Pano mo siya makikita? Gawa-gawa lang ng isipan mo ang babaeng sinasabi mo."

Hindi na nagsalita si Yller. Nagtaka si siya kung bakit iba ang kanyang suot na damit, kung kaya't tinanong niya ang kaniyang kaibigan. 

"Bakit ito na ang suot ko?  Nasaan na ang suot ko kahapon? "

"Tinapon ko. Nagsuka ka, marumi na. Alangan namang pasakayin kita sa loob ng kotse na puno ka ng suka."

"Hindi ko matandaan na nagsuka ako kagabi."

"Siyempre lasing ka na. Tsk"

"Yller"

"Oh?"

"Did you get high last night?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gumamit ka ba ng bawal na gamot kagabi?"

"Hindi, alam mo namang huminto akong gumamit niyan ngayong maayos na ako diba?"

Isa sa preskripsyon ng doktor ang methamphetamine, isang uri ng droga na maaaring makatulong sa kaniya upang hindi lumala ang kaniyang sakit. Ngunit kung hindi ito sa tama gagamitin, maaaring makasama ito sa kalusugan.

"Sinuri ko ang iyong dugo at may nakahalong cocaine dito."

"Tangina, kaya pala iba ang pakiramdam ko lalo na nang uminom ako ng alak."

"Sa tingin mo sino may gawa sayo n'yan?"

"Wala akong ideya kung sino ang gumawa. Tsk, iimbestigahan ko 'to, malaman ko lang kung sino ang nanggago sa akin. Tangina, ibabalik ko ng isang daang beses ang panggagago niya."

"Tutulungan kita sa paghanap kung sinuman 'yon."

"Salamat! Nga pala, kailangan kong umuwi ngayon."

"Bahala ka kung uuwi ka."

"Sige, una na ko."

Matapos umalis ni Yller ay agad na tinawagan ni Hier si Mr. Newz.

"Hello tito?"

"Bakit?"

"Pauwi na si Yller, okay na. Wala siyang alam sa mga nangyari kagabi."

"Sige salamat. Sana wala ring makakaalam nang ginawa niya."

"Huwag kang mag-alala tito, magkaibigan kami. Hindi ko siya tatraydurin."

Pinutol na ni Mr. Newz ang tawag nila dahil pupunta pa siya sa isang hiring.

**********

Nagising si Claudia, ang kaniyang ama ay nakaupo sa kaniyang tabi at hinihimas ang kaniyang buhok.

"Anak, kamusta ka na?"

"Okay naman tay."

"Sabi ng doktor mas mabuting dumito ka ng isang linggo dahil nilalagnat ka. Hindi maayos ang sistema ng katawan mo pati na ang laman mo."

Fucker Series #6: YLLERWhere stories live. Discover now