CHAPTER 16

328 18 9
                                    

Yehey! I'm happy na makakapag update na din.

-En

***************

Malapit nang mag-uwian, mayroon lamang siyang 30 minuto pagtapos ng klase para puntahan si King kailangan niyang magmadali ngunit nakita niya ang kaniyang ngalan sa listahan nang maglilinis ng silid-aralan.

'Cleaners pala ako? Hmmmm...'

Umubo ng malakas si Claud at kinagat ang kaniyang dila tiyaka kinuha ang tissue. Lumuwa ng dugo si Claud.

"Excuse me, Ms. Santiago"

"Ano iyon nak?"

"Umubo po kasi ako tas may dugo po"

Nanggigilid ang luha ni Claud. Agad na naalarma ang kaniyang guro.

"Tara sa clinic"

Hindi pa man natatapos ang klase ay agad na dinala ni Ms. Santiago si Claud sa Clinic ngunit wala doon ang nurse.

Hindi na naisip ni Ms. Santiago na tingnan ang bibig ni Claud dahil sa pagkataranta nito. Dali dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang guardian ni Claud.

"Hello po?"

"Hello? Sino to?"

"Ako nga po pala si Ms. Santiago, guro ni Claud. Lumuwa po ng dugo si Claud matapos umubo. Mabuting dalhin niyo po siya sa ospital upang mapatingnan."

"Ahh, ganoon ba? Sige sususnduin siya ng asawa ko."

"Salamat po, ano nga pong pangalan niyo?"

"Fe, tawagin mo na lang akong lola Fe"

"Sige po La. Salamat"

Naputol ang tawag at agad na nginitian ni Ms. Santiago si Claud.

Samantalang nabigla si Fe sa kaniyang narinig at dali-daling tinawag si Gilbert.

"Gilbert! Halika rine!"

"Abay bakit? Ano nangyari?"

"Tumawag ang guro ni young master, lumuwa daw ng dugo ang bata matapos umubo. Anong gagawin naten? Sasabihin ba natin kay sir?"

"Oo, sabihan mo si sir. Pupuntahan ko si young master sa school."

"Sige, mainam"

Nataranta ang dalawang matanda at tinawagan ni Fe ang matandang Newz.

Nabigla ang matandang Newz sa kaniyang narinig at agad na kinontak ang Jones Hospital.

"Kailangan ko ng isang medical team, puntahan niyo ang aking apo."

Personal na inasikaso ng matanda ang lahat upang walang makaalam sa nangyari at pinahanda niya rin ang kaniyang sasakyan.

Walang kamalay malay si Claud sa kaba at nerbyos na kaniyang naidulot.

Pinagpapawisan si Gilbert habang nagmamaneho ng sasakyan patungo sa paaralan ni Claud. Nang makarating ay agad niyang sinabihan ang guwardiya na nagbabantay doon. Umalis naman ang guwardiya upang pumunta sa klinika ng paaralan.

"Ms. Santiago, nandyan na po ang lolo ni Claud"

"Okay po, salamat kuya"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fucker Series #6: YLLERWhere stories live. Discover now