CHAPTER 10

1.6K 62 47
                                    

Nang makita ni Hier si Claudia ay nagulat siya dahil kasama nito ai Yller. Madali niyang kinuha ang cellphone at hinack ang malapit na CCTV para malaman kung ano ang pinagkukwentuhan nila.

"Puwedeng maupo?"

Hindi pinansin ni Hier ang babae at nagpatuloy siya sa pakikinig sa pinag-uusapan nina Claudia at Yller. Habang papaupi ang babae ay napansin niyang pamilyar siya sa babae at lalaki sa cellphone, nang tingnan niya ang gilid ay doon niya napagtanto na ang pinapanuod ni Hier ay ang lalaki at babae sa isang tabi.

Habang pinanunuod ni Hier sina Claudia at Yller ay napakunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Ang nakuha niya pang ay pagpupustahan nina Claudia at Yller sina End, Blue, at Johan.

'Makakatuluyan? What?'

Lumingon si Hier sa katabi niya at napansin niyang umiwas ito ng tingin, halatang gustong usisain ang kaniyang pinanunuod.

"Here, Watch this and explain everything to me."

"Okay"

Ini-rewind ni Hier ang CCTV footage at walang pakundangang kinuha ng babae ang cellphone tiyaka pinanuod sina Claudia at Yller.

Napakunod ang noo ng babae nang matapos niyang mapanuod ang pag-uusap ng dalawa.

"Pinagpupustahan nila yung tatlong lalaki."

Napatango si Hier sa sinabi ng babae, alam niya kung sino sa kaibigan ang pinagpupustahan nina Claudia at Yller.

"About?"

"Kung sino ang makakatuluyan nila."

"Makakatuluyan?"

"Makakatuluyan, kung sino ang magiging jowa."

Mas napakunot ng noo si Hier.

"What? Jowa? Explain it more."

"Haist, ang hirap naman kasi... I mean, kung sino yung magiging girlfriend nila o asawa. Basta pinagpupustahan nila yung tatlong lalaki."

"Ah..."

"Hindi ko ba naintindihan yung magkakatulutan? I mean, look at you... Kanina may inaayos kang kung ano, mukha kang matalino."

"I have low EQ."

"Ahh, so wala kang experience?"

"Experience about what?"

"Sex"

"Wala... I'm a clean freak, I hate when someone touch my things and I feel so disgusted when someone touch me."

"Ahh, bakit mo sa akin pinahawak 'yang cellphone mo?"

"I feel that you are different among them."

"Pano mo masabi?"

"Hindi ko din alam."

Ngumiti ang babae tiyaka nakaisip ng kalokohan.

"Anong pangalan mo?"

"Hier"

Tumango ang babae at sinambit nito ang pangalan niya.

"Hier"

Lumingon si Hier sa babae tiyaka nagsalita.

"What?"

"Let's have an experiment"

Agad namang nabuhayan ng dugo si Hier nang marinig ang salitang experiment.

Fucker Series #6: YLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon